Third Person P.O.V. Makalipas ang dalawang araw, nakalabas na ng ospital si Sabrina. Gayunpaman, si Enzo ay nananatiling walang malay. Apat na buwan na ang pagbubuntis ni Sabrina, ngunit maliit pa rin ang kanyang tiyan kaya't hindi pa halata ang kanyang baby bump. Tuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso kaugnay sa nangyaring insidente ng pagkakapatay niya kay Jessica. Malaki ang posibilidad na hindi siya masampahan ng kaso dahil malinaw na self-defense ang nangyari, batay na rin sa mga ebidensya at testimonya ng mga saksi. Gayunpaman, hindi maikakaila na apektado pa rin si Sabrina ng nangyari. Patuloy niyang nilalakasan ang loob at iniisip ang kapakanan ng bata sa kanyang sinapupunan. Sa kabila ng mga pagsubok, panghahawakan niya ang pag-asang magigising si Enzo at makakasama nila ang kanilang

