"Samantha Kim" Sigaw ni Cloe sa kabilang linya. "Chloe ano ba dapat talaga sumisigaw ha?" Reklamo ni Sam sa kaibigan na nasa kabilang linya. "Aba naman Sam mga ilang years ka bago dumating, kaya today?" Biglang si Claire na kausap niya ngayon. "Ito na nga kasi wag kayong excited" sagot niya, habang manamaniobra ang sasakyan. "Hoy, babaita ipapaalala ko lang naman two hours, sa tagalog dalawang oras na kami dito, dos oras na kaming naghihintay sayo" Halos pasigaw naman ni Philip na sabi dito. "Sorry na, ito na nga o nanginginig pa" Natatawang sabi niya, at mabilis na naglakad, at baka mabalatan siya ng buhay ng mga kaibigan. May lakad kasi sila at likas ata sa kanya ang makakalimutin kaya hayon siya nakalimutan ang lakad ng barkada. "Sige na paki bilisan mo lang ha" Paalam ni Chloe s

