Chapter 03

1496 Words
A week after ng first day of school, naging regular na ang klase. Monday ngayon at nag-e-election kami para sa class organization namin. “The nomination for President is now open,” pagbubukas ni Miss Nimfa ng nomination. Nagtaas ako ng kamay. “Ma’am! I nominate Charisse Jimenez po for President!” “Huy, ano ba, Jessy! Sapakin kita, e!” pagkontra ni Charisse. Tinawanan ko lang siya. “Bawal mag-object, bakla! You deserved the position naman, e! Aarte pa ‘to!” pagsusungit sa kan’ya ni Kiana. Matalino kasi si Charisse. Palagi siyang nasa top one kaya deserved niya talaga. Ayaw niya lang ng trabaho. Tamad talaga. Nagtaas ng kamay ‘yung pinakanakakainis kong kaklase. “Ma’am! I nominate Geah Cruz for President.” “b***h, please,” pagpaparinig ko. Tiningnan nila ako nang masama. Pinagalitan ako ni Miss Nimfa dahil sa sinabi ko. “Watch your words, Jessica.” Napalunok ako bago yumuko. “Sorry, ma’am.” After no’n, isinarado na ang pagno-nominate. Sa huli, landslide din ni Charisse ang pagkapanalo dahil wala namang bumoto kay Geah kundi ‘yung mga b***h niyang kaplastikan. Si Charisse na ang nagpatuloy ng election. Hanggang sa ilang minute pa ang nagdaan, nagbukas na ang nomination for Auditor. “Any nominees?” sabi ni Charisse sa harap ng klase. Nagtaas ng kamay si Bakla. Bigla akong kinabahan sabay ng paglingon ko sa kan’ya. “President! I nominate Jessica Louisse Domingo for Auditor! Brainy sa Math ‘yan!” Humagalpak siya ng tawa matapos sabihin ‘yon. Sinapak ko siya sa ginawa niyang ‘yon kaya nagtawanan lalo ang lahat ng mga kaklase ko. Hindi naman ako nag-object dahil bawal daw! Kainis! Pasalamat na lang ako at hindi nanalo! “Kita mo, bakla! Ayaw maniwala sa akin ng mga classmates natin na brainy ka sa Math!” Muling humagalpak ng tawa si bakla. Inirapan ko siya. “Paksyet ka, e.” Matatapos na ang election. At bilang pagganti, ni-nominate ko si bakla sa seargent at arms . . . and guess what! “Congrats, Bakla!” Tumawa ako nang tumawa nang malakas dahil sa pagkakapanalo ni Kiana sa position na ‘yon. Ayaw pa naman niya ‘yon dahil isa sa trabaho seargent at arms ang umawat ng mga nag-aaway, ‘di ba? E, lalambot-lambot daw siya tapos mang-aawat pa! Paano kaya kung ‘yung dalawang higante nag-aaway sa klase namin? Maaawat niya kaya ‘yun? Muli akong napahagalpak ng tawa sa naisip. “Hayop ka, Bakla! My beauty is not for this! How dare you?! Humanda ka sa akin, Baklang Chiqui!” Tinawanan ko lang siya nang tinawanan. “The nomination for Muse is now open. Any nominees?” “Bakla ako ang tawagin mo!” sigaw ni Kiana habang nakataas ang kamay. Pilit ko namang ibinababa ‘yon dahil alam ko na ang plano ng hayop na baklang ‘to! “Huwag, Charisse! My future will be destroyed!” sigaw ko habang pilit na ibinababa ang kamay ni Kiana. Nagtawanan mga kaklase ko!!! Hindi ako papayag na rarampa ako sa stage suot ang maiikling jersey! Okay lang sana sa akin kaso siyempre yung mga kuya ko, hindi papayag. Ako ang mananagot dito! “Yes, Kiana?” nakangising sabi ni Charisse. Sinamaan ko siya ng tingin. “I nominate Jessica Louisse Domingo for muse!” Humagalpak siya ng tawa. “Ihanda mo na ang pwet mo sa mga kuya mong fafables, Chiqui!” Tawanan sila nang tawanan sa sinabi ni bakla. Mga walanghiya! Pinagkaisahan na naman ako ng nga hayop! “I nominate Joyce Erika Lucero for muse,” pag-nominate ni Geah Cruz. Hah! Yung b***h palang ‘to ang kalaban ko, e. Sure! “The nomination for muse is now closed!” malakas na sabi ng kaklase kong lalaki habang natatawa. “I second the monyo,” sabi naman ng isa saka tumawa. “Ay the motion pala!” Gago talaga ng mga kaklase ko. “Who’s in favor for Ms. Joyce Erika Lucero?” tanong ni Charisse. At talagang inuna niya si b***h, ah? “Five? Wala na?” tanong ni Charisse. Tumawa naman nang tumawa si bakla nang makita ‘yung mga bumoto kay Joyce. Mga kampon niya lang! Hah! Pinigilan ko ang tawa ko. “Now . . . who’s in favor for Ms. Jessica Louisse Domingo?” Nagtaasan lahat sila ng kamay. Hindi na kailangang pang bilangin dahil wala naman itong laban sa five votes ni Joyce. Ang sama na naman tuloy ng tingin sa akin ng mga maaarte na ‘yon. Ang hirap talagang maging maganda. Haaaay. “Nagkakabayaran na po dito sa escort, ma’am!” malakas na sabi ng kaklase kong lalaki na dahilan ng pagtawa namin, pati ni Miss Nimfa. Nang maisulat na ng secretary ang pangalan ko sa muse category, nagbukas na ulit ng nomination. “The nomination for escort is now open. Any nominees?” Nagtaasan ng kamay ang mga lalaki. Ninominate nila ang mga barkada nila. Tatlo na ang nominees. Akala ko iko-close na ni Alexis ang nomination dahil nagtaas siya ng kamay pero kumalabog ang puso ko nang magsalita siya. “I nominate Jasper Belen for escort!” Nagpalakpakan ang mga kaklase kong lalaki with matching sigaw pa nang sabihin ‘yon ni Alexis. Sinuntok nga ni Jasper si Alexis dahil ayaw yata niya, pero napangiti naman ako. Tumingin ako kay Charisse at nakita kong hindi na gano’n kalawak ang ngiti niya ngayon. ‘Di ko lang alam kung bakit. Isinarado na ng mga lalaki ang nomination at nagsimula na silang bumoto. ‘Yung unang na-nominate ay naka-ten votes. ‘Yung pangalawa ay dalawa lang. Amg pangatlo ay seven. Ang pang-huli na si Jasper ay ang mga natitira sa klase. Majority bumoto sa kan’ya! More than half! “Wohooo! Congrats, ‘tol!” sigaw ng mga lalaki sa pagkapanalo niJasper. Pinagmumura niya ito isa-isa. Nang isinulat na ng secretary ang pangalan ni Jasper sa escort, nakita ko na tuluyan nang nawala ang ngiti ni Charisse. Pagod siguro dahil kanina pa siya do’n. Haaay. Ang best friend ko. Nagi-guilty tuloy ako dahil sa pag-nominate ko sa kan’ya. Sorry, bestie! ** Tulad ng inaasahan ko, nagalit si Kuya Dexter, lalo si Kuya Trey at Daddy nang malaman na naging muse ako sa klase. Ayaw nila akong paglakarin sa stage suot ang kulang sa tela na jersey. Siyempre nga naman, madaming bastos sa school. Kakausapin na lang daw ni Kuya Dexter si ma’am. Kinabukasan, kinausap ni Kuya Dex si Miss Nimfa about sa pagmu-muse ko. “Ma’am, hindi po kasi magandang tingnan kapag paglalakarin n’yo sa stage ang kapatid ko sa harap ng maraming tao tapos maikli lang ang suot. Mababastos po siya do’n,” reklamo niya. Nagbuntonghininga si Miss Nimfa bago sumagot sa kan’ya. “Dexter, hindi naman porke sinabing Miss Intrams, maiikli na ang isinusuot. Hindi naman, e. ‘Yung sakto lang. ‘Yung jersey na pang-volleyball naman ang isusuot niya at kung gusto niya, mag-maong shorts siya. Hindi naman siya mababastos do’n.” Hindi nakapagsalita si Kuya Dexter. Nakita ko lang na ilang beses siyang napapalunok at naririnig ko rin ang mahihina niyang buntonghininga. Siguro, dahil alam niya na may point si Miss Nimfa. “Just . . . trust me. I will make Jessica comfortable. At isa pa, ang ganda ng kapatid mo. You should be proud of her. Ilang beses mo na raw ginawa ang pagtanggi sa pagmu-muse ng kapatid mo. This time, hindi na ako papayag. Maging proud ka na lang sa kan’ya at magtiwala ka sa kapatid mo.” Napabuntonghininga na lang si Kuya. Alam ko naman na kung kakausaping mabuti ni Kuya Dexter si Miss Nimfa, walang na itong magagawa kung hindi ang humanap ng ibang papalit sa akin para lumaban sa Miss Intrams. Ikinagulat ko noong nagbuntonghininga siya, saka nagsalita. “Sige po, Miss. Salamat.” Bakas ang dismaya sa mukha ni Kuya Dexter sa resulta ng pag-uusap nila ni Teacher. Lumabas na kami ng classroom at pumunta sa parking lot. “Kuya, kung gusto mo, hindi na lang ako lalaban do’n. Ako na ang tatanggi, para rin hindi ka na magkaroon ng conflict kina Kuya Trey at Dad,” sabi ko pagkasakay namin sa car. Tumingin siya sa akin. “Gusto mo bang lumaban d’yan?” tanong niya. Napaisip ako. Kung ako ang tatanungin, hindi naman ako mahilig sa mga pageant. Pero kasi . . . I want to try something new. Something na challenging. Something out of my comfort zone, mga gano’n ba. Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. “Okay. Just promise me na hindi ka magsusuot ng sobrang iikli do’n, ah? At . . . ako na ang bahalang magpaliwanag kay Daddy at Kuya Trey.” Napangiti ako nang malawak at napayakap nang mahigpit sa kan’ya matapos kong marinig ’yon. “Super thank you, Kuya Dex! Kaya ikaw ang favorite kuya ever ko, e! I love youuu!” sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko bago nag-drive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD