Maaga pa lang gising na sila Kai para sa lakad nila kasama ang dalawa niyang pamilya. "Good morning" masayang bati ni Andrew sa mga Esguerra. "Good morning po Kuya Andrew" bati ni Kaycee at lumapit para humalik dito. "Good morning" bati ng mag asawang San Jose sa kanila. "Good morning din" bati ng mag asawang Esguerra. Nakatingin lang siya sa mga magulang, kinakabahan siya kasi baka ano mangyari. "Relax" sabi ng Ate Kyla at Kuya Andrew niya na natatawa sa kanya. "Where going to the zoo, where going zoo" kumakanta pa si Kaycee, habang hinahawakan ang kamay ng baby nila Andrew. Natawa sila kasi sa zoo na naman ang gusto niyang puntahan. "Gusto mong mag Zoo?" Tanong ni Antonio sa bata, at pinisil ang matabang pisngi ni Kaycee. "Opo, kasi makikita natin yung kalokalike ni Kuya Kai du

