CHAPTER 8. SIGN OF JEALOUSY

1599 Words
Nagtagumpay nga akong pagalitin si Ninong Zach sa akin pero napasama naman niya ang loob ko. Nang dahil sa nagtatampo ako sa kanya ay hindi ko inisuot ang wedding ring daw namin at sinadya ko talagang magising ng tanghali para hindi magluto. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit, mag alas nwebe na nang umaga. Kumulo na ang aking tiyan kaya kaagad na akong bumaba. Mabuti nalang at wala na si Ninong kaya pagkatapos kong Kumain ay kaagad akong umalis sa bahay niya. Sumakay ako sa scoter dahil wala akong pera na pambayad sa taxi. Pinuntahan ko si Winston sa Bahay nila, alam ko na ngayong araw ang day off niya sa trabaho. Sakto naman at naabutan ko ang kanyang sasakyan na palabas sa kanilang gate. Dumungaw si Winston sa bintana ng sasakyan at sinenyasan akong lumapit. "Hey, I miss you so much! Bakit ngayon kalang nagpakita? Sobrang higpit ata ng asawa mo ah!" natatawang sabi ni Winston. "Sinabi mo pa naiinis nga ako sa kanya eh. Anyway, Saan ka pupunta?" tanong ko naman. "Pupunta ako ng mall may bibilhin lang halika sumama kana sa akin! I know your here to visit me, I received your text ang akala ko mamayang hapon kapa darating mabuti nalang at naabutan mo ako," aniya. Dali-dali ko naman ipinasok sa loob ng garage nina Winston ang scotter na dala ko at sumakay sa kotse niya. Ang dami naming pinagkwentuhan habang nagbabyahi. Pati ang pagiging babaero ni Zach ay naikwento ko rin sa kanya at ang ginawa niya sa akin kagabi. Hindi makapaniwala si Winston at halos malagutan ng hininga sa kakatawa dahil sa mga kinukwento ko. But for me, hindi naman funny ang lahat ng mga sinabi ko at hindi ko alam kung ano ang pinagtatawanan niya. "Manhid kaba Nich? Baka nafall na sa'yo ang Ninong mo kaya nagdala ng babae sa bahay niya para pagselosin ka," ani ni Winston. Napataas naman ako ng kilay. "Anong na fall? Galit nga 'yun sa akin eh tsaka hindi kami magkasundo. Iba talaga kapag masyadong matanda o may edad na ang lalaki sobra pa sa babaeng nagmemenopose." Natatawang sabi ko naman Kay Winston. "Maniwala ka sa akin, may gusto sa'yo ang Ninong mo. Lalaki ako at ang mga ganyang galawan alam ko na 'yan," aniya. Hindi na ako umimik pa dahil malapit na kami sa Mall. Sa wakas, nakasama ko na rin ang Isa sa mga kaibigan kung mamasyal at magshopping. "Ay, wait wala pala akong pera!" sabi ko sa utak ko. "May problema ba?" tanong ni Winston sa akin. Umiling naman ako. "Wala," tipid na sagot ko lang at ngumiti sa kanya. Nng makababa na kami ay inakbayan ako ni Winston papasok sa loob ng mall. Pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa akin, pero hindi ko nalang iyon pinansin. Habang pumipili si Winston Nlng kanyang damit ay biglang nag vibrate ang aking cellphone sa loob ng pantalon ko. "Unknown Number" "Who told you to leave the house at sumama sa ibang lalaki? Hindi kana nahiya kahit may asawa kana?!" Nanlaki Ang mga mata ni Nich nang mabasa Ang text. Saan Naman ni Zach nakuha Ang number niya?Hindi siya maaring magkamali. Si Zach ang nagtext sa kanya at may kasama pa itong galit na emoji sa dulo Ng text niya. "I think his following me," sabi ni Nich aa kanyang isipan. Napangisi siya nang may maisip na kalokohan. Pinulupot niya ang kanyang kamay sa braso ni Winston at idinikit Ang kanyang katawan Dito na ikinagulat Naman Ng Isa. "Nich, anong ginagawa mo? I-I feel your breast-" "Shut up, Basta sumunod ka nalang sa daloy!" pabulong na sabi ko sa kanya. "H-Huh?!" naguguluhan pang sabi ni Winston. Isang kamay Ang humila sa braso ni Nich palayo kay Winston at nanlaki Ang mga mata niya Ng Makita si Zach. "Ninong Zach, anong ginagawa mo dito? Ang bilis mo ha Hindi kita napansin, kamag-anak mo ba si Flash?" tanong ko sa kanya. Hindi na siya sumagot at bigla niyang sinuntok si Winston kaya bumagsk ito sa sahig. Nakita Kong pumutok Ang labi ni Winston at kahit anong awat ko Kay Zach ay hindi siya tumitigil. Hindi rin makapagsalita si Winston dahil sa sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ni Zach sa sikmura niya. "Ninong, tama na 'yan!" sigaw ko pa habang hinihila Ang kanyang damit. Walang kalaban laban si Winston sa kanya dahil makikita kong magaling si Zach sa suntukan. "Dati ba siyang boxingero?" "From now on, ayokong nakikitang lumalapit ka sa asawa ko! Or else, I will going to kill you!" galit na sigaw sa kanya ni Zach at tinapakan pa ang likod ni Winston. "Nich and I we're friends-" "I don't need your explanation asshole!" ani ni Ninong. "Ninong, tama na nasasaktan na si Winston!" saway ko pa sa kanya pero tiningnan lang ako nito habang nanlilisik ang