Chapter 02

2092 Words
Natapos na ang orientation ngayong araw dahil first day of school pa lang ulit kaya may mga kaartean na program na naman. Nandito kami ni Kiana at Charisse sa music room. Pinapanood ang practice ng banda ng mga panget na kuya ko. Lahat sila, kuya ang tawag ko. Baby daw kasi nila ako since bunso ako sa pamilya namin at ako ang pinakabata sa aming mga high school students. Mamayang 7:00 p.m. pa raw mag-i-start ang performance ng mga school bands, campus dancers,singers, etc., kaya mahaba ang time nila para makapag-practice. Ako namang nahila lang ni bakla, inip na inip na! Wala talaga akong tiyaga na panoorin ‘yung practice ng napakapangit na bandang ‘to! Hmp! “Hayop ka, bakla! Bakas na bakas sa mukha mo na napaka-supportive mong kapatid sa kuya mong drummer, huh?” sabi sa akin ni Kiana nang makita na nakapangalumbaba lang ako doon at tamad na tamad na nakatingin sa banda. “Truthfully, bakla! At least ako, sinusuportahan ko ang kuya ko,” sabi ni Charisse. Palibhasa lead vocalist ang kuya niya kaya support na support siya, e. “Nakakasawa na rin kasi silang panoorin, ‘no! Halos araw-araw silang nagpa-practice sa bahay tapos—” “Hindi mo rin naman pinapanood!” sabay na sabi nilang dalawa. Inirapan ko sila. “Nanonood naman ako! Hindi lang madalas kasi nagsasawa na rin ako sa mukha nila,” giit ko. “Arte mo, chiqui! Kung ganyang kagugwapo lang ang mga fafa na nakikita ko everyday, I will never make sawa! Kahit every night before matulog, p’wedeng-p’wede nilang ibalandra ang mukha at mga pandesal nila. I will appreciate it so much,” sabi ni Kiana na para bang nagdi-daydream pa. Ngumiwi kami ni Charisse sa naging itsura niyang ‘yon. “Kadiri ka bakla. Ang dirty mo!” singhal ni Charisse sa kan’ya. “Shattap!” Ibinalik na namin ang atensiyon namin sa panonood ng practice nila Kuya. Tumingin ako kay Kuya na seryosong hinahampas ng drumsticks ang mga drums sa harap nila. Si Kuya Henry na nakangiti habang pinipindot ang keys ng piano niya, Si Kuya Ian at Kuya Red na masayang naggigitara sa magkabilang gilid ng lead vocalist na si Kuya Miko. Electric guitar yung kay Kuya Red habang ang kay Kuya Ian ay bass. Meron din hawak si Kuya Miko pero acoustic guitar naman. Itinuon ko ang paningin kay Kuya Miko habang kumakanta siya at tinitipa ang gitarang hawak niya. Gwapo sana ’yung buraot na ‘to kung hindi lang siya pangit sa paningin ko, e. Unang una kong napansin sa kan’ya ay ‘yung mga mata niyang parang nakikipag-usap habang kumakanta. Mapungay kasi ang mata niyang kulay brown. Tapos, matangos ang ilong. Yung labi niya . . . hindi sobrang nipis. Tamang-tama lang para sa lalaki. Medyo mapula pa nga, e. Sa dami ba naman ng babaeng nahalikan niya, talagang pupula ang labi niya! Tss! Napairap na lang ako sa kan’ya sa naisip ko. Pero ang pinakanapansin ko sa kan’ya ay ‘yung dalawang magkatabing nunal niya sa ilalim ng mata niya at ‘yung mga mapuputing ngipin niyang pantay-pantay. Kapag ngumingiti siya, naiinis ako. Naiinis ako kasi nagugwapuhan ako sa kan’ya kapag ngumingiti siya! Pero hindi mababago ng itsura niya ang kabwisitang idinudulot niya sa buhay ko. Hindi ko nga alam kung bakit palagi akong trip ng Buraot na ‘to, e! Bata pa lang kami, gano’n na siya sa akin. Kaya gumaganti na lang ako sa mga pang-aasar at pagsusungit niya sa akin! Nakita kong tumingin siya sa akin habang kumakanta. Nag-iwas kaagad ako ng tingin. Baka sabihin crush ko siya. Kadiri, ah? Feelingero pa naman ‘to! Ilang sandali pa ay natapos na silang mag-practice kaya nagpalakpakan naman ang mga kasama kong nanonood dito. Si bakla nga, halos magtayo na ng sarili niyang cheering team dahil tuwang-tuwa siya, e. Tumatalon-talon pa habang pumapalakpak. Parang bata, amp! Lumapit sa akin si Kuya Dexter at pinunasan ang pawis niya. Inabot ko sa kan’ya ‘yung mineral water malapit sa akin. Kinuha naman niya kaagad ito at ininom. “Maganda palang exercise sa pagdi-diet ang pagtugtog ng drums, no?” natatawa-tawa kong sabi. “Charisse, magdrums ka na lang nang pumayat ka! Gusto mong pumayat, ‘di ba?” Binato naman niya ako ng takip ng mineral water. Buti na lang mabilis ang reflexes ko kaya nakaiwa ako! “Manonood ka ba mamayang gabi?” tanong sa akin ni Kuya. Napanguso ako. “Ewan ko. Bakit?” “Ihahatid na kita sa bahay.” “Hmm. Hi—” Naputol ang sasabihin ko nang umupo sa gitna namin si Kuya Miko at nagsalita. “Oo, ‘tol. Manonood ‘tong Engot na ‘to mamaya,” sabi ni Kuya Dexter. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Ayoko! Hindi ako manonood! Nakakasawa na kaya! Duh!” sabi ko sabay irap. “Basta! Manonood ka sa ayaw at sa gusto mo,” giit niya. “Ayoko nga! Ba’t ba mas marunong ka pa sa ‘kin?! Suntukin kita, e!” “Tama na! Juice ko! Dumudugo na tainga ko sa tuwing naririnig kong nagbabangayan kayo, parang awa n’yo na!” Nagdadramang sabi ni Kuya Red. “Epal!” sabay na sabi namin ni Kuya Miko kay Kuya Red. Inirapan naman namin ang isa’t-isa matapos nun. “Jessy, sumabay ka na sa ‘king umuwi. Tinatamad ako mag-drive kaya manood ka na lang,” sabi niya saka sinipa kami ni Kuya Miko paalis sa couch at nahiga siya doon. Napakabwisit talaga! Tss! “Ang tamad-tamad mo talaga. Tsss!” Kumain na lang ako ng pagkain nila na nandoon. Binabawal pa nga ako ni Kuya Miko kasi para lang daw ‘yun sa mga gwapong miyembro ng Plugged In band, hindi para sa mga Engot na tulad ko. “Eh ‘di hindi ka rin dapat kumakain niyan! ‘Di ka naman gwapo, e!” bulyaw ko sa kan’ya. “Asa! At least hindi ako Engot.” “Tss.” Yun na lang nasabi ko sa habang nakatingin sa kan’ya nang masama. *** Madilin na pero madami pa ring estudyante ang nandito sa school. Ilang minuto na lang, magpe-perform na sila Kuya. Si bakla naman at si Charisse ay sigaw na agad nang sigaw dahil nga magpe-perform na ang Plugged In. Super supportive naman kasi talaga ni Charisse sa kuya niya. At ito namang si Kiana . . . “Aaahhhh!!! Ang mga Fafa ko!!! I’m here na!!!” Natawa naman ako kasi tili talaga siya nang tili na parang babae! Kung hindi lang ‘to bakla, baka nagka-crush na ako sa kan’ya. Ang gwapo kasi! Hindi rin naman siya ‘yung tulad ng ibang mga bakla na babae na kung manamit at mag-ayos. Lalaki siya manamit kaya kahit bakla, maraming may crush dito. Malambot lang talaga ang kilos niya. “And for our next performer! Let’s give them a round of applause . . . PLUGGED IN BAND!!!” And the crowd goes wild! Plugged In band kasi ang pinakasikat na banda ng campus. Kaya bilang pag-welcome sa mga freshmens, ‘ayan. Program para makilala ang mga pride of our school, gano’n. Nagsalita na ang panget na vocalist. “Good evening, everyone! Welcome to St. Therese Academy, freshmens and transferees! Enjoy watching this program!” Nagsigawan ang mga tao oras na marinig ang boses niya. Napairap na lang ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit ang daming nagkakagusto sa bwisit na ‘to! WHATEVER! Tssss! Nakakainis ‘yung mukha nito! Bakit ba ako inis na inis? Hays! Natapos na nilang kantahin ang Somewhere in Neverland na talaga namang sinabayan ng mga estudyante ng STA. Ako, nanonood lang. Si Kiana at Charisse naman, tumatalon-talon pa na parang nagpa-party. Enjoy na enjoy talaga nila, huh? Tss! “Maraming salamat po sa mga sumabay sa akin kumanta.” Nagsigawan ulit ang mga tao. Tumawa si Kuya Miko bago nagsalita. “The next and the last song that we will sing tonight is dedicated to a girl who caught my heart and mind . . . just like a Thunder.” Nagsigawan ulit ang mga manonood. Talaga namang mas malakas ang mga sigawan ngayon kaysa sa mga naunang nag-perform. Wow lang, ha? “Omg! Sino kaya ang nagugustuhan ni Fafa Miko? Oh em! Whoever she is, ang swerte!” komento ni Kiana. “Oo nga. Sino nga kaya? Wala rin nasasabi sa akin si Kuya, e.” Nagsimula na silang tumugtog. Ako naman, napaisip na lang din sa kung sino ‘yung