"Hindi ako papayag na gawin mong sekretarya ang babaeng 'yun, Dash!" Padabog na binuksan ng Mama niya ang pinto ng silid pagbalik niya sa hapon sa mansyon. Iniiwasan talaga niya ang pakikipagdiskusyon sa ina kaya't sumabay siyang nakikain sa mga trabahador sa tanghalian. Sa isang linggo niya sa hacienda ay nakagaanan niya na ng loob ang ilan sa mga ito. "What's wrong with Lenna, Mama?" tanong niya nang mahinahon. Hangga't maaari ay ayaw niyang ipahalata na desperado na siya sa atensyon ni Lenna. "She's a liar and a thief! Baka naman katulad ka ni Faustino na naniniwala sa mga sinasabi ni Lenna?" "Will you calm down? Kung nag-aalala kayo na manakawan sa hardin kami magtatrabaho. I just need her help. Kaysa sa ibang opisina siya magtrabaho bakit hindi na lang dito? For sure

