Clyde Pinakita sa amin ng ala-butler ni Earl, na ngngangalang George, ang buong second floor para ipakita na rin sa iba ang kanilang kwarto. I noticed that the rooms are the same, and I can’t even remember where our room is. Isa-isa naman silang pumasok sa kani-kanilang kwarto at naabutan namin silang nagtatakbuhan pa rin doon. "Lucy help!" "Tsk! Kung wala kang magawang maganda leave me alone. I’m tired, and I want to sleep.” Sinarahan siya ng pinto at imbes na maawa ka ay lalo ka lang matatawa sa pinaggagawa ng mga ito. "Bunch of abnormals." Narinig kong sabi ni Cyrus bago siya pumasok sa kwarto niya. Tinanong ko rin sa butler kung saan na ulit iyong kwarto namin ni Jane dahil hindi ko na maalala kung saan ito. Buti na lang talaga at maraming kasambahay si Earl sa mala-palasyong baha

