“Balita ko, muse ka raw?” tanong sa akin ni Kuya Miko.
May band practice sila pero gabi na, hindi pa rin sila tapos. Ano ba ‘yan, hindi ba sila napapagod?
“Oo. Ganda ko, ‘no?” sabi ko bago hinawi ang buhok habang nakangisi.
Ngumiwi siya. “Wala na bang ibang maganda sa section n’yo?”
Sinamaan ko lang siya ng tingin na siyang tinawanan niya lang.
“Wala! Talo na kaagad kayo! Ikaw ilalaban, e. Wala ka namang panama sa mga chicks ko do’n. Kapangit mo kaya, Engot! Kapangit din ng escort mo. Tss!” sabi niya saka tumawa.
Humalukipkip ako habang umakto na para bang umuusok na ang ilong noong sinabi niya na pangit ako! Kapal ng mukha nito!
“Hoy! Ang yabang mo, ah? Kundi ko lang alam, baka patay na patay ka sa aking buraot ka, e!” Natigil naman siya sa pagtawa dahil sa sinabi ko.
“Anong sinabi mo? Nabingi yata ako, ah?” natatawang sabi niya.
“Kadiri ka kasi! Puro tutuli na tainga mo, ayaw mo pang maglinis!”
“Mas kadiri ka! Asa ka naman na magkakagusto ako sa ‘yo! Hah! Hindi ka pasok sa standards ko!” bulyaw niya pabalik.
Handa na akong sumigaw sa kan’ya pabalik habang inihahanda ang pangmalakasan kong pamamaywang nang magsalita si Kuya Red.
“Hoy, kayong dalawa! Manahimik kayo at tumigil na! Kapapangit n’yo!” pag-awat sa amin ni Kuya Red.
“Mas pangit ka!” sabay naming sabi ni Kuya Miko.
Inirapan naman namin ang isa’t isa matapos n’on.
“Ewan ko sa inyo. Tara na, Miko. Practice na ulit.”
Ayaw ko sanang manood ng practice ng banda nila sa music room namin, kaso ayaw ko namang magtanga lang sa living room. Wala namang magandang palabas at tinatamad na rin akong mag-f*******: so . . . no choice. Nanood na lang ako sa practice nila.
“Oh, nandito pala si Engot, e! Ay este, si Jessy pala!”
Nagulat ako nang pagpasok ko ng music room, ‘yon ang bumungad sa akin na sabi ni Kuya Ian.
“Ano ngayon kung nandito ako?” pagsusungit ko bago naupo sa couch.
“Sali ka sa amin!” excited na sabi ni Kuya Red.
“Anong laro?” kunot-noong tanong ko.
“Hindi tayo maglalaro! Sali ka muna sa practice ng banda ngayon. Subukan namin ‘yung may ka-duet si Miko,” paliwanag ni Kuya Henry.
“Ayoko nga! Ang pangit kaya ng boses ni Buraot! ‘Di ko nga alam kung bakit kayo sumikat sa school, e. Tss,” sabi ko at ipinatong ang kanang legs ko sa kaliwa kasabay ng paghalukipkip ko.
Nagtawanan ang mga kabanda nila dahil sa sinabi ko. Palagi na lang bang taga-tawa ang role niya sa tuwing inaaway ko si Kuya Miko or vice versa???
Nag-smirk siya. “Ang arte mo! ‘Di wag! Tss. Feeling mo naman, ang ganda ng boses mo?” pagsusungit ni Kuya Miko. Inirapan ko lang siya.
“Jessy, sumali ka na sa practice. Ngayong gabi lang naman, e. Tapos hindi na mauulit, promise. ‘Di ko rin naman hahayaan na maranasan mo ‘yung hirap namin sa tuwing may mga lumalapit sa aming mga tao, e. At saka hindi ko rin hahayaan na may masabi silang masama sa ‘yo tulad ng kadalasang naririnig namin na tungkol sa amin. Kaya practice lang. Ngayon lang,” pangungumbinsi ni Kuya Dexter.
‘Di ko alam kung anong meron sa convincing powers ni Kuya Dexter at hindi ko siya kayang tanggihan. Kaya labag man sa kalooban ko, tumayo ako at pumunta sa harap ng stand ng mic.
“Oo na. Ano ba kakantahin?”
Nag-yes naman silang lahat. Kita ko naman ang ngiti ni Kuya Miko na parang . . . pinipigilan? Parang ewan! Parang kinikilig na tae, amp!
“Eto kakantahin natin,” sabi ni Kuya Miko at binigay sa akin ang printed na lyrics.
Binasa ko ang title at napag-alaman na luma itong OPM song na alam ko rin naman kantahin. Nagsimula nang tumugtog ng piano si Kuya Henry sa intro, na sumunod na rin ang iba bago ko kinanta ang simula.
Tumingin ako kay Kuya Miko at nakita kong nakatingin siya sa akin habang kumakanta ako. Ngumiti ako sa kan’ya saka kinanta namin nang sabay ang part ng kanta na may sabay kami.
Ang sarap lang sa pakiramdam na kantahin ang kantang ito. Ang gaan, e. Basta ang sarap sa pakiramdam.
Ngumiti ako sa kan’ya nang matapos niyang kantahin ‘yung huling linya ng chorus. ‘Di ko rin alam kung bakit ako napangiti, e. Ito talaga isa sa rare moments namin ni Kuya Miko—ang magngitian.
Hindi na ulit ako tumingin sa kan’ya. Ibinigay ko na lang ang buong atensiyon sa lyrics na hawak ko. Ang awkward para sa akin. Feeling ko, kinakanta namin ni Kuya Miko yung kantang ‘to para sa isa’t isa. Medyo kadiri! Like, ew?
Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga band members. Nakita ko rin ang ngiti sa mga labi ni Kuya Dexter lalo na sa labi ni Kuya Miko. Parang ngiting tagumpay, e.
“Ganda ng blending, ‘tol! May chemistry sila! Pwede natin isali kapatid mo sa banda!” suhestiyon ni Kuya Red.
“Hindi pwede!” sabay na sabi ni Kuya Dexter at Kuya Miko.
Napakunot-noo naman kaming lahat at napatingin sa kanilang dalawa.
“Bakit naman?” Tanong ni Kuya Ian.
“Mag-aaral muna ng mabuti ‘yang si Jessy. Pag-aaral ang kailangan niyang unahin, hindi itong banda natin. Baka mamaya, mapabayaan, e. Lagot kami pareho kay Dad,” paliwanag ni Kuya Dexter.
Napanguso ako sa lungkot. Sabagay . . .
‘E ikaw, ‘tol Miko?” tanong ni Kuya Henry. “Bakit ayaw mong pasalihin si Jessy sa banda?”
“Uhm. . .” Nag-iwas siya ng tingin sa amin bago sumagot. “Tulad ng sabi ni D-Dexter, baka mapabayaan niya ang pag-aaral niya. At isa pa . . .”
“Ano?” sabay-sabay na tanong nila.
Ako, nakatingin lang sa kan’ya. Tumingin sa akin si Kuya Miko at sumimangot.
“Ang . . . ang pangit ng boses mo! ‘Di ‘yan p’wede sa banda! Pangit talaga!” sabi niya sabay labas ng music room.
Natahimik kaming lahat pagkalabas ni Kuya Miko ng music room. Napatingin ako kay Kuya Dexter at nakita ko na parang ang seryoso niya habang ang ibang kabanda naman nila ay nag-iisip.
“Ano kayang problema n’on? Ang ganda kaya ng boses ni Jessy! Siya nga lang yata napangitan!” sabi ni Kuya Red.
Napasimangot na lang ako at lumabas na rin ng music room saka pumunta sa kwarto ko para magkulong.
Hah! Pangit pala, ah? Papatunayan ko sa ‘yong Buraot ka na ang pangit kong boses ang magpapataob sa ‘yo! Akala mo ang gwapo mo? Ang pangit-pangit naman ng ugali at boses mo!
Hayop na yun. Humanda siya sa akin. Tss!