Prologue
DISCLAIMER: Read at your own risk! Bagamat lahat ng ito ay kathang-isip lamang, hindi po ito pambata o sa mahihina ang loob.
“ATE!!!”
“Aradelle, bumitaw ka na sa kapatid mo,”
“Ma, ayaw kong umalis si Ate,”
“Luis, yang anak mo! Dalhin mo na sa pagpasok at kailangan nang umalis ni Serena,”
Rinig na rinig at ramdam na ramdam ko na ang galit ni Mama pero hindi ko talaga kayang malayo kay Ates.
“Ate please! Wag mo kong iwan!” pagmamakaawa ko sa aking kapatid.
Paos na ang boses ko sa mahigit na isang oras na pagsusumamo na wag nang umalis si Ate.
“Aradelle,” sabi sa wakas ni Ate na diretso ang pagtulo ng mga luha. Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong mga kamay. “Si Ate, aalis kasi mag-aaral na ako sa malayo pero hindi naman ibig sabihin ay iiwan na kita at hindi na tayo magkapatid? Pag nagpakabait ka rin, susunod ka sa akin doon, eh di magkasama na tayo,”
“Ayaw ko magmadre,”
“Ara...ayaw mo bang samahan si Ate? Saka iyon ang gusto ni Mama, para maging masaya siya. Sige na, wag nang iiyak ha, wag nang malulungkot, tuwing linggo ay magkikita naman tayo,”
“Talaga?”
“Oo. Makikita mo ako pag may misa. Kaya ikaw magpakabait ka, ok? Siya tahan na,”
Tumango na lamang ako saka pinahid ni Ate ang mga luha ko.
Pinanood ko ang pag-alis ni Ate kasama ni Mama saka ako hinatid ni Papa sa school kung saan ako pumpasok ng elementary.
Pagbaba ay hindi ko na nilingon si Papa, diretso na ako sa likurang bahagi ng school kung saan ako tumatambay para mapag-isa.
Grade-5 na ako at malapit na matapos ang school year.
Pagdating sa likod ay nagtitisod na ako ng mga bato, hinampas-hampas ang malaking puno ng mangga sa galit.
Alam kong nagsisinungaling lamang si Ate. Sinabi niya lamang ang mga ‘yon para hindi na ako mapagalitan ni Mama.
“Ibigay mo ang baon mo!”
Napatigil ako sa ginagawa ko at hinanap kung saan nanggaling ang boses.
Nang makarating ako sa tapunan ng mga basura, natigilan ako nang makita ang isang batang lalaki na pinagsisisipa ng mga grupo ng mga batang lalaki.
“HOY!” sigaw ko.
Tumigil ang grupo ng mga lalaki at tumingin sa akin.
“Anong meron?” tanong ko.
“A-Ano Aradelle….”
Grabe ang takot sa mukha ng mga ito.
Ito ang isa sa mga biyaya ng nasa isang kilalang pamilya, wala pa mang ginagawa ay kinatatakutan na.
Tumigil ako sa harapan ng mga ito. Sabay humarap sa batang duguan na ang mukha dahil sa ang ilang bubog ng salamin nitong basag ay tumusok na sa kaniyang pisngi.
“Sino ka?” tanong ko rito sa batang lalaki na nakahandusay sa lupa.
“D—Devon…”
“Psh! Oh!” Hinugot ko ang limang daang piso na baon ko at iniabot sa mga hampaslupa na nasa harapan ko. “Akin na to.”
“H-hindi ka magsusumbong?” tanong nitong Lawrence, nakalagay sa ID niya.
Rovero. Ah! Ito siguro ang anak ng may pinakamalaking pananiman ng mais na abot hanggang ibang bansa ang pag-eexport.
“Bakit naman? Sige na umalis na kayo, ako ng bahala dito.”
“Sa-salamat, Aradelle!”
Pag-alis niyong Lawrence ay humarap na ulit ako dito sa Devon at inilahad ang kamay ko para tulungan siyang tumayo.
Kaso imbes na tanggapin ang kamay ko, pilit nitong itinago ang mukha sa sugatan nitong braso.
Napairap ako at bumuntong-hininga.
Ito ang sumpa kapag nasa isang makapangyarihang pamilya, kinatatakutan ka kahit na mabuti naman ang pakay.
“Tsk!” inis kong sabi at sinipa ito sa tiyan. Yumukyok ako sa harapan nito saka bumulong, “Ang mga kagaya mong mahihina, dapat nawawala na sa mundo.”
Umangat ang tingin nito sakin at tumitig naman ako sa mga mata nito.
Ang…ang ganda ng mga mata niya. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong mga mata.
“Alam mo ba, ang pinaka ayaw ko ay mahihinang tao!”
Pagkasabi ko niyon ay umalis na ako.
Pumasok ako sa first class ko at sa galit ay sinikap kong perfectin lahat ng seatwork at ako rin lang ang sumasagot sa mga tanong.
Kung may nagtatangka mang magtaas ng kamay ay tinatapunan ko agad ng nakakatakot na mga tingin.
Pagdating ng hapon ay tamad na tamad akong naglakad papunta sa gate. Kung pwede nga lang huwag nang umuwi ay gagawin ko para lamang di maramdaman na wala na si Ate sa bahay.
Habang naglalakad papunta sa gate, nakita ko na naman iyong Devon.
Pinanooran ko ito at pansin ko na wala itong sundo.
Paano to nakapasok sa school na ito kung mahirap siya? Ah baka anak ng taga linis rito.
“Tsk!” iyamot na ismid ko pagsakay ng sasakyan.
“Anak, kamusta ang araw?” alanganing tanong ni Papa.
“Ayos lang po,”
“Hindi ka na ba galit na umalis ang Ate mo?”
“Pa, uwi na lang po tayo,”
Pagdating sa bahay ay agad akong sinampal ni Mama.
“Dahil sayo, nalate ang Ate mo kanina, napahiya ako! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ang pinakaayaw ko ay mahihinang tao!”
Pagkasabi niyon ay umalis na si Mama at wala namang ginawa si Papa kundi ang tumingin lamang.
Tsk!
Tumakbo na ako sa kwarto at pinahid ang mga luha. Pilit ko itong nilabanan habang inaalala ang mga bilin ni Mama.
Nagtambay na lamang ako sa kwarto at walang ginawa kundi ang gumawa ng assignments at mag advance study.
Kinabukasan, maaga akong hinatid ni Papa sa pagpasok dahil marami raw aasikasuhin si Mama sa pangangampanya.
Pero habang nasa daan ay nakita ko iyong Devon na nagpapalinis ng sapatos sa isang matandang sapatero sa tabing kalsada.
Anong ginagawa ng magulang nito? Bakit pinababayaan siya mag-isa? Saka bobo ba to para hindi malaman na bawal makipag-usap sa mga matatanda? Sa mga di kakilala?
“Sige anak, mamayang hapon ulit,” paalam ni Papa nang ibaba ako sa may gate.
“Sige po,”
Pumasok ako pero nang makita kong nakalayo na si Papa ay bumalik ako sa may gate at inintay si Devon.
Sumandal pa ako sa may gate katabi ni Manong Guard na walang magawa dahil wala siyang palag, kundi ipapasibak ko siya.
“Oh, pang meryenda mo,” sabi ko at inabutan ito ng isang daan.
“Wag na,” sabi nito.
“Ayaw ko ng utang na loob,”
Humagalpak ito ng tawa, “Yong totoo? Matanda ka na ba talaga na nagkatawang bata lamang?”
Umirap ako rito at agad na umayos ng tayo nang makita iyong Devon na naglalakad palapit.
“Devon!” tawag ko rito at agad naman itong tumigil at yumuko.
Lumapit ako at matinding inis ang naramdaman ko nang makita na nilagyan lamang ng tape ang salamin nito at ang kabilang parte ng salamin ay butas.
“Anong trip mo?” tanong ko rito. “Nagpapaawa ka ba o sadyang nagpapapansin ka sa mga gustong mang-api ng mga kagaya mo?”
“Hindi mo ba ako sasaktan? Wala ka na bang sasabihin? Mauuna na ako kasi malilate na ako, may practice pa kami sa quiz bee,” sabi nito at naglakad na palagpas sakin.
Galit akong sumunod rito at nakitang nasa kabilang section pala ito at kasing taon ko lang pala ito.
Natigilan ako sa labas ng pinto ng room at ngumisi.
Dali-dali akong nagpunta sa principal’s office.
“Ms. Aradelle, anong meron?” tanong ng principal.
“Ilipat mo ako sa Section 5C,”
“ANO?!” napataas ang boses nito sa gulat pero kumalma rin naman agad, “Ahm, ano?”
“Sabi ko ilipat mo ako sa section 5C at kung maaari ay dapat hindi malaman nina Mama. Kung baga, doon ako papasok pero ang card ko 5A pa rin. Bilang kapalit, lalaban na ako sa lahat ng Quiz Bee,”
Nanlaki ang mga mata nito at hindi mawari ang mukha sa tindi ng gulong nararamdaman.
“Ano?” inip kong tanong rito. “O gusto mong malaman ni Mama na binibigay mo ang answer keys ng periodical exams kay Queenie para siya ang magtop. Though kaya ko namang magtop, nakikiusap lamang si Queenie dahil hindi naman niya kayang sauluhin ang mga sagot at maperfect ang exams!”
Nanlaki ang mga mata nito. “Aradelle!”
“Kaya nga Mam, madali akong kausap,”
Galit nitong pinindot ang telepono at di nga naglaon ay maganda ang ngiti kong pumasok sa room ng section 5C.
“Good morning class, may bago kayong classmate galing section 5A. Siya si Aradelle Mag—”
“Tama na yan Mam. Ok na po yon. Wala naman ho akong interes malaman ang mga pangalan nila kaya hindi na nila kailangan na malaman ang pangalan ko,”
Pagkasabi ko niyon ay naglakad na ako palapit kay Devon.
Kita ko ang panglulumo sa mukha nito.
“Tabi,” sabi ko sa babaeng katabi nito.
“P-pero, dito ako nakaupo,”
“Pwes ngayon hindi na. Kung papayag ka, sisiguraduhin kong magtatop 1 ka bago matapos ang taon,”
Agad itong tumayo at malugod akong naupo sa tabi ni Devon. “Hi.” Bati ko kay Devon.
Wala akong ibang ginawa buong klase kundi ang obserbahan itong si Devon.
Nakakainis ang pagmumukha niya pero hindi ko naman maunawaan kung bakit gusto kong malapit siya sa akin.
“Malabo ba talaga ang mga mata mo?” tanong ko nang magbigay ng quiz si Mam nang pumunta kami sa Quiz Bee room para magpractice ng mga questionnaires.
“Magsagot ka na lamang, sayang sa oras,” pabulong nitong sabi.
“Tara sa canteen, kakain,” sabi ko nang sumapit ang recess.
“Hindi, ok na ako. May pagkain naman ako,” sagot nito at inilabas ang sandwich at ilang biscuit.
Inagaw ko ang sandwich nito at mabilis na kinain.
“Sarap ah. Akin na rin ang biscuit mo,” sabi ko at inubos rin ang mga ito. “Ikuha mo akong tubig.”
Agad itong tumayo at sumunod.
“PSH! Bwisit!”
Nang mag-uwian ay mabilis ko itong hinablot.
“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Devon sa akin.
“Hindi naman kita papatayin,” sabi ko rito.
Isinakay ko ito sa kotse at laking gulat ni Papa.
“Anak, sino siya?” tanong ni Papa na halatang sabik ang boses. “Kaibigan mo anak?”
“Parang ganon na nga. Tara po sa bilihan ng salamin,”
Sa sobrang saya ni Papa ay wala pang bente minutos at nasa bilihan na kami ng salamin.
“O pili,” sabi ko pa habang naka cross-arms.
“W-wala akong pambili,”
“Alam ko, kaya nga sinama kita diba?”
“Ililibre mo ako?”
“Magtanong pa at magbabago na ang isip ko. Tandaan mo, tatlong segundo lamang ang pasensiya ko,”
Sumunod na lamang si Devon at nang lumabas ito mula sa loob kung saan nagchi-check up makalipas ang ilang minuto ay naroon na naman ang pagkabighani ko sa mga mata nito.
“Ang ganda pala ng mga mata mo,” bati ni Papa kay Devon.
Ngumuso ako at tumingin kay Papa. Aba at may balak pa ata kay Devon ito.
“Tara na! Pag yan, pinabayaan mong mabasag, sinasabi ko sayo, malaki ang sisingilin ko sayo,” bulong ko rito.
Nang makasakay kami sa sasakyan ay tahimik lamang si Devon.
“Iho, saan ka ba nakatira? Ihahatid ka na namin,” alok ni Papa kay Devon.
Tumingin ako rito at nagpakatungo-tungo na ito. “Wag na ho, nakakahiya na ho. Malayo ho ang bahay namin rito. Sa sakayan na lamang ho ng bus ako ninyo ibaba,”
“Ano? Nagbibiyahe ka sa bus ng ikaw lamang?”
Tumango naman itong si Devon. “Oo.”
“Wow! Ang galing mo naman,” puri ni Papa.
Tsk!
Binaba namin si Devon sa sakayan ng bus kagaya ng sabi nito at umuwi na rin.
***
Mabilis lamang na lumipas ang panahon. Ginulo ko ang buhay ni Devon sa abot ng aking makakaya.
Hanggang sa sumapit ang huling taon namin sa elementarya.
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na masaya ako na nakilala ko si Devon. Dahil sa kaniya, hindi ko masyado ininda ang pag-alis ni Ate sa bahay at ang gulo sa aming pamilya.
“Ayaw ko nga sumali,” pag-ayaw ko sa aking mga guro.
“Aradelle naman, saglit lamang ito. Pagtapos mo irepresent ang school, uuwi rin agad tayo? OK?”
“Ayaw ko nga diba? Sinabi ko naman sainyo na kung hindi kasama si Devon, hindi rin ako sasama?”
“Sumama ka na,” biglang sabi ni Devon na nakatingin na naman ng nakakalusaw sa akin. “Ipanalo mo.”
Ahhh! Bwisit!
“Pagbabayaran mo ito!” banta ko kay Devon dahil inasam ko na hindi na rin niya ako papasamahin pero hindi.
Tinraydor niya ako.
Nakatamuso akong sumakay sa kotse at pagdating sa school kung saan ako lalaban ay hindi ko na pinatagal pa ang laban.
Pinanalo ko lahat ng sinalihan kong quiz bees.
“Congratulation, Aradelle!” giliw at masayang-masaya na sabi ni Mam Gwenette.
“Psh! Babalik na akong school,”
“Dito ka muna, tatanggap ka pa ng award,”
“Tsk! Ikaw na lang ang umakyat. Sige na, papahatid na ako kay manong, pababalikan na lamang kita.”
Kita ko ang paglaglag ng panga ni Mam pero wala na akong pakialam.
Gigil na gigil talaga ako sa inis ngayon!
“Mam Aradelle, congrats!” bati ng driver ng school namin pagkasakay ko sa kotse.
“Ihatid niyo na po ako Manong sa school!”
“Ay, haha! Ibang klase ka po talaga mag-celebrate.”
Nang makarating sa school ay agad akong nagtungo sa kung saan ang tambayan nina Lawrence.
“Hoy!” tawag ko rito.
“Aradelle. Andito ka na agad. Nanalo ka ba?”
“Malamang! May iuutos ako,”
“A-ano yon?”
“Si Devon, bitbitin niyo sa hideout ko tapos bumili kayo ng cake at kandila. Ito ang pera,”
“Bakit anong meron? Magkasama sila ni Queenie kanina eh, tingnan ko,”
Nagpintig ang tenga ko nang marinig ang pangalan ni Queenie. “Basta dalhin niyo na lang! Wag mong tingnan!”
Naglakad na ako paalis at nagtungo sa aking hideout sa likod na may treehouse na si Devon mismo ang may gawa dahil utos ko.
Di nga naglaon at dumating si Devon na bitbit nina Lawrence. Hawak-hawak ni Devon ang cake at kandila.
“Oh umalis na kayo!” utos ko kina Lawrence at tinapon ang limang daang piso sa ibaba dahil tinatamad na akong bumaba.
“Salama Ara!”
Umirap na lamang ako at tumitig kay Devon. “Oh ano pang hinihintay mo? Umakyat ka na dito!”
Sumunod naman ito at agad na umakyat.
“Na—nalo ka ba?” takot na tanong nito pagdating sa taas.
“Malamang! Sinabi mo eh,”
“Sa-salamat,”
Umirap ako at ngumuso, “Wag kang magpasalamat, sisingilin pa kita.”
“Sorry...”
“Tsk! Ibaba mo yang cake at sindihan mo!”
Sumunod naman ito at halos di ako matingnan ako sa mukha.
“O ano? Anong sunod na gagawin mo? Batiin mo ako!”
“Ha-happy birthday, Aradelle,”
Unti-unting nawala ang inis ko.
“Kahapon pa kita sinabihan na birthday ko ngayon pero pinasama mo pa rin ako sa quiz bee! Nalimutan mo! Hindi mo manlang tinandaan!”
“Hi-hindi ko nalimutan,”
“O eh nasan ang regalo mo?!”
“E-eto oh,” kabang-kaba nitong sabi saka inabot ang maliit na kahon.
Hinablot ko ito at binuksan.
Ganon na lamang ang saya ko nang makita ang isang napakagandang bracelet.
“Isuot mo sakin,” utos ko rito.
Sinuot naman niya.
“Sige na, kumain na tayo,” sabi ko at naupo.
Umupo rin naman ito at kumain kami pero hindi rin naman naubos.
“Itapon mo na yan,” sabi ko pagka-inom ng tubig dahil sa sobrang busog.
Hindi talaga ako nag-umagahan para lamang makakain ng marami at makasalo si Devon ng maayos. Kaya talagang nag-init na ang ulo kanina.
“P-pwede bang iuwi na lang?” tanong ni Devon habang sinisinop ng ayos ang cake.
“Ikaw ang bahala.”
Pag-uwi ay ganon na lamang ang saya ko pero hindi iyon nagtagal nang ipatawag ako ni Mama sa kwarto nito.
“Ma, a-ano ho iyon?”
“Mag-impake ka na. Aalis na tayo,”
“Po? Saan po tayo pupunta?”
“Sa Carathia Dormitory. Doon sa pinag-aaralan ng Ate mo,”
“P-pero ho, may graduation pa po kami,”
“Pasado ka na at yon ang mahalaga. Baka maubusan ng slot kaya mas maiging maaga tayong makapagpalista,”
“MA! Gusto ko po dito mag-aral,”
“HINDI! Mag impake ka na! Wag mo akong gagalitin!”
Dali-dali akong tumakbo sa aking kwarto at tumakas sa bintana.
Ayaw ko umalis!
Nagtatakbo ako pabalik sa school kahit malayo. Alam kong hindi pa nakakaalis sa mga oras na ito si Devon.
Habang tinatahak ang daan pabalik sa school ay para namang sobrang malas ko nang bumuhos na rin ang ulan.
Pagdating sa school ay agad akong pinapasok ni Manong Guard na naging close ko na rin.
Hinanap ko si Devon at hindi naman ako nagkamaling nasa room pa nga namin ito at naglilinis.
“Devon!”
“A-Aradelle! Bakit basang-basa ka?”
“Sabihin mo, wag akong umalis!”
“Ha?”
“Sabihin mo, na ayaw mong aalis ako. Malulungkot ka!”
“Aalis ka? Saan ka pupunta?”
“Sa malayo. Hindi na ako mag-aaral dito,”
Imbes na sumagot ay kita ko ang mukha nito na tila umaliwalas.
“Napakasama mo,” galit na sabi ko at nagpupuyos na lumakad palapit sa kaniya.
Nabitawan nito ang dalang walis tambo kasabay ng pagpatay ng ilaw dahil sa lakas ng ulan at mga kidlat.
Nang makalapit ako rito ay nakasandal na ito sa pader.
“Masaya ka na aalis na ako?”
Tumango ito habang diretso ang pag-iyak, “Pakiusap lamang. Huwag ka nang babalik. Para matahimik na ang buhay ko.”
Huminga ako ng malalim at tumulo na ang mga luha ko. “Napakasama mo.”
Pagkasabi ko niyon ay sinuntok ko siya sa mukha, halos basagin ko na ang salamin na binigay ko.
Natumba na ito pero diretso pa rin ang sipa ko sa tiyan niya.
Umibabaw ako saka hinawakan ang mukha nito at kasabay ng malakas na kidlat, napatitig ako sa kaniyang mga mata na tila mas nalunod ako sa dala nitong kakaibang pakiramdam na para bang kumikinang sa liwanag na dulot ng kidlat.
Marahan kong inilapat ang mukha ko at hinalikan si Devon.
Nang bumitaw ako sa halik ay tinapunan ko siya ng lahat ng pera na laman ng wallet ko. “Magpagamot ka! Sana talaga hindi na magkrus ang mga landas natin kundi, pagsisisihan mo.”