kanyang mga mata sa sobrang galit. akma Kong lalapitan si Winston para tulungang nakatayo pero mabilis akong hinila ni Zach palabas ng Mall. Hindi siya umiimik habang hawak ang kamay ko at mabilis na lumalakad. Pakiramdam ko may kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang maramdaman ko ang init ng kanyang palad. Naalala ko noong aksidenteng may nangyari sa amin, ganito rin ang nararamdaman ko nang una niya akong mahawakan. Patulak niya akong pinapasok sa loob ng kotse niya at naumpog ako sa upuan. Ininda ko ang sakit ng nguso ko dahil takot akong magsalita o magreklamo. Parang ibang Zach ang nakita ko ngayon. Nang makaupo na siya sa driver seat at muli niya akong pinukol ng masamang tingin. Nakahawak lang ako sa nguso ko. "Hindi ba sinabi ko sa'yo na huwag kang lalabas ng bahay kung hindi ka nakapag paalam sa akin?!" galit na sabi nito. "Paano naman ako makapag paalam eh nang magising ako kanina wala kana doon. Bakit kaba narito? Paano mo nalaman kung nasaan ako?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan iyon. Napangiti Naman Ako sa kanyang ginawa. "Kinikilig ba ako?" "Ang kinis ng kamay ko di'ba?" sabi ko para makuha ang atensiyon niya. Pansin ko kasi na kanina pa siya nakatitig sa kamay ko. Napangiwi ako sa sakit ng bigla niyang pitikin ng malakas ang aking kamay. "Where's your ring?!" aniya. "S-Sa bahay," utal na sagot ko. "Hindi mo dapat hinuhubad ang singsing mo Nich, you are my wife at dapat palagi mong suot iyon!" Napahampas pa siya sa manibela ng kanyang sasakyan. "Sinadya mo bang hubarin ang singsing mo para lang sumama sa lalaking 'yun?" tanong pa nito. "Hindi ba sabi mo sa akin hangga't suot ko ang singsing ay asawa mo ako?So, dahil hindi ko suot ang singsing today hindi mo ako asawa sa ngayon." Pinilit kong buksan ang pintuan ng kanyang sasakyan pero nakalock na iyon. "May karapatan akong gumala at sumama kahit kanino dahil hindi mo ako asawa ngayon-" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang hablotin ang aking beywang at hinila ang aking katawan palapit sa kanya. I stunned for a moment. Hindi ko makapag salita at nakatitig lang Ako sa mga mata nitong mapupungay at kulay asul. "B-Bitawan m-mo ako N-Ninong!" nauutal na sabi ko. "Kapag tinawag mo pa akong Ninong hahalikan na kita!" pagbabanta pa nito sa akin. Nalalanghap ko ang mabango nitong hininga kada magsalita siya. Ramdam ko rin ang mainit at matigas nitong dibdib. "N-Ninong-" Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niya akong niyapos ng halik sa aking bibig. Hindi ko inaasahan na napapikit ako at kusang gumagalaw ang bibig at dila ko para gantihan ang matamis nitong halik. Bigla siyang napatigil sa paghalik sa akin at ngumisi. "Ito lang pala ang gusto mo sumama kapa sa ibang lalaki?" aniya. Ramdam ko naman na uminit ang mukha ko sa sobrang hiya pero ayokong isipin niyang naattouched ako sa halik niya. "Ikaw ang unang humalik sa akin, Ninong at gumanti lang ako!" nakangising sabi ko naman. "Okay, but don't you ever fall inlove with me. I easy change my emotion, kaya ayoko lang na sumama ka sa ibang lalaki kapag dahil nasa poder kita. Ako ang mananagot kung may mangyari sa'yong masama," sabi naman nito at pinaandar ang sasakyan. "Hinding-hindi ako maiinlove sa'yo Ninong, baka ikaw pa nga ang mainlove sa akin eh. Batang bata pa naman ako at ikaw ay matanda na!" Tinawanan ko pa siya kaya bigla niyang tinapakan ang preno ng sasakyan. Mabuti nalang at mabilis akong nakahawak sa upuan ko dahil kung hindi baka tuluyan nang mangudngud ang nguso ko. "Are you telling me na matanda na ako?!" aniya. Tumango naman ako sa kanya. "Kita mo ang reaction mo kanina para kang Daddy ko. Ganyan na ganyan si Dad, ayaw niyang sumama ako sa mga lalaki. Pero ang pinagkaiba lang sa'yo dahil parang may selos na kasama 'yung pagiging strict mo," dagdag ko pa. Napatawa naman siya ng malakas. "Hindi kita gusto Nich, honestly. That night was a big mistake. And that's why pumayag akong ikaw ang pambayad ng Daddy mo sa akin dahil gusto kong protektahan ka sa Ama mo." aniya. "What do you mean na maprotekhan?" takhang tanong ko naman. "Someday, malalaman mo rin ang totoo. Noong unang kita natin sa Club, hindi lang 'yun aksidente. It was my plan. Sinadya kong galawin ka at pinagsisihan ko ang bagay na 'yun!" sabi pa nito. Namuo ang luha sa mga mata ko. Is this a rejection? I can't deny that I was happy when our lips met earlier. Pero nang sinabi niya sa akin na hindi niya ako gusto? Para bang may bala na tumama sa puso ko sa sobrang sakit at halos hindi ako makahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD