Sandali lamang na nawalan ng malay si Rory, ilang segundo lang marahil. Dahil bago pa tuluyang makalayo ang tunog ng mga tao sa paligid niya, muli siyang nakaramdam ng bigat sa katawan at malamig na damuhan sa ilalim niya. Dahan-dahan siyang dumilat. nanlalabo pa ang paningin niya, ang unang nakita niya ay mukha ni Cole. “Rory?” Bahagyang kumurap siya. “Cole…” Napabuntong-hininga ang binata na para bang kanina pa nito pinipigilan ang paghinga. “God! You're awake.” Hindi agad nakasagot si Rory. Masakit ang katawan niya at may kung anong kirot sa likod niya mula sa pagkahulog. Ngunit higit sa lahat, ramdam pa rin niya ang mabilis na tbok ng puso niya. Nakaligtas siyang muli. Hindi pa man siya nakakapagsalita, isang malakas na boses ang umalingawngaw mula sa likuran. “What the hell happe

