bc

Affinity Romance: Resisting both worlds

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
revenge
fated
second chance
drama
tragedy
comedy
sweet
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

Eunnie Yang is a huge fan of Hideo Woo, the main character of her uncle's comic series.

In time, Eunnie never thought that her fantasies with Hideo could come true when she found out that He was here in the real world.

Will they be able to divert from the plot of the series or helplessly follow their line of fate?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The beginning
Eunnie's POV   kasalukuyan akong nakahiga saking kama at nag iisip nanaman sa comic na ginagawa ngayon ng tito ko. Mahilig kasi syang gumawa ng comic na all about murder cases. Ewan ko ba kung bakit yun ang hilig nya, fan pa naman ako ng main character dun na si Hideo, ang hero ng buhay ko. Hayst!     nakangiti akong inilibot ang paningin ko saking kwarto na napapalibotan ng mga litrato ni Hideo. Hindi naman talaga sya totoong tao kaya yung sa mga ginuhit ni Tito na mga mukha ni Hideo ay hiniram ko at nagpa photocopy ako saka idinikit sa walls ng bedroom ko.     "Hideo, my Hero" sabi ko at nagpa cute sa harap nya. pinag papantasyahan ko talaga tong character nna to na alam ko naman ay hinding-hindi ko makikita kahit na kailan. Isang ilusyon na laging nagpapalunod ng puso ko. Hmmm, ang cheesy ko talaga pag dating sa kanya, pft! Natawa nalang ako.   At dahil sunday ngayon, walang pasok kaya napag desisyonan ko na pumunta sa bahay ni Tito at mag basa sa latest episode ng comic nya. Syimpre kailangan mabasa ko yun ng una dahil andun yung nag iisang Hero ko.   "Mama!!" pag tawag ko sa kanya habang gumagawa ng pancakes. "Kela Tito lang po ako, titingnan ko lang yung latest episode at ang storyboard ngayon." sabi ko ng naka ngiti at agad na lumabas ng bahay.   Sumakay ako sa bisiklita para mas mabilis akong makarating dun kasi excited na talaga akong mabasa kung ano na naman ang ginawa nya sa Hideo ko.   Ilang sandali ay nakarating narin ako sa bahay ni Tito. Sya lang mag isa nakatira sa bahay nya  at ang tanging kasama nya lang ay ang comics nya, yun na yata yung pinakasalan nya e, parang wala syang balak mag asawa kasi hindi nya maiwan iwan ang work nya.     Agad ako kumatok sa pinto at binuksan ito ng may malaking ngiti sa labi. "Toooooo!" tawag ko sa kanya. To, short for tito, kasi for me, mahaba-haba yung tito kaya last two syllables nalang yung ginagamit ko.   "Oh, wala ka bang trabaho sa inyo?" as usual, ang silent-type tito ko, palaging seryoso.   "Yan na ngaba sinasabi ko sa yo, To, e. Mag asawa ka na kasi, sobra pa sa murder na comic mo yung buhay mo e. sobrang tahimik, hindi maganda yan, hayst" "may bibilhin lang ako sa labas sandali, babalik din ako" sabi nya at tumango lang ako.    Madilim yung bahay nya kasi hindi nya binubuksan  yung bintana tapos yung ilaw e color orange kaya madilim, may lamp shade lang sya sa table nya enough para maka gawa ng comics. "Akyat po ako , To, ah!" sabi ko at umakyat sa kwarto nya kung saan sya gumuguhit. Nang makaratin ako sa tapat ng table nya ay may nakita akong nakapatong sa drawing book nya na isang sticky note.    "papatayin kita"       Ito yung nakalagay kaya kumunot ang noo ko pero agad kong binaliwala nang naalala kong kailangan ko na pala makita ang latest na gawa ni Tito. Agad kong binuksan yung latest episode sa drawing book nya. "HUH?? Killer clown nanaman for this episode?" nag simula na akong magbasa. Ito ay tungkol sa isang killer clown na pumatay ng 25 na inosenteng mga tao na galing sa isang party saka tumakas ng mabilisan.   sa next page naman ay laki ang aking tuwa dahil naiguhit nanaman nya si Hideo. "Ito yung hinihintay ko e" sabay tawa ko.   Nag lalakad sa Hideo sa madilim na eskinita ng biglang may humarang sa kanya, Naka clown attire ito habang maya bitbit na balloon.   "Uyyy Teka, teka! ano to???? Tito naman eee!!" pag rereklamo ko at nag patuloy na.   "Sino ka?" Tanging nasabi ni Hideo habang ang clown ay parang inaaliw-aliw sya. Ibinigay ng clown ang balloon sa kanya tapos may dinukot saa bulsa nya. Isang  baril ito na may silencer, laki ang kaba ni Hideo dahil hindi nya alam ang kanyang gagawin. Sa kaba nya at dahil madilim narin ay hindi nya namalayan na nakalapit pala ang kriminal sa kanya at sinuntok sya ng sinuntok hanggang sa mawalan sya ng malay. Agad-agad na ipinasuut ng kriminal ky Hideo ang kanyang attire as clown at gumamit ng panyo upang mailipat ng maayos ang baril sa kamay ni Hideo at lahat ng pwede maging ebidensya ay inilipat nya lahat kay Hideo at may ininject syag drugs ky Hideo upang mas pag dudahan pa sya ng autoridad. Agad itong tumakas dahil papalapit na ang mga pulis...   "Titoooooooo! bakit naman ganito?" nakasimangot kong sabi. grabe, halos sa lahat ng episode e gusto nyang ipahamak si Hideo, hindi ba sya naaawa? main character yun pero parang laging kinakawawa.   napansin ng mga pulis na merong nakahiga sa isang eskinita kaya dali-dali silang lumapit at agad tumawag ng back up dahil ang nawalan ng malay ay nakadamit bilang isang clown.   "Compirmado! nandito ang suspect!" sabi ng isang pulis.   dinala nila sa prisinto si Hideo upang maimbistigahan pa ng maigi.   "Ijo, 19 kapa lang pala, at nagawa mo ang isang bagay na iyon? alam mo ba kung ano itong pinasok mo?"   "Ano? hindi totoo lahat ng binibintang nyo! walang katotohanan lahat ng yan!" pag depensa ni Hideo sa sarili nya.   "mag ddrug test din tayo sayo  dahil sa mga drogang natagpuan sa bagahi mo, hindi impossible na nag ddrugs ka."   "Po? pero hindi ako yun, papanong nag ddrugs ako?" nakakunot noong tanong nya habang naka pusas.   "Nag inject ka ng drugs kanina diba? Ijo, alam mo bang mataas ang posibilidad na ma coconvict ka in all  32 counts of murder? Plus, matagal ka ng wanted so the prosecution might grant the death penalty as sentencing of your murders." Sabi ng isang Pulis at nag cross arms. "isa itong high-profile case dahil hindi ito ang unang krimen na ginawa ng isang killer-clown kundi noong nakaraang buwan ay namatay si Director Chan with his wife and her cousin na heir ng sikat na Hotel dito. There are enough physical evidence that is pointing on you. At parang malapit ng makamit ang hustisya dahil nahuli na ang suspect at mapagbayaran ang kanyang kasalanan."   Grabe! Agad-agad? Ano bang plano ni Tito? halatang halata na gusto nya talagang makulong at mamatay si Hideo dahil sa ginawa nya ky Hideo sa kwento. Hindi ito pwede, hindi ito maaari!  Gigil na gigil na ako sa ginawa ni Tito at halos nahihirapan na akong huminga sa galit. Oo, alam ko na comic character lang si Hideo pero hindi lang sya basta comic character lang, sya ang naging inspirasyon ko kung bakit nagiging malawak yung imahinasyon ko at inspired ako nung pinagawa kami ng fiction story sa school. Ganun ako ka inspired dahil ky Hideo tapos ganito lang ang gagawin ni Tito? Sino ba naman ang writer na maayos ang pag iisip kung ganto nya paglaruan ang main character? Nahihibang na nga ata si Tito.   "Main Character tapos simula sa previous episodes, pinapahirapan nya, saka hanggang dito ba naman? hindi maaaring maging sad ending ito!" padabog kong sabi at isinara ang mga daliri sa galit. Huminga ako ng malalim; nag inhale exhale ako dahil baka magwala pa ako sa kwarto nya. Inilipat ko na sa sumunod na pahina at nakitang ini-interrogate na si Hideo sa mga detectives at police. Nanlaki ang aking mga mata dahil parang kino cross nya na talaga ang linya. Grabe! Ano bang plano talaga ni Tito? Pag ito hindi maganda mangyari, hindi ko talaga mapapatawad kahit Tito ko sya. Parang tunay na tao na si Hideo sakin kaya wala syang karapatan para gawin yun sa kanya at karapatan kong umasta ng ganito dahil isa akong active supporter at reader ng kanyang gawa at  hindi nya na maaalis sakin na maging ganito ang reaksyon dahil tao lang din akong sinaktan nya. Kung sasaktan nya si Hideo ay parang sinasaksak nya narin ang kanyang pamangkin ng patalikod.   Nung inilipat ko na ang pahina ay nakita kong hindi pa natatapos ni Tito ang next scene kaya medyo nabitin ako, pati yung galit ko ay nabitin din. Pero buti nalang yun at baka umapaw pa yung kumukulong dugo ko sa aking ulo kung makita ko ang buong mangyayari sa pahinang ito. Napatayo nalang ako sa inis at naisipan na para hindi ako masayong ma stress sa susunod na mangyayari ay gagawa ako ng sarili kong next scene. Oo, desidido akong gawin to dahil atleast man lang sa sariling version ko ay mapayapa ang kanyang buhay diba? Hindi ko na sabi kanina, pero artist din ako, mahilig din ako sa pagguhit, at namana ko ito ky Papa na kapatid ni Tito. Oo, magkapatid si Papa at si Tito at pareho silang magaling gumuhit. Kaya close ako kay Tito kahit na hindi sya masyadong umiimik. Napaka tahimik nyang tao o masasabi mong napaka misteryoso nya kung hindi mo pa talaga sya kilala dahil sa kanyang itsura na palaging seryoso at parang may galit sa mundo. Pero kahit ganun man ay mahal na mahal ko yun kahit na sinasaktan nya ang baby ko. Hindi naman sya ganyan nuung bata pa ako e hindi ko lang alam kung anong nangyari sa kanya at nagbago nalang ang lahat pati yung pakikitungo nya. Naging cold sya at mas pinili nyang mapag isa sa buhay at tanging pag guhit ang kasiyahan nya. Ewan ko ng aba kung may sinisinta ba ito pero baka wala kasi kahit nga mga tao na nakakasalubong naming sa daan e pag makikita sya ay umiiwas kausapin sya dahil palagi nyang panipakita ang kanyang itsura na parang kakain ng tao.   Napansin kong hindi pa nakabalik si Tito kaya nangialam muna ako sa gamit nya. binuksan ko yung mga drawer nya at ang daming mga drafts at scratch papers dito. May mga nakalukot pa nga e. At kinalaunan ay nakakita ako ng isang parang libro na gold yung kulay at kumikintab-kintab pa yung cover nya. Hard-bound ito tapos makapal din yung mga pahina. Nag taka ako kasi ngayon ko lang  nakita ito tapos parang may kakaiba sa librong ito kaya binuksan ko yun. May alikabok pa nga.     "Woah?" sabi ko nung binuksan ko. na amaze ako pero blanko lahat ng pages. sapalagay ko ay drawing book ito, pero ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi ito ginamit ni Tito? Hmmm… baka collection nya or extra? Pero in fairness, maganda at napaka attractive nya sa mga mata ng mga artists ah! Kaya pati ako ay parang kakagat narin. Naalala ko tuloy na galit nga pala ako kasi pinahirapan nya na naman si Hideo at dapat gumawa ako ng sarili kong version na next scene para kahit papano ay maganda sa paningin ko dahil alam kong pag si Tito ang gumawa, alam kong masakit na naman. Hindi ko hahayaan na maging miserable ang buhay nya no, at kung mapunta man sya sa mundo ng mga tao, mas maigi dahil maaalagaan ko’t maitatago ko sya mula kay Tito who’s trying to harm him. Nahihibang na nga ata ako e kasi parang nababaliw na ako sa isang comic character at parang pinagpapantasyahan ko na ng tudo si Hideo. Patawarin ako ng lahat kung ako’y mag kakasala pero dahil sa pagiging baliw ko sa kanya ay kahit ano-ano na ang naiisip ko.   Nakarinig ako ng tunog ng mga yapak ng paa sa hagdanan kaya sigurado akong si Tito na yun. Dali-dali kong inipit sa loob ng damit ko ang libro, hindi naman sya mahahalata kasi naka jacket din ako, yung makapal na jacket at yayakapin ko nalang ang sa tyan ko para hindi sya mag hinala. Hindi ko alam kung bakit kukunin ko to pero parang may nag tutulak sakin na kunin to. Dahil narin sa kagustohan na gumawa ng sariling version para sa aking sinisintang si Hideo.   ilang sandali ay bumukas ang pinto at iniluwa ng pintuan si Tito. Sinalubong ko naman sya ng ngiti. Yung ngiting parang patulo na yung pawis sa gilid ng nook o. Hindi ako magaling sa ganitong bahay, yung pagiging ninja pag may tinatago at tsaka last time na ginawa ko to ay kay mama at ayun, napalo ako. Nakakupit kasi ako ng pera noon pero later on nalaman nya rin kaya palo doon, palo dito yung dinatnan ko.   "Annyeong, To!" I greeted him, forcing my lips to form a smile. Nakalagay ang mga kamay nya sa bulsa ng pants nya at tumango lang.   "Natapos mo na? sabi ko naman sayo wag mo na basahin pa ang susunod na mga episodes kasi hindi mo rin magugustohan" sabi nya at lumapit sa table nya. nakasimangot naman ako.   "To, naman e! hindi ka ba talaga naaawa ky Hideo?" Napa pout naman ako na lumapit sa kanya.   "Ba't ka naman maaawa sa isang fictional character lang? Wag ka masyado ma attach kasi hindi naman totoong tao yan.” Sagot nya sakin. “Masasaktan ka lang lalo na’t hindi sila nakatadhanang magtagal.” Dagdag pa nito. May pinaghuhugotan ba yun?   Tungao nalang ako ng pilit. Basta, bahala ka, Tito! Gagawa ako ng akin at hindi mo  yun malalaman. Kasalanan nyo rin to kung bakit nyo ako tinrain para mag improve yung skill ko kaya ngayon magsisisi kayo kasi maguguhit ko na si Hideo kagaya lang ng pag guhit nyo. Hehe…   "Sigi, To, alis na po ako, bye po!" at binuksan ko yung pinto.   “Sigi! Mag iingat ka!” sabi nya kaya tumango lang ako at nagmadali akong tumakbo pababa at dali-dali sumakay sa bisekleta ko. Parang aatakihin ako sa puso kanina ah!   ***     "O, Eunnie, may pancakes dun sa kusina, mag snack ka muna." sabi ni Mama habang tinutupi ang mga damit. Umaabot hanggang sa pintuan yung amoy ng fabric conditioner na lagi nyang gamit at yun yung paborito kong pampabango ng damit.   "Busog pa po ako ma" at lumapit ako sa kanya para halikan sya sa pisngi at agad-agad akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang drawing book mula sa loob ng damit ko.   Tinitigan ko ito kasi parang may kakaiba talaga sa drawing book na to. Napailing nalang ako at kinuha ang pang guhit ko. Wala na akong pake kong magalit man si Tito sakin dahil kinuha ko to basta ang importante maka gawa ako ng sarili kong next scene.   Iginuhit ko yung nag c-conduct na sila ng custodial interrogation ky Hideo at gumihit din ako ng pwedeng daanan ng isang ninja duun sa ceiling upang matulongan si Hideo makatakas. Lupet ng imagination ko no? Oo na, alam ko ang lame nitong naisip ko pero hindi ako mahilig manood ng action movies na pwedeng gawin sa scene na ito kaya ito nalang yung ginawa ko kasi ito ang unang nag pop up sa isip ko. At syimpre gusto ko syang matulungan at gusto ko magka hint sya na ako yung tumulong sa kanya kaya ginuhitan ko ng tulad ng bracelet na suut ko ngayon dun sa kamay ng ninja. Gusto kong iparating na ako lang ang savior nya, ang Knight and shining armour nya! Sa pag guhit ko ng bracelet ay gusto kong iparating na  "Come and find me"     Nakangiti akong gumagawa ng storyboard dahil alam kong maliligtas ko sya, makakatakas kami dahil sa daanan mula sa ceiling. Nakakatawa to kung yung ibang readers ang magbabasa pero wala na talaga akong pakialam jan sa ngayon.   inabot din ako  ng isa at kalahating oras kakaguhit at dinapuan na ako ng antok kaya napahikab ako. nahuhulog na talaga yung mata ko, buti nalang natapos ko narin yung scene na nakatakas na kami. napagdesisyonan kong matulog lang muna kasi napagod ako kakaguhit ng kwento namin ng Hideo ko, at hindi na talaga mapigilan ang antok kaya yumuko ako sa lamisa at hinintay na makatulog ang sarili.       3rd person's POV nahihirapan na sumagot si Hideo sa detectives at ang kanyang pawis ay tumutulo na mula sa kanyang ulo nang biglang dumating ang isang ninja mula sa ceiling at agad na ginulpi ang mga pulis at detectives na nag interrogate ky Hideo.Hindi nya alam kung bakit nag karoon ng daanan doon pero ito ay isang himala para sa kanya dahil ito ay tinutulongan na sya. Nang napatumba na lahat ay agad-agad nyang inakyat si Hideo sa ceiling at dinala sa labas, sa lugar kung saan hindi sya makikita agad ng mga pulis. Nakatulala parin si Hideo dahil hindi alam kung ano ang nangyari.Tinitigan nya ito pero ang mukha ng ninja ay nakabalot kaya hindi makikilala kung sino ito pero sa isang iglap ay biglang nawala ang ninja at hindi sadyang naihulog ang bracelet na ngayon ay pinulot ni Hideo.  abbreviaition na "E.Y   Inilibot ni Hideo ang kanyang paningin sa paligid at nakompirma nyang nakalabas na nga sya kaya naman para hindi masayang ang pagligtas sa kanya ay agad syang nag hanap ng lugar na pagtatagoan nya at pumulot ng mga bagay na pwede nyang magamit para hindi sya makilala ng mga pulis.   Alam na alam nya sa kanyang sarili na inosente sya, na wala syang nagawa kahit isang kasalanan kaya hindi sya dapat nandoon at iinterogate dahil isa lang sya sa simpleng mamamayan na hinding-hindi makakagawa ng mga gawaing masasama.   Iniwasan nyang dumaan sa lugar kung saan madami ang mga tao dahil sigurado syang naghahanap na ngayon ang kapulisan. Naka face mask sya ngayon at naka sombrero na kulay puti at dahan dahan lang kung maglakad. Naririnig rin nya ang mga balita sa TV na halos sinasabi dito na pinaghahanap na sya bilang isang wanted kaya hindi nya maiwasan mag isip kung sinong nag frame up sa kanya, ne hindi nya man lang alam kung anong nagawa nyang kasalanan para parusahan sya ng ganito.   “Sino ka ba? Ano bang ginawa ko sa ‘yong mali?” bulong nya sa sarili nya at may pumatak na luha mula sa kanyang mga mata.   ***   Mahimbing na nakatulog si Eunnie sa study table  nya habang naka bukas pa ang drawing book nang bigla itong lumiwanag pero hindi ito napansin ni Eunnie dahil sa himbing ng tulog nya. sa tapat ng page number sa baba ay may isinulat sya.   "sana maka takas ng ligtas si Hideo...ito ang kahilingan koo -your #1 fan, E.Y"    ---  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook