Nang mapakalma ko na ang sarili ko mula sa pag-iyak ay napagpasyahan ko nang umuwi. Kailangan ko na silang harapin. Alam ko rin naman na darating yung araw na ‘to, e. Pagkabukas ko ng gate, hindi ko inaasahan kung ano ang aabutan ko. Naririnig ko mula sa garden ang tawanang malalakas nina Kuya Dexter at Dad. May ibang boses din akong naririnig. Siguro, nandito rin yung iba naming kapit-bahay. Pumunta ako do’n at nakita ko na nag-iinuman sila, at tama nga dahil nando’n yung iba naming kapit-bahay. Nakita ako ni Kuya Dexter. Lumapit siya sa akin, pero ang hindi ko inaasahan, bakit nakangiti siya sa akin? Hindi ba dapat ay nagagalit siya sa akin dahil baka sinabi ni Kuya Miko sa kan’ya yung tungkol sa amin ni Jasper? “Wala pang 6:00 p.m. ah? Ang aga mo yata? Do’n ka muna sa loob. Pagagalit

