Chapter 01

1883 Words
Umiiyak ako ngayon dito sa living room kasama si Mommy at Kuya Dexter. Pinapagalitan ako, eh. Sana talaga hindi ko na lang kinuha yung grades na yan para hindi na ako pinapagalitan dito! Kausap pa ni Mommy si Daddy at ibinalita yung nakita sa grades ko. “You got 77 in your Mathematics?!?!?!” hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Trey mula sa kabilang linya. “Oo na! Paulit-ulit,” sagot ko. “Jessy!” saway sa akin ni Kuya Dexter. “Jessy,” tawag ni Dad sa akin sa kabilang linya. “Po?” sagot ko habang umiiyak. “Jessy, anak, nagtatrabaho kami dito para sa future n’yo ng mga kapatid n’yo. Nagpapakapagod kami dito para sa inyo. Mas inuna namin ang magtrabaho kaysa bantayan ka dahil iniisip namin ang kinabukasan n’yo. Hindi ka namin nababantayan dahil nagtatrabaho kami sa ibang lugar pero alam ko naman na nand’yan naman ang Kuya Dexter mo para bantayan ka. “Anak, sana naman huwag mong balewalain ang paghihirap namin para sa inyo. Hindi naman ako naghahangad ng sobrang taas na marka. Ayaw ko lang na may line of 7 sa report card mo. Next time, do better, ha?” mahinahon na sabi ni Papa. “Opo,” sabi ko na lang at suminghot-singhot. Ibinigay ko na kay Mommy ang phone dahil lalo lang akong naiinis sa sinasabi ni Daddy. Bantay, bantay. Eh ngayon ngang wala pa sila dito, nasasakal na ako, eh. Paano pa kaya kung nandito sila? Baka hindi na talaga ako huminga. Tss. Pagkatapos naming kumain ng dinner, padabog akong umakyat papunta sa kwarto ko pero pinagalitan na naman ako ni Kuya. “Jessy , ano ba yan! Gaanan mo nga yung hakbang mo! Kaingay. Tsk.” So naglakad na lang ako nang mahinahon kahit na gusto ko nang gibain yung hagdan na ‘to. Now, sabihin n’yo. Kailan naging masarap magkaroon ng Kuya?! Lalo na’t sobrang higpit pa?! Argh! *** “Jessy . . .” rinig kong tawag ni Kuya Dexter sa akin habang kumakatok sa pinto, pero hindi ko siya pinapansin. “Jessy . . . papasok na ako, ah?” Hindi ko siya pinansin. Hindi niya rin naman ako makikita sa loob ng kwarto dahil nandito ako sa hideout ko, eh. Bahala siya sa buhay niya! “Jessy . . .” Kumatok siya sa pinto ng aparador na pinagtataguan ko. Nakakainis! Alam na talaga nila hideout ko sa tuwing nagagalit, naiinis o umiiyak ako! Wala na yata akong privacy. “Jessy, lumabas ka na d’yan. Mainit d’yan sa loob.” “Ayoko,” sabi ko sabay punas ng luha ko. “Jessy,” maawtoridad na sabi ni Kuya. Hindi ko pa rin binuksan ang pintuan ng aparador na pinagtataguan ko. Instead, siya ang nagbukas n’on. Nang makita ko siya, tuluyan na akong lumabas ng aparador at humiga sa bed ko, saka nagtalukbong ng kumot. Naramdaman ko naman na naupo sa gilid ng bed ko si Kuya. “Jessy, ‘wag ka nang umiyak. ‘Wag ka nang malungkot. Hindi naman kami nagagalit sa ‘yo, eh. Sorry kung pakiramdam mo, pinaghihigpitan kita. Pinoprotektahan lang naman kita sa mga bagay na p’wedeng makasakit sa ‘yo, eh. Sorry na. Sana maintindihan mo ako.” Hindi naman ako nagagalit dahil pinaghihigpitan nila ako. Sanay na naman na ako, eh. Buong buhay ko, yun ang ginawa nila sa akin. Nagrereklamo ako, pero alam ko naman na para sa akin din ang ginagawa nila. Alam ko naman na pinoprotektahan lang nila ako. Nalulungkot lang ako ngayon, kasi, even though how hard I try to pursue my Math subject, they always got disappointed on me. And I hate it. Gusto ko na tumaas ang marka ko sa subject na ‘yon. Pero I don’t know if I can. Ang hirap naman kasi talaga eh. Ako lang naman ang bobo sa Math. Silang lahat, magagaling. Ako, hindi. Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa akin at humarap kay Kuya. “Disappointed kayong lahat sa akin, eh.” Pumiyok ang boses ko sa huling sinabi ko. Pinunasan ko ang luha ko bago nagsalita ulit. “I hate Math, Kuya. You know that. Hindi ko alam kung mari-reach ko pa ang satisfaction n’yo sa grades ko sa Math. I hate it.” Tumawa naman si Kuya bago pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang daliri niya. “Ayaw mo kasing magpaturo sa gwapong Kuya mo, eh,” natatawa-tawa niyang sabi. Inirapan ko naman siya. “Hindi mo naman kailangang maging number 1 o makasama sa top 10 sa pinaka-hate mong subject. Yung grades na 80 and above lang, kahit yung 80 lang ang grades mo sa Math, sigurado akong matutuwa na si Mom at Dad niyan. Subukan mo lang intindihin yung mga formulas. ‘Wag mo nang pansinin yung X and Ys at kung ano pa ang magpapagulo sa Mathematics problem. Basta yung formula, kabisado mo, sigurado akong makakapasa ka.” Ngumiti ako kay Kuya. Ngumiti rin siya sa akin. Hinawakan niya ulit ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. Ginulo niya ang buhok ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa bed ko. “Sige na. Tulog ka na. Good night, Princess.” Ngumiti ako bago siya lumabas ng kwarto. Sweetest Kuya ever kahit na ang annoying niya madalas. *** “Buraot ka talaga! Wala ka bang pamasahe kaya nakikisabit ka sa amin? Tss!” singhal ko kay Kuya Miko. First day of school na kasi. Gulat ko na nandito na naman pala ‘tong buraot na ‘to pagkababa ko. “Manahimik ka, Engot!” sabi niya at nilamutak ang mukha ko. “Aray naman! Kuya, oh! Si Kuya Miko, nilalamutak mukha ko!” pagsusumbong ko. “Kadiri ka naman, Engot! Wag mo nga akong tinatawag na kuya at hindi kita kapatid! Tss,” sabi niya at padabog na sumakay sa van sa tabi ng driver’s seat. “‘Wag mo na lang pansinin. Sakay na,” sabi ni Kuya bago sumakay sa driver’s seat. Sumakay na rin ako sa likod. Ipinasak ko ulit ang earphone sa tainga ko dahil ayokong marinig ang boses ni Buraot na nagko-concert sa tuwing nakasakay sa sasakyan namin. Pakiramdam ko, hinihika ako, eh. Pinili ko ang kanta ni Taylor Swift na Clean na nagiging stress reliever ko paminsan-minsan dahil sa ganda at sa mild ng boses niya. Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang bawat lyrics na dumadaan sa napaka-gandang kanta na ito. Itinodo ko ang volume ng phone ko at sinabayan ang kanta. Mahaba-haba pa naman ang byahe, eh. Kinanta ko ito gamit ang mahinang boses, hindi tulad noong kinanta ko ang Blank Space na bigay todo. Dito, kinanta ko lang ito nang mahina at maayos. Wala na akong pakialam kung pagtatawanan ako ng Busangot at Buraot na nasa harap ko. Gusto kong matulog dahil inaantok ako sa tuwing pinapakinggan ko ang kantang ito, pero baka malapit na kami sa school kaya pinilit ko ang sarili kong gumising kahit na antok na antok na ako. Dumilat ako at tumingin sa labas ng bintana para malaman kung nasaan na kami. Naputol ang pagkanta ko nang makita ko sa rearview mirror na nakatingin sa akin si Kuya Miko. Hindi ko na sana papansinin, kaso may nakita ako sa cellphone niya na mabilis niyang ibinalik sa home nito nang tumingin ako doon! “Bakit huminto ka?” tanong ni Kuya. Hindi ko pinansin dahil ginagago na naman ako ng buraot niyang best friend, eh! Mamaya sa akin ‘to! Pagkarating namin sa school at pagbaba ko, sinuntok ko kaagad sa pisngi si Kuya Miko. “Aray, bakit ba?!” Irita niyang sabi habang hawak ang parte ng sinuntok ko. “Jessy, ano bang nangyayari?” Tanong ni Kuya sa akin. “Paano Kuya! Yung kaibigan mo nire-record ako kanina sa sasakyan habang kumakanta! Ginagago na naman ako!” pagsusumbong ko. “Hoy, anong nire-record? Kadiri! Ang pangit kaya ng boses mo! Asa ka namang irerecord kita habang kumakanta! Engot ka talaga.” Sabi ni Kuya Miko sabay irap sa akin. Aba? Ginawa pa akong sinungaling! “Talaga naman, eh. Nakita ko kaya!” Nagbuntonghininga na lang si Kuya Dexter. “Tss. Pumasok ka na Jessy at bala malate ka pa. Ako nang bahala sa ugok na ‘to. Good luck,” sabi ni Kuya Dexter bago ako hinalikan sa noo. Dumila ako kay Kuya Miko bago tumalikod at naglakad papunta sa classroom ko. Pagkarating ko sa classroom, sinalubong ako ng dalawang best friend kong maganda. Si Charisse at si Kian. Magaganda talaga kaming tatlo! Walang pangit sa magkakaibigang ‘to! “Baklaaaaa!!!” Salubong sa akin ni Kian pagpasok ko sa loob ng room sabay yakap sa akin. Natawa naman ako. “Namiss kita, bakla!” “Ako man, Kian! Namiss kita!” natatawa-tawa kong sabi. Itinulak niya ako bigla bago umirap sa akin. “It’s Kiana! Okay? Gosh!” sabi niya sabay flips sa imaginary long hair niya. “Ang aarte n’yo, mga bakla! Tara na nga sa upuan natin. Baka dumating na si teacher e,” sabi ni Charisse. Umupo na kami sa upuan namin. Magkakatabi kaming tatlo, siyempre. ‘Di naman kami mapaghihiwalay, eh. Nadaanan ko yung kaklase kong si Jasper na sa pagkakaalam ko ay kapit-bahay nila Charisse. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kan’ya. Nakita ko naman na siniko siya ng lalaking katabi niya tapos sinuntok naman niya ito. Para pa siyang nagblush no’ng ngumiti ako sa kan’ya. Ang cute niya. ** “Mga bakla, may welcome program daw mamayang gabi ang school natin dahil first day of school.” Sabi ni Kian--este, Kiana habang nagla-lunch kami. Siya lang ang lalaking pinayagan ni Kuya na lumapit sa akin. Well, hindi naman kasi siya lalaki, eh. Dyosa daw siya. Well, dyosa naman kaming tatlo! “Every year naman. What’s new?” sabi ni Charisse sabay irap. “Ew ka, bakla! ‘Di bagay sa ‘yo mag-English! Ang chiqui kasi!” Natawa naman ako doon kaya sinamaan ako ng tingin ni Charisse. “Anyway, tutugtog daw mamaya ang Plugged In band! Omg! Omg! Ang mga Fafa ko, haharanahin na naman ako! Ang pretty ko talaga.” Napa-straight face naman kaming dalawa ni Charisse sa sinabi ni Kiana. Kumagat na lang ako sa hawak kong fried chicken bago nagsalita. “Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ng mga pangit na yon? Palagi na lang sila tumutugtog. Nakakasawa na pagmumukha nila. Wala na bang iba?” sabi ko habang ngumunguya. “Napaka-poise nun, bakla, ah? Tumuturit pa laman ng bibig mo. Eewie!” sabi niya tapos pinagpagan ang sarili. “At ang supportive mong kapatid, huh? Kuya mo pa naman pinaka-gwapo doon. Naiimagine ko ang sarili ko na kasama ko siya sa harap ng altar at--” “Minimisahan sila ng kasama niyang babae dahil ikaw ang pari sa kasal nila,” pagputol ni Charisse kay Kiana. “Nooo!!! Napaka-supportive mong friend, ever! I hate you mga bakla. Kamukha n’yo mga pores ko sa mukha! Tss.” Nagtawanan na lang kami. “Basta nood tayo mamayang gabi, ah? Sure naman ako na di n’yo matitiis ang beauty ng napakaganda n’yong kaibigan na si Kiana, eh,” sabi niya at nag-beautiful eyes pa. Nagpanggap na lang kami ni Charisse na walang narinig at itinuon namin ang buong atensiyon sa pagkaing nasa harap namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD