Clyde Pagdating namin sa Italy ay hindi na bago sa akin ang sumakay sa isang limousine na mamahalin. I’ve been doing that ever since I started to have my business. Kaso nang tignan ko si Jane ay mukha siyang hindi komportable. Nakikita ko na tumitingin siya sa akin kaya naman para maging at ease siya sa lugar at sa paligid niya ay kinakausap ko siya. “Ano’ng masasabi mo ngayon na nakarating ka na rito sa Italy?” tanong ko. Tipid siyang ngumiti at nang hawakan ko ang kamay niya ay nanlalamig siya. She’s scared, and I can see that in her reaction. “I’m definitely scared.” I kissed the back of her hand. Napansin ko na medyo nawala ang pag-aalala niya pero hindi pa rin siya komportable sa bagong lugar. Napansin ko na lumiko ang limousine papasok sa isang malaking gate na ga

