bc

His Forbidden First Love (R-18)

book_age18+
52
FOLLOW
1K
READ
revenge
HE
second chance
arrogant
boss
heir/heiress
bxg
city
office/work place
enimies to lovers
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Jenievive Rory Quintero never believed in forever. Para sa kanya, love was nothing but a beautiful lie. Something that destroyed her mother and left her with nothing but unanswered questions, a stolen inheritance, and a family she wanted to see burn.

At twenty-two, she learned how to survive on her own. Until one night, she met Cole Lagdameo, a powerful, wealthy man who offered her something simple: a secret arrangement with no strings attached.

No promises.

No commitment.

No questions.

Just Cole calling whenever he wanted her company, and Jenievive agreeing because she knew exactly where their relationship began and where it would end.

For one year, they kept it that way.

They knew almost nothing about each other's lives. Cole knew her only as the mysterious woman who always came when he called. Jenievive knew him only as the rich, dangerously charming man who could afford to keep their arrangement private.

They never talked about love.

They never planned a future.

Until Cole suddenly told her,

“This will be the last time. I'm getting married.”

Jenievive simply smiled and let him go.

Because she never expected Cole Lagdameo to choose her.

She never expected to miss him.

And most of all, she never realized that somewhere between those secret meetings and stolen moments, she had already fallen in love with him.

Then she returned to Nueva Ecija for one reason:

Samantha Quintero, her half-sister, was getting married.

For years, Jenievive had been waiting for this day.

Because Samantha's wedding wasn't just a celebration.

It was the perfect opportunity to finally take back everything that had been stolen from her—and uncover the truth behind her mother's mysterious death.

But the moment Jenievive walked into the family dinner, her carefully planned revenge came crashing down.

Because the man standing beside Samantha wasn't a stranger.

It was Cole.

The same Cole who had told her they were finished.

The same man she had spent a year pretending meant nothing to her.

And now…

he was about to become her brother-in-law.

Cole doesn't know that the woman sitting across the table is the secret lover he left behind.

Jenievive doesn't know if she can continue pretending she doesn't love him.

And neither of them knows that Samantha and Sally are hiding secrets that could destroy the entire family.

Because sometimes, the most dangerous love isn't the one you weren't supposed to have.

It's the one you already had before you realized it was love.

And three years later, when Cole finally discovers the truth…

he will come back for his first love.

But this time, Jenievive may no longer be willing to let him have her heart.

chap-preview
Free preview
The Calling Card
Matagal nang nakatitig si Rory sa maliit na itim na calling card na hawak niya. Paulit-ulit niyang binabasa ang pangalan na nakaukit doon. Cole Lagdameo. Sa ilalim noon ay isang phone number at sa taas naman ang pangalan ng company kung saan ito nag tatrabaho. Hindi siya familiar sa uri ng tao si Cole pero ayon sa manager niya kilala ang pamilya Lagdameo dito sa Pilipinas isa sa mga pinakamayayamang angkan na tinitingalan ng marami. Huminga siya ng malalim. Simple, malinis at walang logo ng kumpanya, walang employment title sa pangalan nito, walang kahit anong indikasyon kung gaano kayaman ang may-ari ng card. Pero para kay Rory, parang napakabigat nitong hawakan dahil sa itim at ginto nitong kulay. Ilang minuto na niyang iniikot sa pagitan ng mga daliri niya. Minsan, inilalapit pa niya sa mukha niya. Minsan naman, ibinababa niya sa kandungan niya na para bang gusto na niyang kalimutan kung paano ito napunta sa kanya. Pero sa huli, muli niya itong tinitingnan. “Anong klaseng offer ba naman ’yon? Di ko alam kung binabastos ba niya ako o ano?" bulong niya na napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung maiinis siya kay Cole o matatawa sa pagiging diretso nito. Bed warmer. Iyon mismo ang tawag nito sa offer kanina. Hindi girlfriend, hindi mistress, hindi employee kundi malinaw na Bed warmer. At kung hindi pa sapat ang absurdity ng proposal nito, napaka-seryoso pa ng mukha ni Cole habang ipinapaliwanag ang lahat. Para bang normal lamang ang ginagawa nito. Pero bago pa niya isipin ang offer, bumalik sa isip niya ang nangyari ilang oras lamang ang nakalipas. Kung hindi dumating si Cole sa tamang oras, hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyari sa kanya. Tatlong lasing na lalaki sa loob ng isang VIP lounge nila, mag dadala lang sana siya ng bills ng bigla siyang hilahin ng isa at inihiga sa sahig. Soundproof ang bawat VIP room kahit umiyak, sumigaw at magwala siya roon walang makakarinig sa kanya unless may bigla nalang papasok. Hindi niya gustong alalahanin ang takot na naramdaman niya, pero grabe yung inabot niya akala niya matutuluyan siya. May isang lalaking naka sakay sa ibabaw niya, ang isa naka hawak sa dalawang braso niya, ang isang lalaki ay nasa paanan niya at pigil din ang mga binti niya. Mabilis siyang pumikit at ipinilig ang ulo at pinilit kalimutan ang nangyari. Pero malinaw niyang na naaalala ang biglang pagdating ni Cole. Malamig ang boses nito. Mapanganib ang tingin at sa unang pagkakataon, nakita niya kung gaano kaseryoso ang isang lalaking karaniwang mukhang walang pakialam sa mundo. Nailigtas siya nito. At pagkatapos noon, hinatid siya nito pauwi. Doon nito ibinigay ang calling card. Pero hindi iyon ang unang beses na nagkita sila. Noong una, sa isang stag party, ilang buwan na ang nakakalipas. At hindi rin maganda ang naging unang impression niya rito. Lasing si Cole noon. At sa kalasingan nito, binastos siya na awat lang ito ng mga kasama. Pero later on humingi din naman ito ng sorry ng mahulasan yun nga lang mukhang hindi ito sanay na tinatanggihan kaya pinasok na siya nito sa dressing room kung saan siya nagbibihis. Nang makita niya ang lalaki, agad siyang nagalit. Natural. Hindi niya pinakinggan ang paliwanag nito. Hindi niya pinansin ang paghingi nito ng tawad. Binigyan pa niya ng mag-asawang sampal, she was furious. Kahit alam ni Rory na wala naman itong balak na masama sa kanya gusto lang nitong mag sorry, yun nga lang mainit na ang ulo niya. Kahit wala itong masamang intensyon, hindi pa rin niya ito pinatawad agad. Sa isip niya noon, isa lang itong mayabang at lasing na mayamang lalaki. Na nakukuha ang gusto, kaya nang magkita silang muli sa club, hindi niya inakala na matatandaan pa siya nito. Mas lalo niyang hindi inakala na mapagkakamalan na naman siya nito. Prostitute. Napapikit si Rory. Cashier lang naman siya. Iyon lang. Hindi siya entertainer. Hindi siya escort. Hindi siya nag-aalok ng kung ano mang serbisyo sa mga customer. Pero dahil sa club na pinagtatrabahuhan niya, madalas siyang mapagkamalan. At kahit gaano pa niya ipaliwanag ang sarili niya, may mga lalaking hindi marunong rumespeto. Kaya nang sabihin ni Cole kanina na umalis na siya sa trabaho niya, hindi niya agad ito sinagot. “You should leave that place.” Iyon ang unang sinabi nito matapos siyang ihatid sa apartment niya. Napakunot-noo siya. “Bakit?” “Because you're going to get yourself hurt.” “Cashier ako.” “I know.” “Hindi naman ako gumagawa ng masama.” “I know that too.” Diretso ang tingin ni Cole sa kanya. “But that doesn't mean other people will treat you properly.” Wala siyang naisagot. Dahil alam niyang may katotohanan iyon. Minsan, kahit wala siyang ginagawa, may lalapit na customer. May manghihipo. May mag-aalok ng pera. May magbibiro nang malaswa. At ngayong gabi, muntik nang lumampas sa lahat ng iyon. “Mag-aral ka na lang.” Napatingin siya rito. “What?” “I'll pay for your education.” Hindi niya agad naproseso ang sinabi nito. “Bakit mo gagawin ’yon?” “Because I can.” Napailing siya. “Hindi ako humihingi ng tulong.” “I know.” “Then why?” Hindi agad sumagot si Cole. Then came the catch na inaasahan na ni Rory dahil walang matinong tao ang magbibigay ng tulong na walang kapalit. “You work for me.” “Sa company mo?” “No.” “Then saan?” Tinitigan siya ni Cole nang diretso. “At my penthouse.” Napakunot ang noo niya. Hindi pa rin niya alam kung saan papunta ang usapan. Hanggang sa sinabi nito nang walang paligoy-ligoy. “I want you as my bed warmer.” Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya agad nakapagsalita. Kung ibang lalaki ang nagsabi noon, malamang umigkas na ang binti niya at durog ang itlog nito sa kanya. Pero si Cole? Hindi ito tumatawa. Hindi rin siya nang-aasar. Hindi nangbabastos, seryoso talaga at mas lalo siyang nabigla nang ipaliwanag nito ang arrangement. Whenever he wanted her, he would call. Pupunta siya sa penthouse nito. Hindi sila magsasama sa iisang bahay. Walang relationship. Walang commitment. Walang expectations. Walang contract at higit sa lahat, walang feelings. Ten thousand pesos kada pagpunta niya at tawag nito sa kanya para pumunta sa penthouse at gawin nila ang gusto nito. Bayad iyon para sa arrangement na iyon. Walang kontrata. Walang ibang babae na kailangang makialam. Walang lalaking dapat na sumingit sa pagitan nila at ayaw raw ni Cole ng palipat-lipat na babae. “I don't want different women every night,” sabi nito. “So gusto mo ng permanenteng kasama?” “No.” “Then what?” “You.” Napakurap siya. hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o kilabutan. “You want me to be your... bed warmer?” “Yes.” “That's insulting.” “I'm not trying to insult you.” “Then what are you trying to do?” “Make an arrangement that works for both of us.” Napatahimik siya. At mas lalo siyang natigilan nang sabihin nito ang final conditions. Matatapos ang arrangement kapag may isa sa kanila na nagpakasal. Until then, iyon lang sila. Secret. No one would know. Hindi siya kilala ni Cole sa labas ng arrangement. At hindi rin niya kailangang malaman ang personal na buhay nito. They would only know each other whenever Cole called. That was it. Simple. Malinaw. Walang komplikasyon. At higit sa lahat, bawal ma-fall. Napatingin si Rory sa calling card. "Don't hurt your feelings, think about it." iyon ang huling sinabi ni Cole sa kanya. “Practical lang,” bulong niya. Hindi naman siya umaasa kay Cole. Hindi naman niya mahal ang lalaki. At lalong wala siyang pangarap na maging girlfriend nito o mag mahal ng lalaki. Ang kailangan niya ay pera. Kailangan niyang makaalis sa club. Gusto niyang makapag-aral. Kailangan niyang makapag-ipon at balang araw, kailangan niyang makabalik sa Nueva Ecija. May unfinished business siya roon. May mga tanong tungkol sa kanyang ina na hindi pa nasasagot. May mga taong hindi pa niya nakakalimutan at may isang pangakong ginawa niya sa sarili. Maniningil ako kahit anong mangyari, maghanda kayo. Kaya kung ang kapalit ng kinabukasang gusto niya ay isang arrangement kay Cole Lagdameo... Maybe it wasn't such a bad deal. She looked down at herself. Then at the calling card. Mas mahalaga ba ang virginity niya kaysa sa kinabukasan niya? Sa panahon ngayon? Hindi na din siguro. Pero alam niyang mas mahalaga sa kanya ang makawala sa club. Mas mahalaga ang pera. Mas mahalaga ang pag-aaral. At kung kailangan niyang piliin kung sino ang unang pagkakatiwalaan niya... Napangiti siya nang bahagya. “At least si Cole.” Gwapo, mabango amoy downy, mayaman at mukhang alam na alam nito kung ano ang gusto nito. Walang false promises. Walang panliligaw. Walang pagpapanggap na mahal siya. Purely an arrangement. That was all. Kaya siguro hindi ganoon kahirap tanggapin at pag-isipan. Huminga siya nang malalim. Kinuha ang cellphone niya. Tinitigan niya ang numerong nasa calling card. Ilang segundo siyang nagdalawang-isip. Then she finally typed the number. Nag-ring ang phone nito ng ilang beses bago nito sinagot. Agad niyang narinig ang mababang boses ni Cole. “Changed your mind?” Napapikit si Rory. She could still walk away. Pwede pa niyang ibaba ang tawag. Pero naalala niya ang club. Ang mga lalaking hindi marunong rumespeto. Ang takot na naramdaman niya kanina. At ang buhay na gusto niyang magkaroon. Kaya sa halip na umatras, mahina ngunit malinaw niyang sinabi— “Yes.” Sandaling katahimikan. “I'll take your offer.” Hindi niya alam na sa sandaling iyon, isang simpleng arrangement lang ang tingin niya sa lahat ng ito. Hindi niya alam na ang lalaking nasa kabilang linya ay unti-unting magiging bahagi ng buhay niya. At lalong hindi niya alam na ang kasunduan nilang walang feelings, walang commitment, at walang future… ang magiging simula ng pinakamapanganib na pag-ibig na hindi niya kailanman binalak. Because sometimes, the person you agree to love for nothing… becomes the person you can no longer afford to lose.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
833.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
385.8K
bc

Not just, the Beta

read
362.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook