“You.” Nawala ang ngiti ni Rory habang nakatingin sa kanya. At sa isang iglap, bumalik sa isip ni Cole ang lahat ng sinabi ni Ava, noon ng umiiyak itong tumatawag at may nakuha daw itong baby. She left the baby in a trash bin. In the middle of a snowy day. I took the baby. The DNA confirmed he was yours. At ngayon... Nakatayo sa harapan niya ang babaeng iyon na parang walang nangyari. Parang wala siyang iniwang sanggol. Parang wala siyang tinalikurang sariling anak. Parang hindi nito itinapon ang kanilang baby, ilang beses niyang sinigurado kung si Rory ba talaga ang nakita nito. Umoo ito kaya on instant lumipad siya papuntang US para tingnan kung totoo ang sinabi ni Ava. Walang CCTV sa lugar pero ng ipa-DNA test niya ang bata noon, positive na anak nga niya ang sanggol. At walang ibang

