How could he do that? How could he betray her like that? Tumulo ang luha ni Rory. Hindi niya kailanman nagawang patawarin ang kanyang ama para roon. At marahil iyon din ang dahilan kung bakit napakalalim ng galit niya sa pamilyang iyon. Hindi lamang dahil sa pera. Hindi lamang dahil sa hacienda. Kundi dahil sa pakiramdam na ninakaw sa kanyang ina ang dignidad na dapat ay ipinagtanggol ng kanyang ama. Ang kabataan niyang na sira sapol ng iuwi nito ang kabit nito sa bahay nila at pinag sama ang dalawang babaeng hindi dapat magkasama sa iisang bubong. Napadilat si Rory nang may biglang sumigaw sa kabilang bahagi ng detention area. Nagulat siya, may kaguluhan, may mga yabag, may mga sigaw. Bago pa siya makapagtanong kung ano ang nangyayari, apat na preso ang mabilis na lumapit sa kanya. “H

