Date tayo. ;) Yan ang una kong nabasa ngayong umaga pagkagising ko. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. ‘Di ko pa rin nakakalimutan ‘yung pinag-usapan naming dalawa ni Kuya Dexter kahapon. Hindi ko kaya ‘yung pinapagawa niya. Gusto ko si Jasper kaya hindi ko siya lalayuan. Nagtipa ako ng reply sa text niya. Paano? Baka may makakita sa atin. Good morning. Wala pa halos dalawang minuto nang mag-vibrate ulit ang phone ko. Good morning. Wag kang mag-alala. May plano ako. Sigurado ako na hindi tayo mahuhuli ng mga kuya mo. :) Napangiti ako sa nabasa kong reply niya kaya sinabi ko na lang ay, ’sige’. Ni-dial ko naman ang number ni Kiana at mabilis niya itong sinagot. “Hello bakla! Good morning!” masayang bati ko sa kan’ya. “Walang good sa morning ko bakla lalo na’t may obligasyon ako

