Chapter 06

1850 Words
Magdamag akong hindi pinatulog ng sinabi ni Kuya Miko. Ano kaya ibig sabihin n’ong Thunder niya na ‘yun? Dahil ba pangit ang boses ko at nakakatakot? Tulad ng kidlat?! Nakakainis! Almost 12:00 a.m. na tuloy akong nakatulog! ‘Di pa naman ako sanay ng nagpupuyat. Tsk. Nasa MAPEH class na kami ngayon. Isa-sa nang nag-perform ang mga kaklase ko. ‘Yung iba kong kaklase, magaganda naman ang boses, pero ‘yung iba naman, may golden voice na tinatawag. ‘Yun bang mga boses na dapat, itinatago na lang. Charoooot! Ang kinanta ni Charisse ay Teardrops on my Guitar. With feelings pa. Bongga, ‘di ba? Tapos si Kiana naman, Sirena. Tawanan nga kaming lahat, e. Ako naman ang magpe-perform ngayon. Nakatayo na ako sa harap ng mic stand. Nakita ko naman na nakangiti silang lahat sa akin. Pero ang higit na nakakuha ng atensiyon ko ay ang mga tingin ni Jasper. Nag-lip sync siya at sinabing ’kaya mo yan’ kaya lalo akong napangiti. Mag-i-start na sana ako nang may isang tao akong nakita na nasa labas ng music room ng Juniors. Kahit na naiinis ako sa kan’ya, hindi ko pa rin mapigilan na mapangiti nang malaman na kahit alam na niya kung ano ang tutugtugin ko, pumunta pa rin siya para panoorin ako. Nagsimula na akong tumugtog. Ibinaling ko na ang buong atensiyon ko sa performance kahit na para nang puputok ang dibdib ko sa lakas ng t***k ng puso ko. Nang matapos akong tumugtog ay nagpalakpakan ang lahat ng kaklase ko. Chini-cheer pa ako at sinasabing ang ganda ng boses ko. Kita ko ang malalwak na ngiti at malakas na palakpak ng dalawa kong best friend. Pati si ma’am, pinapalakpakan ako. “You did very well, Miss Domingo! Why don’t you join our Music Club?” tanong niya. Nahihiya akong umiling sa kan’ya. “Uhm, thank you po. But I’m sorry I can’t, ma’am. Kuya won’t allow me po.” “Eww! So conyo!” malakas na sabi ni Kiana. Pinakita ko naman ang kamao ko sa kan’ya. “Your brother is very protective. It isn’t healthy. You must do what your heart desires, Jessica Louisse. Don’t stop yourself just because your brother won’t allow you to do so. I know you want to join. And if you do, I know that you’ll be happier than you are now. Thank you again for the wonderful performance.” Saglit akong napaisip nang dahil do’n sa sinabi ni ma’am. Ano kaya ‘yun? Bakit kaya kasi English? Joke! Hmm, feeling ko, tama naman siya, e. Pero ayokong ma-disappoint ko ang pamilya ko kaya . . . kaya ‘wag na. Okay naman ako ngayon. Wala naman akong ibang hinahanap sa pagkatao ko. Kinagabihan, hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit. Inaantok pa naman ako nang sobra. Paikot-ikot ako sa kama habang nakahiga at hindi malaman ang gagawin. Halos tumuwad na nga ako, e. Gusto ko nang matulog! Almost 12 o’clock na rin pala sabi ng alarm clock na nasa side table ko. Bwisit na ‘yan, gising pa rin ako! Nag-jogging na rin ako sa loob ng kwarto ko para makaramdam ng pagod pero pinagalitan lang ako ni Kuya. “Jessy! Matulog ka na. Magmamadaling-araw na, gising ka pa! Tss.” Bumalik na lang ako sa pagpapagulong-gulong sa bed ko. Sa gitna ng pagpapagulong-gulong ko, nag-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa side table. Kinuha ko ‘yon at nakitang may nag-text. Binuksan ko ‘yon at binasa. Unang linya ito sa kantang Thunder ng Faber Drive. Napangiti at napahiga ako na parang kinikilig matapos kong mabasa ‘yun. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ‘to. Pero ang saya-saya sa pakiramdam. Bakit gano’n? ‘Yun pala ‘yun. ‘Yun pala ang ibig sabihin niya no’ng sinabi niya kahapon ‘yung Thunder. *** Patapos na ang first quarter ng school year at pinapatay na naman ako ng mga lintik na variables ng Math na ‘yan! Oh please, Math! Stop finding the value of your X and never ask Y! Hindi ko alam! Huwag mo na akong pahirapan at idamay sa problema mo! Kung pwede ko lang piliin lahat ng subjects na iti-take ko, wala akong kukuhaning Math. Tss! Simula nang mabasa ko ‘yung text ni Kuya Miko, nakaramdam ako ng kilig. Aware akong kilig ‘yon at kapag naiisip kong kinikilig ako sa kan’ya, nandidiri ako! Ayon nga, kinilig ako for a quick moment dahil sa thunder message niya. Pero nang nabasa ko ‘yung sumunod na text, halos ibato ko ang cellphone ko sa inis! Tss. Naalala ko pa ang nakalagay do’n . . . -GM nga pala. What the hell, ‘di ba?! Kung nasa tabi ko lang siya no’n, baka nginudngod ko na siya sa bowl na may lamang—ano—noodles! Tss! Pero naka-move on naman na ako do’n at balik na ulit kami sa pagiging aso’t-pusa ni Buraot. Break time ngayon at nasa isang bench kaming tatlo nina Charisse at Kiana, nagmimiryenda habang nagrereklamo ako sa kanila. “Alam mo, bestie, inis na inis na ako sa kapatid mo! ‘Wag na nga siyang pupunta sa bahay kung guguluhin niya lang ako! Hayop na ‘yun! Kaninang umaga pinitik ‘yung noo ko! Ang laki daw! Ang yabang niya, ah?!” inis na inis na reklamo ko habang ngumunguya ng Monde mamon. “Sus, bestie! Hindi ka pa nasanay sa kapatid ko. Bata pa lang tayo, gan’yan na kayo. Ngayon ka pa talaga nainis,” natatawang paliwanag ni Charisse. “Oo nga! Para ka namang others, bakla! At saka, kung gano’n kagwapo lang naman ang mang-aasar sa akin araw-araw, e go for gold!” sabi naman ni Kiana. Nagbuntonghininga ako. “Alam n’yo guys, di n’yo ako gets. Sawa na ako, e. Ewan ko ba! Hay, nako! Bahala siya! ‘Di ko siya papansinin! Bwisit siya.” Nagkwentuhan kami nang nagkwentuhan ng ilang minuto pa nang may nakita kaming apat na lalaki sa ‘di-kalayuan na pilit na itinutulak ‘yung isang lalaki na kasama nila. Si Jasper, kasama mga kaklase namin. “Huwag ka nang mahiya, pare! Chance mo na! Kuhanin mo na dali!” bulong ng isa naming kaklase kay Jasper. Sus! Bumulong pa, rinig naman namin. Nasa harap na namin ngayon si Jasper dahil nagtagumpay ang apat niyang kasama na itulak siya papunta sa amin. Wala na ‘yung mga kasama niya. Iniwan na siya. Nagkamot naman ng batok si Jasper bago sinamaan ng tingin ang mga kaibigan niya na nasa ‘di gaanong kalayuan. Tumingin ulit siya sa akin at sa mga kasama ko. “Hi, Kian. Charisse.” Bati niya sa kanila saka ngumiti. Gano’n din ang dalawa sa kan’ya. Tumingin ulit siya sa akin. “H-Hi . . . J-Jessy.” Ngumiti ako sa kan’ya. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? “H-Hi!” “Uhm, ano kasi. . .” Yumuko siya at nagkamot ng batok. Nagbuntonghininga siya bago nagsalita ulit. “P-Pwede ko bang . . . uhm, ano . . . m-makuha number mo?” tanong niya na ikinagulat ko—naming lahat pala. Tumili si Kiana sa narinig. “Baklaaaa! Kinikilig ako nang bongga!!!” Napalunok ako habang patuloy na naghihintay sa sasabihin pa ni Jasper kaso ito naman kasing si Kiana, ang ingay-ingay! Nawawala kami sa momentum kasi pareho kaming natatawa sa kan’ya! “Ano . . . para sana sa gaganaping uhm, Mr. and Ms. Intrams. Para ano . . . para uhm, m-makapag-communicate tayo. Kasi, m-malapit na ‘yun, ‘di ba? Oo! Tama! ‘Yun nga . . .” Tumawa siya nang nahihiya pagkatapos. “Ibigay mo na, bakla!” Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa nararamdaman ko. Siguro nga, kinikilig ako. Ganito naman palagi pakiramdam kapag may naglalakas ng loob na lumapit sa akin para sa mga ganitong bagay. Pero . . . gusto ko ba si Jasper? Bakit palagi akong kinakabahan kapag magkausap kami? Hindi ako makapagsalita. Bakit ganito? Umurong na yata ang dila ko. “P-Pero kung ayaw mo, ano . . . o-okay—” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. “Uhm, ano! Hindi! E-Eto!” Pumilas ako ng papel sa notebook at isinulat do’n ang number ko. Isusulat ko na rin sana ‘yung amount ng load pero baka biglang hindi mag-text kaya ‘wag na lang. Hee! Charot. Ibinigay ko sa kan’ya ‘yung papel na sinulatan ko. “Ano, text ka na lang. I mean, ano . . . pakilala ka na lang.” Ngiting-ngiti siya nang titigan ang papel kung saan nandoon ang number ko. Tumingin siya sa akin at pinigilan ang mas malawak pang ngiti na kumakawala sa labi niya. “Salamat talaga! Salamat! Text na lang kita mamaya,” masiglang sabi niya. “S-Sige.” Ngumiti naman siya bago tumakbo papunta sa mga barkada niya. Kita ko pa na pinag-trip-an siya ng mga barkada niya na parang masayang-masaya sila na nakuha ni Jasper ang number ko. Ginulo-gulo nila ang buhok ni Jasper at inakbayan pa! Nakipag-appear pa ang iba at bakas sa mga tawa nila ang saya. Nang makalayo na sila nang tuluyan ay nagtinginan kaming dalawa ni Kiana. Naghawak kami ng dalawang kamay at sabay na tumili. “Baklaaaa! Kinikilig ako!” malakas na sabi ko. “Bakla! Ohmayghaad! Ikaw na! Ikaw na! Ikaw na ang pumapangalawa sa beauty ko!” Tili kami nang tili ni Kiana nang mapansin namin na hindi nakikisaya sa amin si Charisse. Tumingin kami sa kan’ya at nakita namin na nakatingin at nakangiti lang siya sa amin. “Ang tahimik mo, bakla. May problem aba?” tanong ni Kiana. Bahagya siyang ngumiti sa amin. “’Di naman. May iniisip lang.” Nag-iwas siya ng tingin. Ngumuso ako. “Anong iniisip mo?” tanong ko. Malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa akin. “Kung . . . kung anong pakiramdam maging . . . ikaw.” “Huh?” naguguluhan kong tanong. Tumawa naman siya at niligpit ang gamit niya. “Wala! Tara na sa next class,” sabi niya at saka naunang naglakad. Simula nang nag-third year high school kami, naging misteryosong tao na sa akin ang best friend kong si Charisse. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, may itinatago siya sa amin. Pakiramdam ko, may hindi siya sinasabi sa amin. “Parang ewan si Charisse, bakla! Pa-deep! Feeling ko may secret ‘yan!” bulong sa ‘kin ni Kiana. “Hindi na ba niya tayo friend para pagsikretuhan?” Napabuntonghininga ako dahil bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya. “Ano ka ba naman, Kiana! Lahat ng tao may sikreto. Hindi naman dapat lahat alam natin tungkol sa kan’ya, e. May sarili siyang buhay. Alam niya naman na kapag kailangan niya ng kausap, nandito lang tayo, e. Nasa kan’ya na ‘yun kung pagkakatiwalaan niya tayo na sabihin sa atin ang mga problema niya or hindi.” Ngumuso siya at pinanood si Charisse na nauunang maglakad sa amin. “Sabagay, bakla. May point. Ang ganda ko kasi.” Inirapan ko siya saka iniwan. “Hoy bakla! Wait for me!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD