Jane Nang malaman ko iyong kwento kay Clyde ay halos manlumo ako sa aking mga nalaman. Nakilala ko na sina Elise at Ameya noong nasa Pilipinas pa lang ako pero ngayon na alam ko na kung ano ang tunay kung katauhan ay hindi ko alam kung ano’ng mukha ang ihaharap ko sa kanila. Paano ako hihingi ng tawad sa kanila lalo na at sobrang hirap ang dinanas nila sa kamay ng mga sindikato na nagpahirap sa sarili kong mga magulang. Habang inaaral namin nila Earl iyong sound clip na nanggaling sa nagngangalang Amanda ay halos ipikit ko ang aking mga mata habang pinapakinggan ko iyong mga boses ng dalawang babae lalo na iyong tinutukoy niyang Capo. I want to memorize her voice as much as possible. Pinaulit-ulit ko iyong sound clip hanggang sa mismong mga sinasabi nila ay maisulo ko ng kaunti. Nang ma

