Pabagsak akong umupo sa sofa pagkarating ko sa bahay ni Zach. Hinilot ko ang aking braso dahil ramdam kong sumakit ito dahil sa kakabit ko ng aking pinamili galing sa Mall. Napangisi ako habang nakatingin sa credit card ni Zach na ginamit ko para pambayad sa lahat ng mga binili ko.
"How dare you to use my credit card?!" galit na bulyaw sa akin ni Zach habang pababa sa hagdan. Naka porma na siya para sunduin ang babae niyang nangangalan na Nathalie.
Ngumiti ako sa kanya at tumayo sa sofa. Hindi ko maiwasan na hindi titigan ang gwapong mukha ni Ninong.
"Asawa mo na ako at lahat ng meron ka, mayroon akong karapatan." Inabot ko sa kanya ang credit card at hinablot niya ito sa aking kamay.
"Next time, don't you ever stole my card and use it without my permission!" malamig na sabi pa nito.
Tumango lang ako sa kanya. Langhap ko ang mabango niyang hininga. "Prepared na prepared ka talaga Ninong ah, susunduin mo ba si Nathalie tonight?" tanong ko pa sa kanya.
"Anong pakialam mo? Don't ask too much kasi hindi nakakatuwa 'yang bibig mo. And remember this, huwag kang gumawa ng bagong eksena kagaya nang ginawa mo noong nakaraan!" Idinuro pa niya ako.
Hindi nalang ako sumagot sa kanya at kinuha ang mga pinamili ko sabay akyat sa aking kwarto. Bumili ako ng mga make-up at bagong damit. Sobrang namimiss ko nang gumala sa Mall at pumili ng kung anu-ano, plus i missed my friends also. Simula nang nakapasok ako dito sa bahay ni Ninong Zach hindi na ako masyadong nakalabas. Masyado siyang strikto sa akin at lahat ng mga kilos ko kailangan nakareport sa kanya.
Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si Belle.
"Hello, bessy how are you?! I missed you so much!" sigaw ni Belle sa kabilang linya na halos masira ang airdrum ko.
"Me too, sobrang miss na miss ko na kayo. Pwedi bang bisitahin mo ako ngayon dito?" tanong ko sa kanya.
"Bess, sorry hindi ako pwedi ngayon eh. Nandito kasi ang boyfriend ko sa bahay. Next time nalang, pwedi?" aniya.
Mas lalo pa akong nalungkot. "S-Sige, kaagad kong binaba ang aking telepono at pabagsak na nahiga sa kama.
Meanwhile, may sasakyan na bumusina sa labas mg gate kung hindi ako magkakamali si Ninong Zach na iyon at ang babae niyang si Nathalie. Isinuot ko ang maiksi kong dress. Naglagay din ako ng kaunting make up at lipstick. Bakit ko 'to ginagawa? Dahil gusto kong sabayan sina Nathalie at Zach. May kasalanan pa sa akin si Ninong kaya gagantihan ko siya ngayon. Bakat na bakat ang aking cleavage sa suot ko. Kunting galaw ko lang lalabas na rin ang matambok kung puwet.
Huminga ako ng malalim bago bumaba. Hinanap ko sina Ninong kung saan sila nakapwesto. Nahagip ng aking mga mata ang liwanag sa tabi ng pool. I heard also a sweet music from there kaya sumilip ako roon. Napaawang ang aking bibig ng makita ko ang bouquet ng red roses sa itaas ng lamesa. May mga kandila din doon at kahit simple lang sobrang romantic ang datingan.
"Si Ninong Zach ba ang nagdesign nito?" tanong ko sa aking isipan.
Nakita ko si Ninong Zach at ang babae nito na sumasayaw habang nagyayakapan. They look so sweet to each other, 'yun nga lang hindi lang siya ang babae sa buhay ni Ninong. I feel so pity with her.
Kulang nalang ay maghalikan silang dalawa at sobrang nakadikit ang kanilang katawan. Hindi ako natutuwang panoorin sila na ganoon, I am the wife right? And I have a reason to be angry and insulted.
Binunot ko sa sasakyan ang DVD kaya tumigil sa pagtugtog ang music. Nakita ko pang nagpalinga linga si Ninong Zach at nang makita niya ako ay naningkit ang kanyang mga mata.
Ngumiti ako ng malapad habang papalapit sa kanilang kinaroroonan.
"Hindi ko sinasadyang mabunot ang DVD, nakaistorbo ba ako?" tanong ko pa sa kanila.
"What do you think your doing-"
Napatigil sa pagsasalita si Ninong Zach nang biglang sumabat si Nathalie sa usapan.
"No, it's okay!" Ngumiti naman sa akin si Nathalie. "I am Nathalie, girlfriend ni Zach. Naikwento kana niya sa akin." Hindi nawala ang mga ngiti niya habang nagsasalita. She has a angelic face. Sobrang ganda at sexy, no wonder kung bakit sobrang romantic sa kanya ni Ninong. "Common, join us!" Hinila pa niya ako papunta sa table na may bouquet ng flower.
Tiningnan ko naman si Ninong at mas lalong tumalim ang mga tingin niya sa akin. Sa huli, wala rin siyang nagawa kundi ang hayaan akong sumabay sa kanila. Magkatabi sila ni Nathalie at naghaharutan at ako naman heto nanunuod lang.
"That's why I love you so much kasi sobrang honest mo sa akin. I am sorry kung nireject ko ang proposal mo dati, pero ngayon if ever na magpropose ka ulit I will say yes!" mahinhin na sabi ni Nathalie.
Ibig sabihin minsan ng nagproposed sa kanya si Zach?
"Kaya nga ginagawa ko ang lahat para makuha ko ang matamis mong oo." Nakangiting sabi ni Zach at hinalikan pa si Nathalie sa kanyang leeg.
Kitang-kita ko sa mga mata ni Zach na inlove siya kay Nathalie, pero paano pa nito nagawang mambabae?
Sa pananalita palang ni Nathalie mukha na siyang mabait kaya sobrang nakokonsensiya ako na sirain ang gabi nila. Not until I see them kissing with each other lips in front of me. Tila ba piniga ang puso ko sa aking nakita. Napalunok ako at hindi ko napigilan ang sarili kong hampasin ng malakas ang table. Nagulat naman sila sa ginawa ko. Nanlaki pa ang mga mata ni Nathalie habang si Ninong Zach naman ay masama ang tingin sa akin.
"Pasensiya kana kung masyado kaming PDA, ito kasing Ninong mo eh hinaharot ako!" Kinurot pa nito ang tagiliran ni Ninong.
"Ninong? Iyan ba ang sabi niya sa'yo?!" seryosong tanong ko.
"Nich, huwag mong sirain ang gabing ito. Umakyat ka sa kwarto mo at matulog!" galit na bulyaw sa akin ni Ninong.
"No, Zach it's okay-"
"Oh, okay lang pala kay Nathalie na nandito ako Ninong!" Pinagdiinan ko pa ang huli kong sinabi.
"I said, leave us alone!" sigaw pa ni Zach sa akin.
Sa pagkakataong ito mas lalo akong nasaktan sa hindi ko malamang dahilan. I used to hold my tears kasi wala naman dahilan para umiyak ako, pero ang puso ko may pinapahiwatig.
"Bakit ako ang pinapaalis mo, Zach?!" sinigawan ko rin siya.
"Wait, are you too fighting? Bakit?!" Naguguluhan na tanong naman ni Nathalie.
"Don't mind her, Nathalie." Biglang hinablot ni Zach ang kamay ko at hinila ako palayo kay Nathalie.
Dinala niya ako sa aking kwarto at itinulak papasok sa loob. "Diyan ka! Kung pinalampas ko ang ginawa mo noong nakaraan ngayon hindi na. Wala kang karapatan na sirain kung ano man ang meron ako, Nich!" aniya.