Chapter 05

1556 Words
Nami-miss ko na ang best friend ko. Simula noong maging class president siya ng section namin two weeks ago, puro meetings na lang ginagawa niya. Para tuloy nagsisisi ako dahil ni-nominate ko siya. Napapagod na ang best friend ko. Nami-miss ko na. ‘Di na rin kami gaano nakakapag-usap. Napabuntonghininga ako habang tinitingnan si Charisse na nakatayo sa harap ng buong klase. May announcement daw siya. “So . . . next week, mag-i-start na ang tryouts para sa sports,” panimula niya. “Ano-anong sports, bakla?” tanong ni Kiana. Ngumiti siya nang bahagya. “Ang sure na ngayon ay basketball, volleyball, badminton, table tennis, sepak takraw, football. ‘Yan pa lang ‘yung mga sure,” sagot niya. “Ay, walang jackstone?” sabay na sabi namin ni Kiana nang hindi sinasadya. Pagtingin namin sa isa’t isa, pareho pa kaming naka-crossed arms at naka-pout. Nagtawanan ang mga kaklase naming kaya pati tuloy kami natawa. Nang humupa na ang tawanan, nagsalita na si Charisse na katatapos lang din tumawa. “So, ayun. Contact-in n’yo na lang ‘yung assigned teachers per sport kung gusto n’yong mag-tryout. Pati sa mga clubs, p’wede na rin. Bukas na ang booth para sa music, drama, photography and math club,” dagdag na sabi ni Charisse. Lumingon sa akin si Kiana. “Bakla, sali ka ng Math club! Brainy ka do’n, ‘di ba?” sabi niya. Sinapak ko na lang ang noo niya kaya nagtawanan ulit silang lahat. ** Kinabukasan, antok na antok ako habang nakikinig sa discussions ng teacher na nasa harap. MAPEH class ngayon at para sa araw na ito, music ang nile-lesson namin. Habang si busy mag-discuss ang teacher na nasa harap, ako naman ay hikab nang hikab. Malapit na yatang mapunit ang labi ko sa dalas ng paghikab ko. “Next meeting, you need to prepare a performance about music. You need to sing a song and it’s up to you if you want to use a musical instruments. So, be prepared. I’ll grade you individually and by performance. Class dissmiss.” Sa huling pagkakataon para sa klaseng ito, naghikab at nagtaas pa ako ng dalawang kamay para mag-inat habang ang mga kaklase ko ay nagliligpit na ng mga gamit dahil lunchbreak na. Inaantok talaga ako, putek. “Hoy baklang antukin! Lettuce eat na! Me so nagugutom na,” pagdidiwara ni Kiana. “Oo na.” “Mga bakla, di ako makakasabay mag-lunch sa inyo, ah? May meeting daw e,” sabi ni Charisse. “Ano?! Na naman?! Bakiiiiit?” malungkot na sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. “Kasasabi ko lang bakla, ‘di ba?” pamimilosopo niya sa ‘kin. Inirapan ko naman siya nang pabiro bago nagbeso sa kan’ya. Napatingin ako kay Jasper. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Para pa siyang nagulat nang makita na nakatingin na ako sa kan’ya. Nag-iwas siya ng tingin pero tumingin ulit at ngumiti sa akin bago hinila palabas ang best friend niyang si Alex na inaasar na naman kami. “Uy, si bakla! Nagbu-blush!!!” pang-aasar ni Kiana sabay sundot sa tagiliran ko. Inirapan ko lang siya. “Sadyang blooming lang ako, bakla!” “Duh?! Saan ang blooming?” “Sige, alis na ako, guys!” sabi ni Charisse at nagmamadaling lumabas ng classroom. Nagkatinginan kami ni Kiana bago kinuha na rin ang mga gamit naming saka sumunod palabas ng classroom. Nang matapos ang klase para sa araw na ito at nang makauwi na kami ni Kuya, kinuha ko ang gitara kong kulay pink. Naupo ako sa bed at inilagay sa tainga ko ang earphone na nakasaksak na sa cellphone ko. P-in-lay ko na ang kanta na tutugtugin ko bukas sa MAPEH class namin. Pinakinggan ko muna nang paulit-ulit ‘yun para madali na lang kapag sinubukan ko nang tugtugin sa gitara. Tatlong beses ko na ‘tong pinapakinggan ngayong oras na ‘to pero hindi pa rin ako nagsasawa dahil ang ganda. Lumabas ako ng k’warto dala ang gitara ko. Do’n na lang ako sa garden para mas maganda. Parang ako. Hee. Paulit-ulit kong tinugtog ang kantang ito nang hindi sinasabayan ng pakikinig sa phone ko. Marunong naman akong maggitara. Tinatamad lang talaga ako. Marunong din ako mag-drums dahil drummer ang kuya ko kaya naman natuto na lang rin ako sa kaunting mga itinuro niya sa akin. “Ano ba ‘yang tinutugtog mo?” “Ay, gwapo!” gulat na sabi ko nang makita ko na nakaupo na sa harap ko si Kuya Miko at pinapakinggan ako. Ngumisi siya sa narinig. “Ayieee! Alam ko namang gwapo ako. ‘Di mo na kailangang sabihin,” pang-aasar niya. Tiningnan ko lang siya ng masama. “Eww! Kadiri.” Ngumisi siya lalo. “Kasasabi mo lang kaya. At saka hindi mo na kailangang i-deny pa. Alam ko naman na patay na patay ka sa ‘kin,” sabi niya bago pinagkrus ang mga binti. Tiningnan ko naman siya nang masama. “Oh, talaga? Bakit mo alam? Ngayon mo lang nalaman? Tss,” sarcastic na sabi ko. Tumawa siya. “Seryoso, ano ba ‘yang tinutugtog mo?” “Style ni Taylor Swift. Kailangan naming magperform sa MAPEH namin bukas, e.” “Anong oras ba MAPEH n’yo?” “11:00 a.m. start. Bakit mo tinanong?” Ngumisi siya. “Wala. Guguluhin kita para bumagsak ka,” sabi niya saka tumawa ng nakakaasar na tawa. Parang demonyo, e. Psh! “Talaga ba? Salamat, ah? Nag-abala ka pa.” Umirap ako sa kan’ya. “Wala ‘yun. Ikaw pa. Alam mo namang malakas ka sa ‘kin, e.” Kinindatan pa ako ng bwisit na ‘to! Inamba kong ihahampas sa kan’ya ang gitarang hawak ko dahil sa gulat sa ginawa niya. Iniharang niya ang dalawang kamay niya tapos tumawa. Bakit ba kumikindat ‘to?! Ang pangit! Argh! “Do’n ka nga! Hindi ako makapag-concentrate dito dahil sa panggugulo mo!” pagsusungit ko sa kan’ya. “Kasi may kasama kang gwapo?” Tiningnan ko ulit siya nang masama na siyang tinawanan niya. “Joke! Eto naman, kasungit! Sige nga. Tugtugin mo nga.” “Tsk! Ayoko nga! Bakit naman kita susundin? Tss.” Inilayo ko ang gitara sa kan’ya. “Dali na! Gusto ko kasi . . . ako unang makarinig ng kakantahin mo bukas, e.” Pakiramdam ko, nagblangko ang utak ko do’n sa sinabi niya at hindi kaagad ako nakapag-react. Hindi ko ma-gets kung bakit parang may sariling utak ang mga kamay ko na nagsimulang tumugtog matapos niyang sabihin ‘yon. Nakita ko pa na may kinalikot siya sa cellphone niya. Siguro may nag-text, pero tumugtog na rin ako at hindi na pinansin pa ang ginagawa niya. Nagsimula na akong kumanta. Nakita ko na deretso lang ang tingin sa akin ni Kuya Miko habang tumutugtog at kumakanta ako. Nakaramdam ako ng pagkailang pero hindi ko na ‘yon pinahalata sa kan’ya. Baka kung ano pa sabihin nitong Buraot na ‘to mamaya kapag nahalata niya, e. Bahagya akong tumitikhim sa bawat pause ng lines ng kanta dahil parang natutuyo ang lalamunan ko. Ewan ko ba, hindi ko na alam. Naupo siya nang maayos at lalong lumapit sa akin kaya naman lalo lang akong nailang. Ang mga tingin niya ngayon ay nasa gitara at daliri ko na ramdam ko ang panginginig dahil sa kaba. Pakiramdam ko, binubutas ng mga tingin niya ang kamay ko na naggigitara. Kinakabahan ako, pero nang makita ko ang mga ngiti niya habang pinapanood ako, napangiti na rin ako dahil pakiramdam ko, nagugustuhan niya ang pinapanood at pinapakinggan niya. Pumikit ako para mas lalo kong madama ang kanta na kinakanta at tinutugtog ko. Isa ito sa mga paborito kong kanta ni Taylor Swift kaya masaya ako na kaya ko palang tugtugin ito. Hindi ko pa rin idinidilat ang mga mata ko habang kumakanta at tumutugtog, pero mas naging komportable ako sa pagtugtog at pagkanta dahil pakiramdam ko, ako lang mag-isa. Pakiramdam ko, ako lang ang tao dito. Nang matapos ko nang tugtugin at kantahin ‘yon ay idinilat ko na ang mga mata ko. Nagulat pa ako nang makita na nakatitig sa akin si Kuya Miko. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang makita na nakatingin na ako sa kan’ya. May nag-text na naman siguro sa kan’ya kaya may dinutdot pa siya sa phone niya bago ibinalik ang tingin sa akin. Tss. Bakit ka pa pumupunta dito at lumalapit-lapit sa akin kung makikipag-text ka lang palagi d’yan sa ka-text mo? Tssss. Tumikhim ako. “Okay lang ba?” Bahagyang umawang ang bibig niya na parang hindi ako masyadong naintindihan, pero bigla rin sumagot kaagad. “Ahh! O-Oo. O-Okay lang.” Napakunot-noo ako dahil sa pagiging utal niya ngayon. May kasalanan ba ‘to kaya gan’yan siya??? “Seryoso kasi! Baka ginu-good time mo na naman ako, e. Tss.” “Oo nga. Pakinggan mo ako. Minsan ko lang sasabihin sa ‘yo ‘to, ah? Kaya wag mong kakalimutan ‘to.” “Ano ‘yun?” Ngumiti siya sa akin. “Thunder.” Huh? Thunder? Anong ibig niyang sabihin? Mukha ba akong kidlat?! Magsasalita pa lang sana ako nang nakita ko na naglalakad na siya palayo sa akin. Kainis! Napakabwisit talaga ng buraot na ‘yun! Madapa ka sana! Buset! “Aray!” Tumingin ako sa kan’ya at nakita na parang natisod siya sa bato do’n. Tss. Buti nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD