Habang napatulala naman si Rory. Hindi siya makagalaw, hindi siya makahinga. Nakita niya ang dugo sa kanyang kamay at ang kutsilyong puno din ng dugo. Then she looked down ng tuluyan ng bumagsak si Samantha na duguan at bago tuluyang mawalan ng malay, tumingin ito kay Rory. "You will rot in jail." bulong nito saka maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi nito na parang sinasabi pa nito na—. Got you sis. “Sam?” Walang sagot. “Samantha!” Isang malakas na sigaw mula sa likuran niya ang narinig niya. “No! No! No! Samantha!” bumagsak sa sahig si Sally at malakas na umiyak na binuhat ang ulo ng anak habang nag sisigaw ng tulong. "Rory." Napalingon si Rory at doon nakita niya si Cole na nakatingin sa kutsilyong hawak niya. Nakatayo ito sa entrance ng hallway. Nawala ang kulay sa mukha niy

