Nasa hospital sila Kai, isinugod si Kyla dahil sa biglaang pagkawala ng malay ng dalaga. Nakaupo lang ang pamilya ni Kai at hinihintay ang pag labas ni Steve na siya mismo ang doktor ng dalaga. Ito na ang kinakatakutan nila, ang sakit ng ate niya na unti unting umuupos sa dalaga. Umiiyak ng tahimik si Kamilla na nakasandal sa asawang si Michael si Kaycee naman ay tulog at buhat ni Kai. Lumabas si Steve, kaya agad silang lumapit dito "For now stable na siya, nagpapahinga na siya" malungkot din ang binatang doctor sa nangyayari sa dalaga na pinakamamahal niya. "Kai, anak umuwi na muna kayo ni Kaycee kami na muna ng Mama mo ang magbabatay sa ate mo, sabihan mo na din si Manang na mag ayos ng damit ng Ate mo at dahil dito" sabi ng ama niya na nagpapakatatag sa asawa't mga anak. Tumango l

