Jane Hindi pa ako tinatawagan ni Clyde tungkol sa lalaki na sumusunod sa amin kahapon. Gusto ko siyang i-text para alamin kung ano ang nangyari pero sinabi niya kasi sa akin na siya mismo ang magsasabi sa akin. Ayaw ko naman siyang kulitin dahil nahiihiya naman ako sa kanya. Nakaupo ako sa may sofa habang nakamasid sa labas ng bintana sabay hawak ko ang aking cellphone upang hintayin ang text ni Clyde. “Iha?” pukaw ng aking ina sa akin. Agad naman akong napatingin sa kanya at nag-aalala siyang napatingin sa akin. “What’s wrong? Bakit parang kanina ka pa yata nakamasid diyan sa bintana at sa cellphone mo? Sino ba’ng hinihintay mo iha? Si Clyde ba?” Tumango na lang ako. Hindi ko na lang muna ipinaliwanag ang nangyari kahapon dahil sigurado akong magtatanong nanaman sila at magiging par

