Nasa labas si Kai naiingayan kasi siya sa loob, magsisindi pa lang sana siya ng sigarilyo biglang sumulpot ang cute na cute na si Kaycee sa harap niya.
Nakatingin lang ang bata sa hawak niyang kaha ng sigarilyo at bigla tong hinablot sa kanya at kumuha ng isa at ginaya ang ginawa niya, nataranta naman di Kai at agad kinuha ang sigarilyo sa bata.
Bigla naman tong umiyak kaya lalo siya nataranta sa kaya umupo siya para magpantay sila ng bata, pinunasan niya ang luha nito.
"A, kasi Kaycee masamang mag sigarilyo" Sabi niya sa bata, pero tinuro siya nito pati ang sigarilyo na parang sinasabi ni bakit ikaw nagsisigarilyo.
"A ano, kasi bad yun, di na ulit uulitin ni Kuya Kai" Pag e explain naman nito sa bata.
"Wag ka ng umiyak" Sabi nito sa bata kaya tumango lang ito, pinunasan ang luha tapos tumingin at ngumiti sa kanya, ginulo lang niya ang buhok ng bata, binuhat niya ito pabalik sa loob.
Nakasalubong niya ang parents at ate niya na pinag lipat lipat ang tingin sa kanya at sa bata.
Nagpababa naman ang bata at lumapit sa ate niya, "Kaycee gusto mo bang maging Kuya si Kuya Kai?" Tanong ng Ate niya, tumango agad ang bata at tumingin kay Kai at ngumiti ng pagka laki laki.
"Gusto mo bang tumira kasama kami?" Tanong ulit ni Kyla na tahimik siya at tumingin sa mga kasama niya sa ampunan.
"Dadalawin naman natin sila palagi eh" Sabi ng mama nila.
"Oo nga, dadalaw tayo dito para di mo ma miss ang mga friends mo dito" Ang Papa naman nila.
Tumingin siya sa gawi nila Sam kasama ang parents at kaibigan ng dalaga,
"Tsaka bibisitahin din natin si Ate Sam para di mo din sila ma miss" Sabi ni Kyla tumingin muna at unti unting ngumiti at tumango.
"Good" Sabi ni Kyla at masayang yumakap sa bata.
Gumanti ng yakap ang bata at humalik pa lumapit naman ang Mama nila.
"Simula ngayon ako na ang Mama ni Kaycee, siya si Papa, Ate Kyla at syempre si Kuya Kai" Sabi ng ginang sa bata nag liwanag ang mukha nito at isa isang yumakap sa mga kasama, lumapit kay Kai ay nagpabuhat pa ito sa binata, napatingin ang binata sa bata na naghihintay buhatin ito.
Nag katinginan sila Kyla sa magiging reaksyon nito pero natuwa sila dahil binuhat niya ito, at sa tuwa ng bata ay humalik ito sa bago niyang Kuya, isang munting ngiti ang binigay niya sa bata.
Nag uwian na sila Sam para makapag pahinga na din sila pati ang nga bata all in all masaya ang celebration niya may pang gulo lang pero okey lang.
Dahil sa pagod ay agad siyang nahila ng antok, “Samantha Kim wake up" Yugyog ng ina nito sa dalaga.
"Honey, ano ka ba rinig na sa buong bahay ang alarm mo di ka pa din nagigising" Sermon ng ina niya, at isang mahinang palo ang binigay sa kanya.
"Sorry mom, morning" Sabi nito at humalik pa sa Mommy niya.
"O Siya baba na para makakain ka na, bilisan mo magsisimba tayo" Sabi ng Mommy niya.
"Yes boss" Sumaludo pa to at takbo sa c.r niya para makapag ayos, may panaginip siya, isang lalaki, ang tagal ko ng single, ay di pa pala ako nakaka boyfriend sa isip isip niya, kaya kung ano ano ng napapanaginipan ko, baka sign na to sis.
Habang nasa byahe sila iniisip pa din niya yung panaginip niya pangalawang beses na yun ha, sino kaya yun? Tanong niya sa sarili feeling ko kilala ko siya, pero di ko malaman kung saan ko siya nakilala.
Nangalumbaba siya at pilit inaalala ang panaginip.
"Tara na" dun lang siya nagising sa pag da day dream niya, ng ayain sila ng kanyang ama, ng makarating sa simbahan nila.
Matapos ang misa, napag pasyahan nilang pamilya ang pumunta ng mall usual Sunday routine nilang pamilya, "Look mommy o ang cute" Turo ni Sam sa isang malaking bear stuffed toy, kulay pink ito na paboritong kulay niya.
"Honey matanda ka na para mag stuffed toy" Sabi ng papa niya, natatawa ito sa anak.
"Dad, di para sakin ireregalo ko sana kay Kaycee diba birthday niya next week magkasunod kami nun e" Sabi ni Sam, pumasok siya ng stall para tignan din ang iba pang stuffed toys dun,
"Oo nga pala no, pero kila Kamilla na siya mag cecelebrate ng forth birthday niya" Tango ni Sam, at kinuha ang napili niyang bear pink stuffed toys, alam niya na magugustuhan ito ng bata.
***
"Tara na Kaycee" aya ni Kyla sa bata iuuwi na kasi nila si Kaycee, umiiyak ang bata habang nagpapaalam sa mga nakagisnang pamilya sa ampunan.
"Shh don't cry na baby dadalawa naman tayo dito para di mo sila ma miss" Alo ng ginang sa bata, at pinupunasan ang luha ng bata.
"Tara" at binuhat naman ng kanilang ama sa bata bago pa sila umalis kumaway pa ito sa mga kaibigan, pero di pa din ito tumitigil sa pag iyak.
Alam nila na hindi madali sa bata mag adjust, dahil sa magiging bagong bahay at buhay nito.
Pagdating nila sa kanilang bahay, "This will be your room, gusto mo?" Tanong ni Kyla sa bata nakatitig lang ito sa kwarto at tumingin sa mga kasama at tumango, pero malungkot pa din ito.
"Wag ka na malungkot?" Sabi ni Kyla at niyakap ang bata. "Gusto mong kumain?" Tanong nila sa bata dahan dahan lang itong tumango, pinapanalangin nila na sana makagpasalita na ito.
"Ito o spaghetti favorite mo yan diba?" Tanong nila dito ngumiti lang ito at tumingin kay Kyla.
"Susubuan ka ni Ate Kyla gusto mo yun?" Tanong ni Kyla sa bata kaya agad itong tumango.
Matapos kumain ay pinatulog na nila si Kaycee sa kwarto niya, nakatulog na ito dahil na din sa pagod kaya iniwan na nila ng makapapahinga na din sila.
Kararating lang ni Kai galing sa inuman, pero halos malaglag siya sa hagdanan sa gulat dahil may nakita siyang bata na nakaupo sa gilid ng pinto nakasubsob ang mukha nito sa braso.
"Kaycee?" Tawag niya dito at mula sa pagka subsob nito at unti unting inangat ang ulo para tignan ang tumawag at ng nakita si Kai, tumakbo siya dito at yumakap na parang takot na takot.
Binuhat ito ni Kai nawala ang hilo niya ng makita ang batang umiiyak, kanina ay halos di na siya makapag drive sa sobrang lasing, buti ay nakauwi pa siya.
"Bakit ka umiiyak at bakit gising ka pa?" Tanong nito pero nakapatong lang sa balikat niya ang mukha nito. Alam niya na ito ang araw na kukunin nila si Kaycee, pinipilit pa siya ng ate niya na sumama pero di ito nag papilit.
"Back to your room and sleep" Utos niya sa bata pero naramdaman niya ang pag iling nito.
"Sasamahan kita sa room mo, okey ba yun?" Saglit na tinignan siya nito at tumango, pinahiga lang niya ito at inayos ang kumot pero di pa siya nakakatayo hinawakan nito ang kamay niya at umiling na parang sinasabing wag siyang iwanan.
Napabuntong hininga lang siya at umupo ulit sa gilid ng kama, napa buntong hininga siya "O sige dito lang ako matulog ka na" Sabi niya sa bata pumikit na si Kaycee nagulat si Kai ng hinawakan nito ang kamay niya, tinitigan niya ang bata, ang peaceful ng mukha ng bata sino bang walang pusong magulang ang mag iiwan sa isang paslit, bumuntong hininga ulit siya, ng balak bawiin ito lalong humigpit ang kapit sa kamay niya.
Napangiti lang ito at hinawi ang ilang hibla na tumakip sa mukha ng bata, nakaramdam siya ng antok humiga siya sa tabi ng bagong kapatid at nakatulog.
Sumilip si Kyla sa kwarto ni Kaycee para i check ang kapatid pero nagulat siya di lang ang bunsong kapatid nandun din pati ang isa pa niyang kapatid, nakayakap pa si Kaycee sa kuya niya, at tulog na tulog sila pareho napangiti lang siya sa nakita, iniisip niya na maaaring ang pagdating ni Kaycee sa buhay nila ang magbabalik sa dati kay Kai.
Kinabukasan, nagising si Kai dahil umaalog ang kamang hinigaan niya pagdilat niya si Kaycee ay lumulundag sa kama.
"Kaycee stop it, sumasakit ang ulo ko" Saway ni Kai sa kapatid at hinihilot ang sintido, tumigil ito at lumapit sa kuya niya at hinilot ang ulo. Yun ang naabutan eksena ni Kyla pagpasok niya sa kwarto ni Kaycee.
"Wow parang gusto ko din yan, after ni Kuya si Ate naman baby ha" Nakangiting bati ni Kyla sa kapatid niya.
Tumango lang ito at tinuloy ang hilot kay Kai, pero bigla itong tumigil at dumagan kay Kai kaya napatayo si Kai sa gulat at tumingin sa bata, nataranta si Kyla kasi baka magalit si Kai, alam niya naman na di masyadong mahaba ang pasensiya ng kapatid.
Biglang tumawa si Kaycee at tumayo at nagtago sa loob ng kumot ilang segunda din natulala si Kai pero si Kaycee tumatawa ng nakabawi si Kai. "Ikaw ha" Binuhat niya ito at kiniliti. Tumitili siya Kaycee habang nakikipagharutan sa kuya niya.
"Guys stop it" Natatawang pigil ni Kyla sa mga kapatid bumaba na tayo ng makakain ng breakfast tumayo at tumakbo sa likod niya si Kaycee pero hinabol siya ni Kai.
"Kaycee ayan na si kuya" Sabi ni Kai kaya tumakbo palabas si Kaycee na hinabol ni Kai.
Natatawa at naiilang na lang siyang sinundan ni Kyla ang mga kapatid niya. Masaya siya na maayos ang pakikitungo ni Kai sa bata, kahit pa nun una tutol ito sa pag ampon sa bata.
"Anong nangyayari sa mga kapatid mo?" Nag aalalang tanong ng Papa niya.
"Pa don't worry naglalaro lang sila, si Kaycee, ang angel na binigay ni God para bumalik sa dati si Kai" Sabi ni Kyla na nakangiti sa ama niya.
Nang napagod na ang mag kuya sa paghahabulan "Gutom ka na?" Tanong niya sa bata kaya tumango lang kaya binuhat siya nito at pumunta ng hapag para kumain balak sana ni Kai na umakyat pero pinigil siya ni Kaycee hinila nito ang upuan, at pinaupo ang kapatid, ng nakaupo na ito umupo naman siya sa tabi ni Kai.
"You want this?" Tanong nito tumango lang ito kaya pinag sandok ni Kai ang bata.
Nagkatinginan lang sila Kyla at parents niya sa eksenang nakikita napangiti sila sa nangyayari, at hiling nila na tuloy tuloy na ang pagbabago, hindi ang pagbabalik ng dating Kai na kilala nila.
---
vhans