Chapter 39

1838 Words

Kinabukasan ay maaga akong nagising at si Lucia pa lamang ang kasama ko. “Kailan ka pa narito?” tanong ko. “Paanong nandito ka?” Hindi naman ito sumagot kaya lumapit ako rito. “Si...Si Don Cartusio ba, kamusta? Si Ciane?” Nakita ko ang pagbabago ng mukha nito nang mabanggit ko ang pangalan ni Ciane at tinanggap na lamang na wala akong mapapala rito dahil imbes na sumagot ay naglakad na ito palabas. “Aradelle, oras na para sa iyong pag-aaral,” sabi ni Sister Jasmine makalipas ang isang oras na pananatili ko habang nakaupo sa kama dahil hindi ko naman makausap ng matino si Lucia. “Sige,” sang-ayon ko. Sa isang library ako hinatid ni Sister Jasmine at iniwan nang makapasok na ako. Huminga pa ako ng malalim nang maglakad ako patungo sa mesa kung saan ay natanaw ko ang likuran ni Arkin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD