Nagkwentuhan pa kami ng halos isang oras at inubos ang cake na inihain sa amin ng katulong nila bago niya ako inihatid sa labas ng subdivision. Sabi ko kasi, huwag na niya akong ihatid dahil nasa bahay sila Dad. Maaga lang akong uuwi ngayon para bumango pangalan ko. Mas maaga sa curfew hour ko. 4:30 p.m. pa lang, e. 6:00 p.m. pa ang curfew ko. “Merry Christmas, babe. I love you. Ingat sa pag-uwi!” sabi ni Jasper. “Merry Christmas. I love you, too!” sabi ko bago niya ako hinawakan sa mukha at hinalikan sa labi. Akala ko, magiging masaya ang Pasko ko dahil kumpleto ang pamilya ko at nakasama ko pa ang taong mahal ko. Akala ko lang pala. . . “JESSY!” Napalingon kaming dalawa ni Jasper sa tumawag sa akin sa likod ko. Nakita namin si Kuya Miko na nando’n, nakakuyom ang mga kamao. Mabilis s

