Ilang araw na ang nakalipas. Nakabili na rin ng bagong cellphone si Jasper kaya ‘di na kami nawawalan ng communication. Pero minsan, kapag kausap ko siya, hindi ko maiwasang magselos, lalo na kapag ang topic namin ay ‘yung best friend kong si Charisse na super close na niya. Tulad na lang ngayon. “P-Pinagluto ka ni Charisse? M-Marunong siyang magluto?” hindi makapaniwalang tanong ko. Pareho kasi kami ni Charisse na walang alam sa gawaing-bahay kaya nakakapagtaka lang. “Oo, babe! Grabe. Ang sarap pala magluto ni Charisse, ‘no? Nagluto siya kanina ng carbonara. Tapos gumawa pa siya ng graham balls. Pinag-uwi niya pa nga ako e,” masayang pagku-kwento ni Jasper. “Talaga? W-wow,” ang tanging nasabi ko na lang. Bakit hindi ko kayang maging masaya sa mga kwento ni Jasper? Haaay. Ano na nam

