Sabrina’s P.O.V. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang magtago dito habang si Daddy Enzo ay lumalaban para mabuhay. Umalis ako ng probinsya at nagtungo sa Maynila upang dalawin si Daddy Enzo sa ospital. Nabalitaan kong naligtas na siya nina David mula sa taong nagbanta sa aming buhay. Ngunit pagdating ko doon, nanlumo ako sa sinabi ni David. "Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagigising," malungkot niyang balita sa akin. "He is in a coma. 'Yan ang sabi ng doktor," dagdag niya. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang nakaratay na katawan ni Daddy Enzo. "Kailan daw siya magigising?" nanginginig kong tanong. "Walang ideya ang doktor kung kailan siya magigising." "Tanga ba 'yang doktor na 'yan! Dapat alam niya kung kailan magigising si Sir Lorenzo!

