Almost 9:30 a.m. na akong nakarating sa bahay nila Buraot. Hindi ko sinunod ang gusto ni Jasper. Alam ko kasi na wala namang mali sa ginagawa ko, e. Dapat lang naman na mag-sorry at magpasalamat ako kay Buraot. Pagkarating ko do’n ay nakita ko si Buraot na nililinis ang motor niya sa garahe nila. Ang seryoso ng mukha niya. Ibang-iba sa itsura niya kapag kasama niya ang barkada o kapag inaasar niya ako. Lumapit ako sa kan’ya at kita ko ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako do’n. “H-Hi buraot!” “Anong ginagawa mo dito?” seryosong tanong niya. “Uh, gusto ko lang ibigay sa ‘yo to,” sabi ko sabay abot ng box na naglalaman ng cookies. “Para saan?” Tanong niya nang hindi nakatingin sa akin. “Sorry? At saka thank you.” Hindi siya sumagot. Ipinagpatuloy niya ang paglilinis ng motor nan