babaeng nagugustuhan ni Kuya Miko. Sino kaya? Kilala kaya nila Kuya Dexter? Bakit wala naman akong nakikitang babae na kasama nila palagi? Hmmmm . . . Nag-focus na muna ako sa pakikinig sa lyrics ng kanta na binabanggit niya. Narinig ko nang kinanta ni Kuya Miko ito noong isang umaga na nakatambay siya sa garden namin. Kagigising ko lang noon at narinig ko na may nagtitipa ng gitara kaya pumunta ako doon. Nakita ko siya na seryosong kumakanta habang naggigitara. Nakatitig lang ako kay Kuya Miko habang tumutugtog siya at kumakanta sa harap ng stage. Nakapikit siya at parang dinadama ang bawat linya. Nagulat ako nang pagdilat ng mga mata niya, nagtama ang paningin namin. Ngumiti siya at kinanta ang chorus. Nakatingin siya sa mga mata ko na parang hindi niya lang kinakanta ang linya, kundi parang sinasabi niya na rin sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung bakit nang dahil do’n, parang natuyo ang lalamunan ko at nagsimulang kumabog ang dibdib ko na parang wala nang bukas. Kaya ayaw kong nanonood ng band performance nila, e. Kasi, tulad ngayon. Kahit gaano kaingay sa lugar na ito, kahit gaano kalakas ang sigawan ng lahat ng tao, pakiramdam ko, boses lang ni Kuya Miko ang naririnig ko. Pumikit ulit siya at dinama ang bawat liriko ng kanta. Napangiti ako nang makita ko ang ngiti sa labi niya. “Juice ko! Ang gwapo mo,Fafa Miko!!!” malakas na sigaw ni Kiana na sumasabay sa tilian ng ibang mga babae sa paligid naming. Dumilat ulit siya at tinitigan ako. Hindi ko alam kung assumera lang ba talaga ako o ano, pero bakit feeling ko, ako ang kinakantahan ni Kuya Miko? Nag-iwas ako ng tingin sa kan’ya. Tumingin na lang ako sa gilid at nakita ko na may nakatingin din sa akin doon habang nakangiti. Umiwas siya ng tingin nang makita na nakatingin ako sa kan’ya. Si Jasper. Nang tumingin siya sa akin, ngumiti ako sa kan’ya. Ngumiti siya sa akin pabalik. Nakita ko na siniko siya ng lalaking palagi niyang kasama na kaklase rin namin. Si Alexis. Sinuntok naman niya ito sa braso. Lumapit siya sa akin. Kasama niya si Alexis na tumatawa sa likod niya. “Akala ko hindi ka manonood ng program?” tanong niya. Nagkibit-balikat ako. “Pinasasabay na kasi ako ni Kuya Dexter na umuwi. Tinatamad daw siyang mag-drive kanina at saka sayang daw sa gas,” Paliwanag ko. Ngumiti ulit siya at nagkamot ng batok. “Buti pala nakita kita.” Napatingin ako sa stage at nakita ko na tapos na palang mag-perform ang band. Malalakas na sigawan at palakpakan na lang ang naririnig ko ngayon. Nakangiti silang lahat pero nakikita ko sa mga ngiti ni Miko na hindi totoo ang mga ito. Sa dalas niyang ngumiti at tumawa sa tuwing inaasar-asar ako, kabisado ko na siya. Kilala ko na ang bawat tawa at ngiti niya. Ngayon, bakit kaya mukhang malungkot si Kuya Miko? “Thank you for singing with me, STA! Enjoy the rest of the night!” sabi niya at namatay ang ilaw sa stage at umalis na sila doon. Ibig sabihin, may susunod nang magpe-perform. “Talaga nga naman ang bakla!” Napatingin ako sa nagsalita sa gilid namin at nakita ko si Kiana na may mapanuksong tingin sa aming dalawa ni Jasper. “Habang nag-e-enjoy kami sa pakiki-party sa mga fafa na nasa stage, nag-e-enjoy ka rin dito kay Fafa Jasper, huh? You fishy girl!” dagdag ni Kiana. “H-Hindi ah!” “Tse! In denial!” Umirap pa ang bakla. Tinawanan ko lang siya. Tumingin ako kay Charisse at nakita ko na nakangiti lang siya sa amin. *** Nang makauwi na kami ni Kuya sa bahay, tinanong ni Mommy kung kamusta ang first day of school namin. Sabi ni Kuya, “Walang pagbabago, Mom. Nakakapagod.” Sabi ko naman, “Masaya, Mommy. Super.” Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng saya na nararamdaman ko ngayon. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Pero hindi ko naman maitatanggi na. . .napapangiti ako kapag naaalala ko yung kaklase ko. Si Jasper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD