“No. Walang kasalanan ang kapatid ko.” Huminga siya nang malalim na akala mo hinang-hina pa. “Ayoko na ng gulo.” Napatingin siya sa bintana ng kuwarto. “I just want a quiet life.” At pagkatapos ay marahan siyang ngumiti na tumingin sa mga pulis. “I want to become Mrs. Cole Lagdameo.” Sa paningin ng lahat, para siyang isang babaeng piniling magpatawad sa taong nag kasala. Isang babaeng ayaw nang makipaglaban dahil na papagod na ito. Ngunit walang nakakaalam kung ano ang tunay na laman ng isip niya. Samantala, sa Lagdameo residence, nakarating na sa kanila ang balita na gising na si Samantha at imbis na mag madali si Cole na puntahan si Samantha, wala siya sa mood na bumiyahe pabalik ang Nueva Ecija. Dahil ipinatawag siya ng Lolo niya sa mansion ng mga ito at may pag-uusapan daw sila

