Tahimik na nakahiga si Rory sa kama habang pinagmamasdan si Cole na nagbibihis. Frist time na maagang natapos ang session nila ngayon. Normal umaga na natatapos si Cole sa kanya, talagang nagsasawa ito sa kanya na para bang hindi every other day sila nag se-s*x. Noon una menstration period lang pahinga niya sa loob ng isang buwan pero sapol ng papalitan ni Cole ang pills niya ng injectables hindi na siya dinatnan ng buwanan dalaw. Sa pills kasi nahihilo siya madalas kaya nag-alala si Cole ng una sa side effect kaya nag pa appointment sila sa OB noon at pinapalitan ni Cole.
Mula noon kulang nalang araw-araw na siya nito, napapahinga lang siya kapag may out of town ito or out of the country. Minsan naman kapag kaya nito, nauwi agad ito at sa kanya agad didiretso para ito adik na adik sa kanya. Wala naman siyang sinasabi at wala din itong sinasabi kaya hinahayaan nalang niya since nagkakapera siya naman siya at mabilis siyang yumaman dahil sa kalibugan nito. At kung tutuusin nakakalungkot din isipin na tapos na sila wala na ang ATM machine niya.
Hindi niya maiwasang mapakunot-noo habang pinag mamasdan ito. First time niyang nakita itong ganito kabilis matapos ang isang gabi nila. Karaniwan, inaabot talaga sila ng umaga bago tuluyang tumigil si Cole. Parang sinusulit nito ang bawat sandali ng arrangement nila, bagay na hindi naman niya kailanman inirereklamo. Trabaho niya iyon, bayad ang bawat ungol at minuto ng araw niya kaya walang dahilan para mag reklamo siya.
Pero ngayon? Biglang nagbago ang lahat dahil lang sa isang bagay. Magpapakasal na raw si Cole. Napatingin siya sa kisame. Ano ba ang akala nito? Ano bang gusto nitong reaction niya? Pipigilan niya? Aagawin niya? Magmamakaawa siya? Ni hindi nga niya alam kung sino ang mapapangasawa nito. At higit sa lahat, wala siyang dahilan para pakialaman iyon. Kung tutuusin, dapat pa nga siyang magpasalamat kay Cole. Hindi naman siya galit. Hindi siya nasaktan. Nabubuwisit oo dahil of all time talaga naman during nag sesex sila nito sinasabi habang sobrang sensitive pa niya at nasa loob pa niya ito at nararamdaman ang pag pitik ng alaga nito tapos sasabihin nitong ikakasal na ito. Nakakawala ng gana sa totoo lang.
And beside lalong hindi siya naghihintay ng happily ever after sa pagitan nilang dalawa, isang arrangement lang naman ang meron sila. Malinaw iyon sa kanya mula sa simula palang at hindi siya lumampas sa kahit anong boundary na sinet ni Cole para sa kanya. Tinatanggap niya ng maluwag dahil malinaw lang din ang goal niya, kailangan niya ng pera at si Cole ang nag bibigay nun. Yung mga materyal na bagay na binigay nito sa kanya hindi niya hiningi yun kusa nitong ibinibigay alangan naman tangihan niya. At lahat iyon katawan niya ang kapalit ang galing niya sa kama.
At ngayong tapos na iyon, tapos na rin. Kaya habang abala si Cole sa pagbibihis, tahimik lamang siyang kumuha ng bubble gum mula sa bag niya. Inalis niya ang wrapper at isinubo iyon parang wala lang. Maya-maya, nagsalita si Cole.
“Don't call me from now on.” Napatingin si Rory sa kanya habang tinutupi ang balat ng bubble gum.
Anong raw? Don't call me from now on. Muntik na siyang matawa.
Tawagan? Kailan ba niya iyon ginawa? Sa buong isang taon, ni isang beses ay hindi niya tinawagan si Cole nang hindi ito ang unang tumatawag. Hindi siya nagte-text, hindi siya nangungulit, hindi siya humihingi ng pera, hindi siya nagpapapansin. Kapag tumunog ang phone niya at pangalan ni Cole ang lumitaw, saka lamang siya pumupunta kapag inutos nito. So technically… Wala namang kailangang ipagbawal.
“Okay,” sagot niya.
“I'll be getting married.” inintay pa ni Rory kung may kasunod pero wala naman na kaya nagkibit balikat naman siya saka ngumiti.
“Then congratulations.” Dalawang salita lamang ang binitawan niya pero parang lalong naging malamig ang hangin sa loob ng silid at nagiba ang timpla ni Cole, napatingin sa kanya ang binata, matagal na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Salubong ang kilay at kunot ang noo. Ang mata nito parang may hinihintay pero wala siyang ibinigay. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong marinig.
Congratulations? Iyon lang naman ang dapat sinasabi sa isang taong ikakasal na, kailangan ba may wishes pang kasama? Ano pa ba? Hindi naman siya invited sa kasal. At hindi naman siya ang bride. Kaya wala siyang dahilan para magdrama. Tumayo si Cole after mag suot ng sapatos at kinuha ang wallet niya. Pagkatapos ay kumuha ito ng ilang perang papel at biglang ibinato sa kama.
Napatingin si Rory sa pera na sumabog sa bedsheet na magulo at may bakas pa ng mga katas nila kanina.
₱10,000. Normally, maayos iyong inaabot sa kanya ni Cole sa tuwing matatapos sila ng session. Minsan, may kasamang halik sa noo o minsan iisang round pa. Minsan naman, isang simpleng “See you again tomorrow.”
Ngayon? Ibinato nito na parang bayad sa isang ordinaryong serbisyo. Nagmukha siyang p*kpok sa ginawa nito. Napakurap siya saka huminga ng malalim at pinilit kalmahin ang sarili, nakakahiya naman murahin pa niya ito dahil sa ginawa nito.
Well… Technically, iyon naman talaga iyon. Pero may pagkakaiba. Hindi siya prostitute. Hindi siya nakatayo sa kalsada para mag-alok ng sarili sa kung sino mang may pera. May arrangement sila. May choice siyang tumanggi at sa isang taon, hindi siya kailanman tinrato ni Cole na parang isang bayaran na babae. Oo, nag sesex sila, gumagamit sila ng mga s*x toys to spice up. Kung ano-anong posisyon na ginawa nila. Minsan nagiging sobrang wild nilang parehas pero pareho nilang gusto yun walang bastusan na nagawa? Nag papaalam si Cole kapag may gusto itong subukan, kapag may gusto itong ipagawa sa kanya at malaya siyang pumayag at minsan tumatangi din.
At ngayon lang nangyari na ibinato nito ang pera sa kanya. Kaya nakaramdam siya ng kaunting inis pero nilunok niya iyon dahil Last day na rin naman nila. Saka marami siyang pera dahil kay Cole, magagawa na niyang buksan ang kaso para bawiin ang lahat ng ari-arian na dapat sa kanya. At wala nang saysay ang pakikipagtalo pa siya. Bumangon siya at isa-isang pinulot ang pera, hindi na niya inalintana ang kahubaran niya. Wala siyang sinabi ni hindi niya tiningnan si Cole. Pagkatapos niyang ayusin ang pera sa bag niya, akala niya tapos na pero bigla niyang naramdaman ang paghila sa buhok niya. Napalingon siya.
“Cole?” Hindi naman masakit. Nagulat lang siya na ginawa yun ni Cole para lang humarap siya rito. Hinila siya nito hanggang makatayo sa harapan nito. Malamig ang mukha nito pero kita ang galit sa mga abuhing mata nito.
“Make sure we never cross paths again. I want you gone—completely and permanently.” Napakunot-noo si Rory.
“My future wife is a hundred times better than you.” Napataas ang isang kilay niya, gusto niyang mag mura pero muli nagtimpi siya.
“Good for you.”
“And I don't want her finding out that I slept with a woman like you.” Sandaling natahimik si Rory. Then she laughed. Hindi malakas. Hindi rin sarcastic. Simple lang saka tumango-tango na bahagyang itinulak ito sa dibdib nakawala naman siya rito at binitawan siya sa buhok. Isa-isa niyang dinampot ang damit niyang nasa sahig na gusot-gusot na.
“A woman like me?” Tinitigan niya si Cole habang nag bibihis na din.
“Anong klaseng babae ba ako?” Hindi niya alam kung anong iniisip nito. Sa pagkakaalam niya, wala naman siyang mahabang listahan ng mga lalaki sa buhay niya. Actually… Isa lang at ang lalaking iyon ay ito mismo. Pero hindi niya na iyon sinabi. Wala rin siyang pakialam kung ano ang tingin nito sa kanya. Kung gusto nitong isipin na kung sinu-sino ang mga lalaki niya, bahala ito.
Hindi naman niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya.
“Okay,” sabi na lang niya, simple, walang emosyon, sakto namang tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya sa screen.
May tumatawag napangiti siya ng makita ang pangalan na rumihistro sa screen. At dahil inis pa rin siya sa sinabi ni Cole, hindi niya napigilang magsalita.
“Excuse me. Sagutin ko lang muna ito importante kasi ito." Humakbang siya palayo. Pagkatapos ay napangiti nang bahagya at sinagot ang tawag. Saglit siyang nakipag-usap ng ilang minuto saka napatingin siya kay Cole ng matapos ang call.
“By the way…” Huminto siya sandali.
"Since tapos na tayo, wala naman na akong lalabagin na rules ng agreement natin, naging faithful and loyal naman ako sa loob ng 1 year, since tapos na tayo. I think I have a new sugar daddy.” Biglang nagbago ang ekspresyon ni Cole, mabilis na tumaas ang kamay nito parang isang segundo na lamang at sasampalin na siya nito. Napaatras nang bahagya si Rory pero hindi iyon na itinuloy ni Cole.
Sa halip, mariin nitong ibinaba ang kamay, kinuha ang jacket nito at mabilis na naglakad palabas. Sumara ang pinto at tahimik siyang naiwan. Napatingin si Rory sa pintuan then she shrugged.
“Grabe ang drama naman niya ” Binalingan niya ang cellphone niya at nag text. Hindi niya alam kung bakit parang galit na galit si Cole. Hindi naman niya kasalanan kung may bago siyang sugar Daddy, pero syempre joke lang naman yun. Tapos muna siya sa stage ng landian, it's time to revenge. Mag fofocus muna siya sa original goal niya, wala muna siyang panahon sa lalaki. Ipapahinga muna niya ang katawan lupa niya sa s*x. At si Cole bahala na ito sa ka artehan nito, hindi naman sila magkasintahan. Hindi naman sila nagmahalan at higit sa lahat…
Tapos na sila, gaya ng usapan. Isang taon. Isang arrangement. Isang lalaki at sampung libong piso bawat pagtatalik nila kada araw. Iyon lang sila, walang dapat pagsisihan, walang dapat iyakan, walang dapat balikan. Kinuha niya ang bag niya at isinukbit iyon sa balikat. Bago siya lumabas ng silid, sandali siyang napahinto. Napatingin siya sa lugar na iyon. Isang taon siyang pumupunta roon. Bawat sulok ng buong penthouse ni Cole may bakas ng alala ng mga intimate and wild scene nilang dalawa. Walang lugar ng penthouse na iyon ang nakaligatas sa kanila ni Cole. Isang taon siyang tinatawag ni Cole, isang taon siyang nasanay sa boses nito, sa presensya nito, sa mga simpleng bagay na hindi naman niya kailanman pinansin pero ngayong araw… Tapos na napangiti siya sa sarili.
“Goodbye, Cole Lagdameo.” Bulong ni Rory at tuluyan siyang lumabas ng penthouse. Hindi niya alam na sa kabilang bahagi ng gusali, si Cole ay nakasakay na sa elevator na mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao. Hindi rin niya alam kung bakit siya galit.
Hindi niya alam kung bakit nakakainis ang napakadaling “Congratulations” ni Rory. At lalong hindi niya alam kung bakit hindi niya matanggap ang idea na baka may ibang lalaki na talagang naka reserba ito at iniintay lang talagang matapos ang deal nila.
Ang alam lang niya siya lang talaga at sigurado siya doon. Pero ngayon nainit ang ulo niya parang gusto niyang maghamon ng suntukan. Dapat wala siyang pakialam dahil magpapakasal na siya at ang isang babae na gaya ni Rory ay dapat manatili sa nakaraan.
Pero bakit parang mas lalong ayaw siyang mawala sa isip niya?