bc

I Love You, My Enemy

book_age16+
120
FOLLOW
1.3K
READ
family
HE
opposites attract
badboy
heir/heiress
drama
sweet
office/work place
superpower
like
intro-logo
Blurb

"Akitin mo siya. Paibigin mo… tsaka mo durugin."

Iyan ang plano ni Kristine para sa "Control Freak" na si Adam, ang lalaking kumuha ng lahat ng para sa kanya. Pumasok siya sa buhay nito dala ang matinding galit at isang huwad na ngiti. Plano niyang iparanas kay Adam ang impyerno.

Ngunit nagkamali siya. Dahil sa bawat gabi na magkasama sila, sa bawat haplos na naghahatid ng kuryente sa kanyang katawan, ang galit ay napalitan ng mapanirang pagnanasa. Nagbago ang mga patakaran ng laro.

Nahulog si Kristine sa sarili niyang patibong. Paano kung ang paghihiganti ay magbunga ng totoong pagmamahal? Ngunit kapag nabuksan ang mga sikreto ng nakaraan at nalaman ni Adam na ang lahat ay nagsimula sa isang kasinungalingan... may puwang pa ba ang patawad, o tuluyan na silang mawawasak ng katotohanan?

Sa Bar (Adam POV)

“Kristine… let’s go,” sabi ko, sabay hawak nang mahigpit pero maingat sa kanyang braso.

Paglingon niya sa akin—nakangiti siya. Pero halatang-halata na medyo hilo na ito at hindi na diretso ang tingin.

“Uy, sissy!” sigaw ng isa niyang kasama, si Carol yata ito. “Look, your Daddy Adam is here… sinusundo ka na niya, Girl.”

At sabay-sabay silang nagtawanan. Napakunot ang noo ko sa narinig. “Daddy Adam…?” ulit ko sa mababa at pormal na boses na puno ng awtoridad.

“Excuse me! Adam is not my daddy…” sabi ni Kristine sabay tawa ulit kasama ng kanyang mga kaibigan.

“Ha? Eh, ano mo ba siya?” tukso naman ng isa pa nilang kasama.

Doon ko binalingan si Kristine. Ngumiti siya—iyong lutang na lutang na ngiti na tila ba nasa ibang mundo na siya dahil sa kalasingan. Bigla siyang nagtaas ng kamay at dahan-dahang itinatapat ang kanyang daliri sa dulo ng ilong ko.

“He’s my... baby…” aniya habang nakatitig sa akin.

Napakunot lalo ang noo ko. “Baby…?” ulit ko, halatang hindi makapaniwala sa narinig ko. Mula sa pagiging "Atty. Sebastian," naging "Baby" ako sa loob lang ng isang gabi?

“'Di ba, Adam?” Hinila niya ako bigla palapit sa kanya, dahilan para mapayuko ako lalo sa harap niya. “Baby kita? Sabihin mo sa kanila…”

Napapikit ako saglit, pinipigilan ang sarili na huwag sumabog sa hiya at inis sa harap ng mga usisero niyang kaibigan.

“Kristine, tama na—”

“Adam…” lambing niya, nakasandal na halos ang buong bigat ng katawan niya sa akin. “Sabihin mo kasi na baby mo ako…”

Napabuntong-hininga ako. Tumingin ako sa mga kaibigan niya na lahat ay naghihintay ng isasagot ko, bitbit ang mga cellphone na nakahanda nang i-video ang susunod na mangyayari. Wala na akong choice kundi tapusin ang palabas na ito para mailayo ko na siya rito.

“Baby ko si Kristine,” sabi ko, madiin ang bawat salita upang manahimik na sila.

Sabay-sabay silang nagtawanan at nagkantiyawan. Pero si Kristine—nanatili lang na nakatingin sa akin. Ngumiti siya nang kontento, parang ako lang ang mundo niya sa sandaling iyon. At sa totoo lang, kahit nakakainis ang sitwasyon, may kung anong kumurot sa puso ko sa paraan ng pagtingin niya.

“Tara na,” sabi ko ulit, hinila ang kamay niya. “Uwi na tayo.”

“Sige…” sagot niya. Pero hindi pa rin siya tumatayo. Nanatili siyang nakaupo, tila nag-e-enjoy sa pag-aantay ko.

Napapikit ako sa gigil at pinigilan ang inis na kanina pa gustong lumabas. “Kristine…” mas mababa na ang boses ko ngayon, iyong tonong nagbabala na. “Tumayo ka na.”

Ngumiti lang siya—parang mas inaasar ako lalo. “Tatayo ako…” sabi niya, ngunit hindi naman gumagalaw ang kanyang mga binti.

Napabuga ako ng hangin at tuluyang nawalan ng pasensya. Lumapit ako nang husto sa tenga niya, sapat na para maramdaman niya ang init ng aking hininga sa kanyang balat.

“Sige,” bulong ko nang seryoso. “Kung hindi ka tatayo… hihigpitan ko ang hawak ko sa 'yo, at bubuhatin na lang kita palabas dito.”

Tumingala siya sa akin, mapungay ang mga mata at may pilyong ngiti sa mga labi bago bumulong pabalik.

“Kiss mo muna ako.”

Napapikit ako nang mariin. Halatang lasing na siya—makulit, matigas ang ulo, at walang pakialam sa mga taong nakatingin sa paligid namin. Pero hindi ko siya pwedeng iwan sa ganitong estado, at lalong hindi ko siya pwedeng hayaang mapahiya.

“Kristine, no... lasing ka na,” mahina pero madiin kong wika. “Tara na, umuwi na tayo.”

“Akala ko ba baby mo ’ko? Patunayan mo sa kanila na baby mo ’ko... kiss mo na ’ko, dali!” Nakatulis ang kanyang nguso, tila isang batang nanghahamon. Ang mga kaibigan niya ay nagsimula nang mag-hiyawan, lalong nagpapadagdag sa tensyong nararamdaman ko.

Ayaw ko man, pero para matapos na ang eksenang ito at mailayo ko na siya rito, dahan-dahan akong lumapit. Maingat. Hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang isa kong kamay para maging steady siya.

At saglit—marahang dumikit ang labi ko sa labi niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Mapait na pagbabalik
"Kamamatay lang ni Mommy at gusto nang umuwi ako ng Pinas? Para mabuo ang pamilya? It will never happen, Attorney!" Mahigpit ang hawak ko sa telepono hanggang sa mamuti ang aking mga buku-buko, at bakas ang pait sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig. Para silang mga bubog na bumabara sa aking lalamunan. "Magsama-sama na lang silang lahat... basta ako, dito lang ako. Ipagpapatuloy ko ang buhay ko rito," mariin kong dagdag. "Kristine, hindi puwede 'yon," mahinahong sagot ni Attorney sa kabilang linya, isang boses na sadyang nakakairita dahil sa kalmado nito habang gulo-gulo ang mundo ko. "Unang-una, wala ka namang kamag-anak diyan dahil wala na ang mommy mo. Ang daddy mo na ang tatayong legal guardian mo. At hawak ng daddy mo lahat ng documents... hindi malilipat sa 'yo ang lahat ng mana mo galing sa mommy mo hangga't walang go signal ng dad mo." Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. "What! Are you kidding me, Attorney? At paano mangyayari 'yon?" "Umuwi ka muna sa Pilipinas at kausapin mo ang daddy mo, Kristine," pagpapatuloy niya, na tila walang balak umatras. "Siya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong mo." Nang maputol ang linya, napasubsob ako sa kama. Tuluyan na akong napaiyak dahil sa bigat ng nararamdaman. Dalawang linggo pa lang ang nakalipas mula nang mawala si Mommy dahil sa breast cancer, pero heto ako ngayon—binabaha ng problema at sakit. At ngayon, gusto ng daddy ko na umuwi ako sa Pilipinas para raw doon ipagpatuloy ang buhay ko kasama siya. Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang maalala ang babala ni Attorney—utos daw iyon ng daddy ko. Kapag hindi ako uuwi, puputulin ang allowance ko at ipa-hold pa ang bank account ko. Sa isang iglap, lahat ng meron ako ay nanganganib na mawala. Anim na taong gulang pa lang ako nang lumipat kami dito sa US. Dalawa lang kaming namuhay ni Mommy matapos silang maghiwalay ni Daddy. Pero sa kabila ng kawalan ng ama, lumaki akong kuntento at punong-puno ng pagmamahal. Ibinigay ni Mommy ang lahat ng kaya niya—mula sa pag-aaral sa pribadong paaralan hanggang sa mga pasyal at masasarap na pagkain—sinigurado niyang wala akong pagkukulang. Nurse si Mommy sa isang malaking ospital dito. Ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya sa pagtatrabaho para mabigyan ako ng marangyang buhay, pero ang naging kapalit naman nito ay ang sarili niyang kalusugan. Ngayong nagtapos na ako ng kolehiyo, ako naman sana ang babawi sa kanya... pero hindi na niya iyon naabutan. Tuluyan na niya akong iniwan. At ang daddy ko? Mabibilang lang sa daliri ang mga beses na kasama ko siya. Ni minsan, hindi siya tumawag para mangamusta. Walang regalo, walang card... wala. Isa lang siyang anino o multo sa buhay ko. “I hate him, Mommy…” mahina kong bulong habang nakatitig sa litrato niya sa aking side table. Hindi man lang siya nagkaroon ng oras na puntahan ako rito; laging gusto niya ay ako ang uuwi ng Pinas para makita siya. Kaya nung tumanda na ako, pinili kong huwag nang bumalik. Tinanggap ko na si Mommy lang ang tanging pamilya ko. Pero ngayon, ako na lang talaga ang mag-isa. “Paano na ako ngayon, Ma? Paano…?” basag ang boses kong tanong sa gitna ng pag-iyak. Pagkaraan ng isang linggo, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang unknown number. “Hello, Kristine?” wika ng boses sa kabilang linya. Isang boses na pilit ko nang ibinabaon sa limot. “Hello…” sagot ko, puno ng kaba at pagtataka. “Anak… isesend ko sa ’yo ang flight details mo. May susundo sa ’yo sa airport. Please, huwag ka nang magmatigas,” pakiusap niya, at ramdam ko ang panginginig sa kanyang boses. “You must come here ASAP… we need to talk. I need to tell you something… please.” “Bakit pa, Dad?” malamig kong tugon habang humihigpit ang hawak sa cellphone. “I can live here as long as I want… and I will.” “Kristine, gusto kitang makausap tungkol sa Mommy mo. Kaya please…” wika niya. “No, Dad!” mariin kong sagot. Ayaw ko nang buksan ang mga sugat na matagal ko nang pinaghihilom. “Kristine... you must come home... This is the right time,” pagpipilit niya. Ramdam ko ang panginginig sa boses niya, isang emosyong hindi ko inaasahan mula sa lalaking kinalimutan ang kanyang tungkulin sa akin. “Marami tayong kailangan pag-usapan... kaya please, Kristine...” Naiwan akong nakatulala matapos ang tawag, nalulunod sa kalituhan. Sa loob ng maraming taon, si Mommy lang ang pundasyon ko, at ngayon ay tila guguho na ito dahil sa mga utang na hindi ko maipaliwanag at sa mga legal na usapin. Tumunog ang email notification ko: Flight details galing kay dad. “Kailangan ko ba talagang gawin ’to, Mom?” bulong ko sa kawalan. Ang ideya na maging isang "pamilya" muli ay tila sumasakal sa akin. Pero dahil wala nang ibang choice at hawak nila ang aking kinabukasan, alam kong kailangan ko nang bumigay. Thursday na ngayon, at base sa flight details, Saturday morning ang alis ko. Friday night nang mabilis akong nag-iimpake. Isang maleta lang ang dinala ko—dahil wala akong balak magtagal sa lugar na nagdulot sa akin ng labis na kapaitan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook