Eunnie's POV
"Ayoko nung ky Ion, ang liit ng sa kanya!" pagrereklamo ni Marisa. "Kay Hideo nalang please! Palit nalang tayo!" pagpapa cute nya sakin.
"Ano ba! Tumigil ka nga! AKin lang yung kay Hideo okay?" sagot ko, napa pout naman sya.
"Share nalang tayo!"
"NO!" pasigaw kong sagot.
"Palihbasa mas malaki sa kanya e! Daya naman nito."
"Maliit man o malaki, sakin parin yung sa kanya, bahala ka dyan!" Tas umirap ako at lumabas na ng sasakyan dahil naghihintay sina Hideo at Ion samin.
Ang lamig ng panahon ngayon pero buti nalang at to the rescue sina Hideo kaya uminit narin yung pakiramdam namin.
"Hi, Hideo!" naka ngiting kumaway si Marisa kay Hideo at ganun din sya. "Ahm, Hideo, pwede bang yung sa yo nalang? Anliit naman kasi nitong kay Ion, di iinit katawan ko nito."
"Wow ha? Ba't ba napaka arte mo? Wala ng mag ooffer sayong iba, kaya wag ka nang mag inarte dyan!" sagot naman agad ni Ion na halatang nainis. Napabusangot naman si Marisa at napailing nalang si Hideo.
"Pasok ko na." sabi ni Hideo at tumango naman ako.
Pumaparaan lang to si Marisa e, kahit naman anong mangyari, wala syang magagawa. Sakin lang tong jacket ni Hideo. Walang choice si Marisa kundi suutin yung inoffer ni Ion at ganun din naman sakin pero ang pinag kaiba namin ay tinulungan ako ni Hideo ipasok yung kamay ko. Napaka gentleman naman kasi ng Hideo ko e. Naks, kinilig ate mo, girl.
"Tara na nga." Pag aaya ni Marisa. Nasa tabing ilog kasi kami ngayon dahil napag isipan namin mag overnight since holiday naman ngayon at wala kaming ibang gagawin sa bahay kaya sumang ayon ang lahat na mag overnight kami dito tapos ang peaceful pa kaya naisipan namin na dito nalang.
"Hoy, babae! bitbitin mo to. Pakinabangan mo yang laki ng braso mo." utos ni Ion kay Marisa at si Marisa naman ay umaktong sasapakin si Ion.
Nakahanap narin kami ng spot sa wakas. Inilatag narin namin lahat ng gamit namin tapos inayos lahat para organized.
"teka, ba't may electric griller kang dala?" tanong ni Marisa ky Ion habang kinukuha lahat mula sa malaking bag.
"Mag ggrill tayo dyan ng meat. Bobo ka ba? Alangan naman mag sabaw tayo dyan!" sagot agad ni Ion kaya napapikit sa inis si Marisa.
"Alam ko, alam ko bes! Pero ang hindi ko alam kung yung karne ang iggrill dito o yung utak mo. San mo to isasaksak? sa ilong mo? sa pwet mo? Sigi nga, isipin mo!" Sigaw ni Marisa kaya napasampal naman si Ion sa sarili nyang pisngi at napa face palm din ako. "Kahit kailan ka talaga Ion e, utak mo may ubo!"
"Edi sorry, sorry kung tanga-tanga ako!" Inis naman itong sumagot. Natawa nalang kaming dalawa ni Hideo dahil nagsimula na naman itong maghabulan.
"Osya! Bumili nalang tayo ng uling. Pinapahirapan nyo pa sarili nyo e. May sasakyan naman si Ion pero dapat may maiwan dito." Suggestion ko sa lahat. Napatigil naman sa paghahabulan ang dalawa.
"Sigi, bibili kami ni Hideo." Pag vovolunteer ni Ion.
"Mas maganda pag babae at lalake kasi mas idea yung babae kung ano yung maganda bilhin." sagot naman ni Hideo kaya nanlaki ang mga mata ni Ion.
"Kami ni Eunnie maiiwan dito." sagot din ni Ion.
"No! Kami ni Hideo maiiwan dito! Hello? Nakakapagod mamalengke." pagrereklamo ni Marisa.
Agad naman ako inakbayan ni Hideo. "Kami dalawa aalis, kayo ni Ion ang maiiwan dito. Ion, magpakalalake ka, wag mo yang pabayaan dito, hindi natin alam kung ano pang andito."
"H-Hideo naman." sabay pout ni Ion. "Sigurado ka bang iiwan mo ko kasama babaeng to?" sabay turo kay Marisa na nanginginig ang kamay. "Napaka sadista nito, maawa ka, ako nalang isama mo." dagdag nya at lumuhod sa harapan ni Hideo.
"Walang hiya ka!" sigaw ni Marisa at sinugod nito si Ion. Nagsimula na naman ang dalawa, hayst. Sakto naman na nahulog sa bulsa ni Ion yung wallet nya tsaka nakay Hideo yung susi kasi sya yung nagmaneho kanina. Oo, tama, Makalipas ang isang buwan, natutunan nya narin magmaneho ng sasakyan kasi tinuruan syang mag maneho ni Ion gamit ang kanyang sasakyan, kaya ngayon ay nakakapagmaneho na ito.
Dali-dali kaming tumakas sa kanila habang binubugbog ni Marisa si Ion.
"Sa tingin mo magkakatuluyan yang dalawa?" tanong ni Hideo sakin at napaisip naman ako dun.
"Hmmm, mahahati muna yung dagat saka yan mangyayari." sagot ko at tumango sa sarili kong sinabi. Sumakay na kami sa sasakyan at itinaas yung bintana. Napansin rin namin na tumatakbo si Ion papunta sa sasakyan pero inilock na namin lahat ng pinto. Labis ang kanyang pagmamakaawa na papasokin sya pero natawa lang kami hanggang sa naabotan ito ni Marisa. Agad naman pinaandar ni Hideo ang sasakyan at umalis na. "Parang ito yung rason ba't sila pinanganak e. Para ang isa ay mambugbog at ang isa ay bugbugin." natawa naman kaming dalawa.
"Pero pupusta ako, magkakatuluyan yan." sabi ni Hideo. Natawa lang ako kasi sa sitwasyon nila, hindi yan. Halos pinag iinitan nila yung isa't isa.
"pupusta din ako. Hindi ako sang-ayon sa sinabi mo. Kung sino yung talo, pagbibigyan ng isang kahilingan. Dapat gawin yun sa nanalo kahit ano man yung kahilingan nung natalo, game?"
"So kampante kang matatalo ka para ma grant wish mo?" Pang aasar nya sakin.
"Hindi no. Confident ako na talo ka tas, ayaw mo nun? Magagrant isang kahilingan mo? Gagawin ko yun sayo." sabay ngisi ko.
"Nagsasalita ng patapos e." sagot nya kaya tumawa naman ako.
Ilang sandale ay nakarating na kami sa palengke. Humanap kami ng nagtitinda ng uling tapos bumili rin kami ng para gagawing sawsawan.
"Uy, Hideo. May 5k cash pala si Ion dito. Ang kaibigan nating bangko as usual." sabi ko at napailing.
"Bili tayo chichirya?" tanong nya at tumango naman ako.
**
natapos narin kami sa pamimili, sa wakas at dalawang malaking eco bag yung bitbit ngayon ni Hideo.
"May pang bonfire na tayo dun diba?" tanong ko at tumango naman si Hideo.
"Nasa trunk ng sasakyan yung mga kahoy." sagot nya naman.
Lumingon lingon naman ako sa paligid at nanakita ako ng nag titinda ng mga scarf. May Color red and gray akong nakita kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Teka lang, Hideo. May scarf dun o. Bagay yun sayo. Saktong-sakto, malamig ngayon." sabi ko at hinila sya papunta dun. Malaki yung ngiti ko habang pumipili ng anong magandang kunin para bumagay sa kanya kahit na alam kong kahit anong kulay dito ay babagay sa kanya.
"Hello, Ma'am and Sir! Pili lang po kayo. May maganda rin po dito o." sabay turo nya dun sa kabila pero hindi ko nagustohan. Napangiti naman kao nung may napili na akong para sa kanya. Kulay gray ito at sure ako babagay to ng sobra sa kanya.
"Try mo nga to, Hideo." sabi ko. At dahil matangkad sya, nag squat sya ng kaunti upang magka level kami. Isinuut ko naman yung sa kanya ng maayos at tiningnan kung babagay ba talaga. Nung natapos akong ikabit yun ay kumuha rin sya nung kulay red tapos ikinabit saakin at nung natapos ay pareho kaming nagngitian sa isa't isa.
"Ang ganda naman ng girlfriend mo, swerte ka, wag mo na pakawalan yan." komento nung nagtitinda.
"talaga po? Maganda?" tanong ni Hideo at tumango naman yung ale.
"Oo naman, sobrang ganda!"
"Wag mo na pigilin yung tili, alam ko kinilig ka dun sa part na maganda." Pang aasar ni Hideo sakin kaya kinurot ko sya tapos ngumisi at napatalon naman sya ng kaunti sa sakit.
"Ikaw talaga, ganyan na talaga ako ka ganda para tumalon ka sa kilig?" Pang aasar ko rin sa kanya.
"Sabi ko na nga ba e, couple talaga kayo." Biglang pag singit nung nagtitinda, napatingin naman kami agad sa kanya.
"Po?" tanong ko kaagad habang nakikita syang nakangiti.
"Couple scarf kasi yan. Last pair na nga lang yan e kasi ang dami bumibili samin ng couple scarf kasi swerte daw scarf namin dito. Sabi nila kasi mas nagtatagal daw relasyon nila nung bumili sila dito kaya mabilis itong maubos." Pagpapaliwanag ng nagtitinda. "Bawat couple scarf namin dito e may tagpipiraso ng hugis puso tapos sa every pair ay iba yung style nung puso kaya kung ipagtatabi mo yun tapos nagtugma yung hugis, yun na yung pares nya." dagdag nito
Tinanggal naman namin yung scarf mula sa leeg namin tapos tiningnan kung pair nga yung samin. Idinikit namin yung scarf at nakitang nagkatugma nga yung style nung puso. Bigla akong nailang kasi bakit ba ito yung kinuha ko, hindi ko naman alam na pang couple to. Isusuli ko na sana nang...
"Magkano po lahat?"tanong ni Hideo sa kanya kaya nanlaki ang mga mata ko. Napangiti naman ang tindera habang nakatingin samin.
"Pero alam nyo ba kung ano yung mas maganda? Pwedeng ititinda ko to o ibibigay bilang regalo itong paninda ko sa mga costumer na nakikitaan ko ng positibong hinaharap sa kanilang relasyon." sabi nung nagtitinda habang naka ngiti parin samin. Kumuha naman sya ng paper bag na pang regalo talaga tapos tinupi yung scarf at inilagay sa loob saka ibinigay saamin at agad naman itong tinanggap ni Hideo.
"Ibibigay nyo po to?" tanong ni Hideo at tumango naman yung ale tapos nag thumbs up.
"Uhh.. pero Hideo-" hindi ko na natapos kasi inakbayan nya ako at...
"Salamat po, tatandaan ko po yung sinabi nyo." napatingin agad ako sa kanya. Ano ba yung gusto nyang iparating? Ano ba tong pinapakita nya? Nakikipag laro ba sya? Alam nya namang wala kaming relasyon pero tinanggap nya parin to, papano nako hindi kikiligin nito? Tapos pano naman tatagal relasyon namin e hindi nga kami mag jowa in the first place. Napasimangot nalang ako kasi hindi ito yung unang beses na ginawa to ni Hideo tapos hanggang salita lang lahat, pagkatapos nito, babalik sa dati lahat na friends lang talaga kami. Ano ba, napaka sakit umasa! Hindi ba to uso sa mundo nyo? Hayst! "Saka meron pa pala kaming kasama, dalawa, bibilhan din namin para hindi rin sila malamigan."
"Babae't lalake ba?"
"Opo. Parang aso't pusa nga po e, palaging magkaaway." sagot naman ni Hideo at natawa.
"Ay teka lang! Ito oh! Ito ibigay nyo sa kanila." tapos may ipinakita sya saaming dalawang scarf din
"Akala ko po ubos na yung pang couple? tapos hindi rin po sila magjowa." sabi ko at tumawa ng napaka ilang.
"Hindi ito pang couple, pero bagay ito sa kanila. sa sitwasyon nilang dalawa, eto kunin nyo pero this time, may bayad na ito." ngumiti naman sya ng nakakailang din. Tumango naman si Hideo at kumuha ng pera sa wallet ni Ion.
"Eto po bayad. Salamat po! Alis na po kami!" pagpapaalam ni Hideo at umalis na rin kami.
Medyo malayo-layo dito pinark yung sasakyan kaya linubos ko muna yung time na naglalakad kami dalawa. Habang naglalakad hindi ko maiwasan mapa tingin sa paligid. Bakit naman kasi napaka gwapo nitong kumag nato at lahat ng babae na dumadaan ay napapatingin sa kanya tapos may harot harot pang nalalaman, sarap pektusin e!
"Ouch!" Napa hinto naman kami kasi may babaeng nabangga kay Hideo at agad nya itong tinulungan. Itinaas ko naman ang uppper lip ko dahil alam kong sinadya nya yun. Haliparot talaga, kagatin kita dyan e! "Hala kuya sorry! Natapilok lang po sa heels ko." sabi nya at inayos buhok nya tapos nagpa bebe. Pansin ko naman mga kasama nya sa likod na nag vivideo tapos tumatawa ng patago. Nag kunchabo pa talaga tong mga haliparot na to e! HUmanap kayo ng sarili nyong Hideo! Leshe naman e. Hanggang ngayon ay naka hawak parin si Hideo sa dalawang braso nya kaya napataas yung isang kilay ko. Ay ganern? Nag eenjoy? Hoy, Hideo, hindi kita pinapunta sa mundong to para humarot sa iba! Kakaloka ka!
"Mag suut ka nalang ng sapatos sa susunod kasi pamilihan to dito." sabi ni Hideo at ngumiti.
"Uhmm Kuya, pwede po ba magpa picture?" sabi nung kasama ng babae. Talaga naman ang kanyang alipores, ang lakas ng confidence.
"Hintay lang ako dun." sabi ko at pumunta sa gilid. Kahit naman anong galit ko wala naman akong karapatan na pigilan sya at mangialam kasi wala naman kaming relasyon. Napabusangot nalang akong nanunuod na pinag pepyestahan ng mga linta si Hideo.
"Told ya girls, Hindi nya yan girlfriend. He's too handsome kaya, no wonder hanggang friends lang sila." sabi nung isa pang haliparot. napakagat nalang talaga ako sa labi sa inis. Last ka nalang sasabunotan ko na kayo.
"Three shot po kuya ha? Hihihihi." tatabi na sana yung babaeng natapilok nang hinawakan sya sa braso ni Hideo upang pigilan. Nagulat naman ang babae at tumingin sa kanya. Si Hideo naman ay seryosong seryoso na nakatitig sa kanya na parang anytime ay susunugin niya ito sa mga tingin nya. "B-bakit p-po k-kuya? M-masakit po." nauutal na tanong ng babae. Halata naman dito ang pagkatakot at kahit ako ay kinabahan din. Halatang higpit ang pagkakahawak ni Hideo sa braso nya kasi napansin kong namumula sa gilid. Agad naman syang itinulak palayo ni Hideo at isinalo naman agad ng mga alipores nya.
Gulat na gulat parin ako sa ginawa nya at hindi ko napansin na lumapit pala si Hideo sakin at hinila ako papunta sa kanya tapos ako'y kanyang niyakap. Akala ko sobrang gulat ko na sa nangyari kanina, mas nakakagulat pala to.
Narinig ko na naman ang lakas ng t***k ng puso naming dalawa, grabe! Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Narinig ko naman ang mga babae na biglang bigla na parang hindi makapaniwala sa nakita nila.
"You must be kidding me." Sabi nung isa na mukhang mestiza.
Itinanggal na ni Hideo ang pagkakayakap sakin at hinawakan ang mga kamay ko sabay tingin ng matulis dun sa mga babae na agad nag iwas ng tingin saka hinila na ako paalis ni Hideo dun.
Hanggang ngayon ay hindi parin mag sink-in sakin ang ginawa nya kanina dahil napaka higpit ng yakap na yun e! Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil hindi parin bumabalik sa normal yung t***k nito habang hawak hawak parin ni Hideo yung isa ko pang kamay. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi napansing huminto sya kaya nabangga ako sa likod nya.
"Aray!"
"Ba't ka ba umalis kanina?" tanong nya sakin.
"Papa picture daw sila e, alangan naman pag bawalan kita kanina? Jowa ba kita? Tapos ba't nangyayakap ka nalang bigla ng walang pasabi ha? Ako parin may ari ng katawan ko kaya wag ka basta nanghihila tapos nangyayakap!" I said then rolled my eyes and pushed him a little bit so he'll walk.
Lutang na lutang parin ako kasi hindi parin ako maka get over sa nangyari kanina. Ba't nya yun ginawa? Ano ba ibig sabihin nya dun? Bakit nya ba ako niyakap pagkatapos sabihin nung babae na di nya ko girlfriend? Aysh! Hideo, napaka hirap mong basahin!
Humakbang pa ako ng bigla akong nadulas. Anak ng...
"AAAAAHH" sigaw ko agad pero yung pangamba kong unti-unti akong babagsak sa sahig ay nawala nung agad nahawakan ni Hideo ang kamay ko. Agad nya naman akong ipinatayo at binitawan. Tumakbo na talaga sa isip ko na hihilain nya ako tapos hahalikan e, gaya nung nangyayari sa mga palabas. Apaka isip bata ko naman para mag isip na mangyayari talaga yun in real life. Pfft! Nabitin ako dun ah.
"S-salamat..." I said then smiled awkwardly. I was about to walk when he suddenly wrap his arms around my waist and he firmly pulled me against his. My eyes widened open but couldn't understand what's happening.
The time his warm, soft lips touch mine, my mind went competely blank. I'm feeling like a statue and feel like everything around us melt away. Is this even possible? Time stops when we kiss? It feels like there is an internal firework display and butterflies on my stomach fluttered in it.
High na ba ako? Pero wala akong naalala nag take ako ng drugs. Hallucination ba to? But why do it feels so real?
He suddenly smiled and tapped my head, leaving me on that spot like nothing happened.
"Panagutan mo to." I whispered.