Nasa sasakyan na kami at maya-maya, tinitingnan ko ang cellphone ko. Inaantay ko kung may magte-text na unregistered number. Kasabay namin ngayon ang mga kabanda ni kuya kaya ang ingay na naman sa loob ng sasakyan. Nasa tabi ako ng driver’s seat at nasa likod naman sina Kuya Miko.
“Kanina ko pa napapansin na titig na titig ka sa cellphone mo. May inaantay ka bang text or tawag?” tanong ni Kuya Dexter na nagpagulat sa akin.
“H-Huh? W-Wala, Kuya! Naiinip lang,” pagpapalusot ko.
Ingay naman talaga ng mga unggoy sa likod!!!
Humagalpak ng tawa si Kuya Red. “Oo, pare! Ang ganda n’on! Maligawan nga.”
Humagalpak din ng tawa si Kuya Ian. “Oo, pare! Hindi ka papatulan n’on!” pambabara sa kan’ya ni Kuya Ian. Natawa naman ako do’n.
Hindi na nagtanong ulit si Kuya Dexter sa akin at ipinagpatuloy na lang ang pagmamaneho. Ibinalik ko ang atensiyon sa cellphone ko. Maya-maya, naramdaman kong nag-vibrate ito.
“OH MY GOD!” malakas na sabi ko habang hawak ang cellphone ko na nakapagpatahimik sa kanilang lahat at naging dahilan ng malakas na preno ni Kuya.
“Aray, pare! ‘Yung noo ko, nadoble!” reklamo ni Kuya Red.
“Jessy! Ano bang nangyari?!” bulyaw ni Kuya Dexter sa ‘kin.
“W-Wala! Nagulat lang. Drive ka lang ulit. Behave na me.”
Inirapan niya ako bago siya nag-drive ulit. Binuksan ko naman ang text na dumating at napa-face palm sa nabasa ko.
Inaantay mo ba text ko? :D
Tiningnan ko siya nang masama mula sa rearview mirror dahil nakita ko na nakatingin siya sa akin habang nakangisi na parang natatawang natatae. Magrereply na sana ako nang mag-vibrate ulit ang phone ko.
OHMAYGHAD! HAHA
Nagtipa ako ng reply.
Pakyu.
Itinago ko na sa bag ang cellphone ko at hindi na inintindi kung magte-text ba si Jasper mamaya o hindi. Pagdating na lang sa bahay saka ako magre-reply. Baka mahalata ni Kuya na lumalandi ako, e. E ‘di, patay ako.
Nang makarating kaming lahat sa bahay, mabilis akong bumaba at naglakad papasok sa loob. Sumunod naman sa akin si Kuya Miko.
“So, may hinihintay ka ngang text? Sino naman?” sabi niya pagkaharang sa dinaraanan ko.
Tiningnan ko siya nang masama. “Wala ka na do’n! Excuse me nga!”
Nagbigay siya ng daan pero sumunod pa rin sa akin. “Tss. Lagot ka sa kuya mo kapag nalaman niya ang nalalaman ko,” pang-aasar niya.
Tiningnan ko siya nang masama bago dumeretso sa kwarto at nagbihis. Matapos n’on, kinuha ko ulit ang cellphone at naupo sa bed ko. Binuksan ko ang phone ko at may nakita akong isang text galing sa isang unregistered number.
Kauwi ka na? :) -Jasper
Napahiga ako sa kama at nagpagulong-gulong habang tumitili nang mahina dahil sa kilig na naramdaman ko. OMG! Bakit ako kinikilig?! Pero oh my God, this is thrilling!!!
“Hoy! Ano bang ginagawa mo d’yang Engot ka? Para kang bulate na binudburan ng asin!”
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Buraot na nakatayo do’n sa pintuan at masama ang tingin sa akin.
“Pakialam mo?” sabi ko sabay irap. “Do’n ka nga! Ano bang ginagawa mo dito?!” bulyaw ko sa kan’ya sabay ayos ng upo.
“’Di ka daw ba manonood ng practice?”
“Hindi! Mas masaya dito! Pepestehin mo lang ako doon, e. Tss!”
“Manonood ka o sasabihin ko sa kuya mong may nanliligaw sa ‘yong pangit?”
Nagsimula akong mag-panic dahil sa malakas na boses niya. Tumingin ako nang masama sa kan’ya dahil sa sinabi niya.
“Anong sinabi mo?! Anong pangit?! Hindi pangit si Jasper, ‘no! At hindi pa naman siya nanliligaw sa akin!”
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ‘yung sinabi ko. Napatakip ako ng bibig at tumawa naman ng pagkalakas-lakas si Kuya Miko.
“So . . . Jasper pala pangalan n’on? Ha! Huli ka! Sabi ko na nga ba, e. Pumunta ka na sa music room nang wala akong masabi sa kuya mo,” sabi niya saka tumalikod na.
Paalis na sana siya nang batuhin ko siya ng unan kaya tinamaan siya at lumingon nang may masamang tingin sa akin. Mabilis naman akong tumakbo palabas ng kwarto at halos madapa pa nga ako nang madaanan ko siya. Ha!
Nang makarating ako sa music room ay naupo ako sa sofa at nireplyan ang text ni Jasper sa akin pero bago ang lahat ay ni-save ko muna ang number niya. Lalagyan ko sana ng puso pero baka makita ni Kuya Dexter. Pagalitan pa ako.
Slr. Oo. Halos kadarating ko lang sa bahay. Ikaw ba? :)
Narinig ko na bumukas ang pintuan at nakita ko na pumasok si Kuya Miko do’n pero ‘di ko na pinansin. Ilang saglit lang ay nagreply na siya.
Okay lang! Kani-kanina pa. Uhm, gawa mo?
Nagtipa ulit ako ng reply sa kan'ya.
Nanonood lang ng band practice nila Kuya.
Mabilis lang din at nag-reply siya.
Oo nga pala. May darating na Battle of the Bands next next week sa isang mall. Sana next time makapanood din ako ng band practice nila kasama ka. Yung tayong dalawa lang. :)
Shocks! Bakit ako pinagpapawisan nang ganito gayong malakas naman ang aircon? Para pa akong tanga na pinipigilan ang pagngiti dito. Kapag nakita ako ni Kuya Dexter, baka pagalitan ako! Kasungit naman kasi ng mga kapatid ko, e. Hays!
"Pwede naman tayo manood ng band practice nila, e. Pero ‘yung tayong dalawa, ‘di yata pwede. Alam mo naman kung gaano kahigpit sila Kuya Dexter sa akin, ‘di ba? Ginagatungan pa nga nila Kuya Miko at Kuya Red, e. Sorry. :(" reply ko sa kan'ya.
Narinig ko na nagsimula na silang tumugtog pero ‘di do’n nakatuon ang atensiyon ko, kundi sa ka-text ko na kasing-bilis ng kidlat kung mag-reply!
‘Wag ka na mag-sorry. I understand. Kahit naman ako ang kuya mo, marami akong dahilan para paghigpitan ka, e. Ang dami kasing umaaligid sa ‘yo. Para ngang gusto ko, ako lang ang nakatingin sa ‘yo, e. Hahaha
OMG! No way! Bakit ba ganito kabilis ang t***k ng puso ko? Aahhh, putek! Simpleng text lang pero it makes my heart beats abnormally!
Hindi naman totoo. ‘Di ko naman napapansin na maraming umaaligid sa ‘kin. Wala ngang lumalapit sa akin, e. Ikaw lang. :)
Narinig ko nang kumanta si Kuya Miko. Pakiramdam ko nga tumayo balahibo ko kaya napatingin ako do’n, e. Nakita ko naman na nakatingin lang siya sa gitara niya habang kumakanta.
Bakit ba sa gitara niya siya nakatingin? Nando’n ba ‘yung audience? Ako ‘yung audience so dapat, sa akin siya nakatingin, ‘di ba? Gano’n ang ginagawa nila tuwing nagpa-practice sila. Ginagawa nila akong audience.
Ngayon, ginawa nga nila akong audience pero wala naman sa akin ang atensiyon ni Kuya Miko.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya bumalik do’n ang atensiyon ko. Napangiti na naman ako sa nabasa ko.
Torpe ko nga, e. :) Kung alam ko lang, noon pa sana ako lumapit sa ‘yo.
Kinagat ko ang labi para mapigilan ang pagngiti ko. Nag-type ako ng napakahabang reply sa kan’ya.
Torpe?
Mabilis na naman siyang nag-reply. Kung ganito lang sana lahat ng ka-text ng mga tao, malamang araw-araw silang unli!
Ah. Uhm, wala. :)
Magta-type na sana ulit ako ng reply nang mag-vibrate na naman ang cellphone ko. May nag-text ulit. Binasa ko ‘yun at nakitang text ito ng 8888 at sinabing expired na ang unli ko!
“Oh, no!”
Tumingin ako sa mga tumutugtog sa harap ko at nakita na abalang-abala sila sa ginagawa nila. Makiki-text sana ako, e.
Kahit naman kasi sinasabi nila na mayaman kami or what, ‘di pa rin kami ini-spoil ng mga magulang namin nang sobra. Tinuturuan pa rin nila kaming magtipid dahil nga katwiran nila, hindi sila ipinanganak na mayaman at bawat pisong ginagastos namin, pinaghirapan nila.
Tumayo ako at dahan-dahan na lumabas ng music room. Magpapa-load ako kina Aling Nena sa labas. ‘Di p’wedeng hindi ako maka-reply kay Jasper. Tsk!
Hanggang sa paglabas ko ng music room ay naririnig ko ang magandang boses ng Buraot na ‘yun. Bumaba ako at nagpaalam kay Mommy.
“Magpapa-load lang ako, Mommy, ah?” Sabi ko kay Mommy na nasa garden.
“Sige, anak.”
Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa malapit na tindahan sa amin.
“Paload po Aling Nena. Globe po. Fifty na para wala nang sukli,” sabi ko at iniabot ang fifty pesos. Iniabot naman niya sa akin ang cellphone. Ni-type ko do’n ang number ko. Matapos ay iniabot ko na ulit ang cellphone sa kan’ya. “Ito po. Salamat.”
Hinintay ko munang dumating ang load bago ako umalis. Nang dumating na ang load, magre-register na sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
Jasper calling...
Oh my God! Tumingin-tingin ako sa paligid at tumikhim saglit bago ko sinagot ang tawag niya.
“H-Hello.”
“Hello, Jessica. Uhm, b-bakit hindi mo na ako ni-reply-an?” tanong niya sa tono na parang nalulungkot.
Naglakad na ulit ako pabalik habang magkausap kami sa cellphone. ‘Di maalis ang ngiti ko. Halata tuloy na kinikilig ako kung may nakakakita sa akin.
“N-Naubusan kasi ako ng load, e. Kapa-paload ko lang. Kaso tumawag ka nga.” Mahina akong tumawa.
“Akala ko nagalit ka na, e.”
Lalo akong napangiti. “Bakit naman ako magagalit? Naku, Jasper.”
“Dahil ‘di ko sinabi ‘yung about sa pagka-torpe ko?” patanong na sagot niya.
Tumawa naman ako. “Okay lang naman ‘yun! Naiintindihan ko naman na may mga secrets ka na ‘di mo kayang sabihin sa ‘kin. ‘Di naman ako yung tao na pipilitin kang sabihin kung ayaw mo,” sabi ko saka tumawa ulit.
Halata bang kinikilig ako? Potek!
“Ahh . . . akala ko rin kasi alam mo na, e.”
“Alam na ano?”
Nagulat ako nang makita ko ‘yung limang lalaki na lumabas ng bahay. s**t! Nakita ko na nakatingin nang masama sa akin si Kuya Miko!
“Alam mo nang—”
“Wait, wait! Sila Kuya. Wait lang ‘wag mo papatayin, ah? Wait lang talaga.”
Ibinaba ko saglit ang cellphone ko at ngumiti sa limang lalaki na makakasalubong ko. Nagpatay-malisya ako.
“Saan ka galing?” tanong ni Kuya Dexter.
Nag-iwas ako ng tingin. “N-Nagpaload. Ano, nagpaalam ako kay Mommy. K-Kayo, saan kayo pupunta?”
“Kain lang sandali sa labas. Sige na. Pumasok ka na.”
Naglakad na sila ulit palayo. Nilampasan ako ni Kuya Miko, binunggo niya pa ‘yung balikat ko. Narinig ko pa siya na may ibinulong.
“Sabi ko, stay close, don’t go. Umalis naman. Tss.”
Napakunot-noo naman ako sa sinabi ni Kuya Miko at napalingon sa kan’ya. Likod na lang niya ang nakita ko. Problema na naman ba ng Buraot na ‘yun? Tss.
Naglakad na lang ulit ako papasok sa bahay, saka isinarado ‘yung gate. Nag-hello ulit ako sa cellphone ko at bumalik sa pakikipag-usap kay Jasper.
“Okay na?” tanong ni Jasper.
“Oo. Sorry natagalan.”
“Okay lang. Naiintindihan ko naman. So, nasaan ka na ngayon?”
“Nasa kwarto ko na ako.”
“Good.”
At nagsimula na kaming magkwentuhan ng kung ano-ano tungkol sa sarili namin. Nakakatawa pa nga dahil madalas, nagjo-joke pa siya, e minsan hindi naman nakakatawa kaya tinatawanan ko na lang para ‘di masayang yung effort. Hehe.
Dumalas ang pagti-text namin at pagtatawagan. Inaabot na kami ng gabing-gabi minsan sa pag-uusap lang sa mga walang kwentang bagay. Hanggang sa dumating ‘yung araw na nararamdaman kong, nasasanay na ako na malapit lang siya sa akin. Na para bang, sobra akong malulungkot at masasaktan kapag natigil ‘to.
Ngayong iniisip ko pa lang . . . nalulungkot na ako.