Pagka-park ni Kuya ng car sa garahe, padabog akong lumabas ng kotse at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Hindi ko na pinansin ang masayang bati sa akin ni Mommy at ang mga ngiti ng katulong at ni Manang sa akin. Ayoko muna silang makita. Gusto ko munang mapag-isa. Ni-lock ko ang pintuan ng kwarto. Nagbihis ako bago kinuha ang cellphone at nakita na may ilang texts do’n. Unang text ay galing kay Jasper. Nakauwi na ako. Reply ka kung nakauwi ka na. :) Sumunod naman ay ang kina Charisse at Kian. Bakla! Walang josok bukas! Gala tayis. Madaming Fafa kapag sabadooo! *A* Besty. Una kong nireplyan si Charisse. Oh, besty? Sumunod kong ni-reply-an si Kian dahil baka magselos ang bakla kong friend na 'to! Bakla. Ikaw na lang. Wala ako sa mood. Si Kuya kasi e. :( Saka ko pa lang ni-reply-an

