bc

Wicked Seduction (R-18)

book_age18+
60.3K
FOLLOW
337.5K
READ
possessive
sex
dominant
CEO
boss
maid
drama
bxg
betrayal
affair
like
intro-logo
Blurb

Si Lenna ay anak ni Don Faustino sa labas nang mabuntis nito ang isang tauhan sa hacienda. Pero dahil nag-asawang muli ang ama, lahat ng pinansyal na suporta sa kanya ay naputol dahilan para mamasukan siya sa mansyon bilang kapalit ng pagpapaaral sa kanya sa kolehiyo.

Nasa ikatlong taon sa kokehiyo si Lenna nang mamatay ang ama at naiwan kay Matilde ang lahat ng ari-arian nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa lahat ng kagustuhan ng madrasta para makatapos lang ng pag-aaral.

Dahil sa dami ng ari-arian ng ama, kinailangan ni Matilda ng mamamahala sa lahat ng iyon. Napilitang umuwi ang anak nito na si Dash -- ang pinakagwapo pero pinaka-istriktong anak nito.

Binalak niya itong akitin dahil sa isang pakay -- ang makakuha ng kopya ng testamento ng ama na nagbibigay sa kanya ng karapatan alinman sa ari-arian nito. Iisa lang ang paraang naiisip niya. Kailangan niyang maakit si Dash para magtiwala ito sa kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Bilisan niyo ang kilos dahil malapit nang dumating ang mga bisita!" wika ng mayordoma sa mansyon na si Manang Lita. Lahat ay abala sa kaarawan ni Matilda -- ang madrasta ni Lenna na siya ngayong namamahala sa Hacienda Luna. Pinunasan niya ang pawis sa noo habang panay rin ang punas sa mga baso na nasa bar counter para pakintabin ang mga iyon. Ang Hacienda Luna ay pag-aari ng kanyang ama na si Don Faustino. Pero anak lang siya sa labas dahil ang ina niya ay tauhan lamang sa haciendang iyon. Noong maliit pa siya ay hindi niya alam ang totoo. Buhay pa ang unang asawa ng Don noon pero hindi ang mga ito nagkaroon ng anak. Nang mamatay ang asawa ng Don, doon lang nagkaroon ang ina ng lakas ng loob para dalhin siya at ipakilala sa ama. Tinanggap na rin siya kalaunan ng ama dahil matanda na ito at wala ng ibang pamilya. Pero dahil hindi na ito itinuloy ang ugnayan sa Nanay Susan niya, siya lang ang pabalik-balik sa mansyon para magtrabaho bilang assistant ng Don. Disesais anyos na siya noon nang ituro sa kanya ang ilang bagay sa pamamahala sa hacienda. "Balang araw ay magiging pag-aari mo ang lahat ng ito, Lenna.  Ito ay pamana ng Lola mo sa 'yo bilang nag-iisa kong anak.  Maging matatag ka at piliin mong mabuti ang mapapangasawa mo.  Huwag kang mag-aasawa ng opurtunista at ganid sa kayamanan.  Alagaan mo ang mga tauhan sa hacienda dahil sila ang tumutulong sa 'yo para mapalago ang lupang ito." Iyon ang laging pangaral ng ama sa kanya noon. Bagama't babaero noong kabataan ang Don, walang maipipintas sa kanya pagdating sa pangangalaga ng negosyo at pakikisama sa mga tauhan. May mahigit dalawang daang tauhan ang namamahala ng palayan, manggahan, taniman ng kalamansi at bakahan sa buong hacienda. Malaki ang Hacienda Luna, na hindi kayang libutin sa buong maghapon kung hindi gamit ang golf cart. Matatagpuan iyon sa isang liblib na lugar sa Botolan, Zambales. Dahil sa yaman ng Don, hindi lang iilang babae ang gustong kumabit dito para lang mabiyayaan ng kaunting yaman. Pero tuso ang Don, dahil wala itong ibang pinakasalan noon kahit ang ina niya matapos mamatay ang unang asawa nito. Until Matilda came to a picture. Kung ganda ang pag-uusapan ay sadyang napakaganda nito. Ang alam niya'y galing din ito sa isang angkan ng mayayaman. May dalawang anak ito na parehong nasa Amerika kasama ng unang asawa nito. Diborsyada ito ayon sa mga bali-balita. Nakilala ito ni Don Faustino sa isang social gathering, hanggang sa palagi na itong bumibisita sa mansyon. Minsan ay naabutan niyang kahalikan na ito ng ama sa loob ng opisina nito na hindi niya sinasadyang makita. Nang maging legal na kasintahan ito ng Don ay nagpakita na agad ito ng pagkadisgusto sa kanya kapag wala sila sa harap ng ama. Nang pakasalan ito ng Don ay tuluyan na itong naging kontrabida sa buhay niya. Pilit nitong sinisira ang relasyon nilang mag-ama: minsan ay pinagbibintangan siya nitong kumukuha ng pera sa drawer ni Don Faustino at madalas naman ay kagagalitan siya nito sa harap ng Don para ipakita na hindi siya maayos magtrabaho. Sa kabila niyon ay hindi siya tinanggal ng ama bilang sekretarya nito. Ipinagkikibit-balikat na lang ng Don kapag nakikitang pinupuna siya ni Matilda sa lahat ng bagay. Lubos niyang ipinagpapasalamat 'yun. Pero nang mamatay nang biglaan ang Don sa atake sa puso ay nagunaw ang mundo niya dahil bukod sa napamahal na siya sa ama, alam niyang wala na rin siyang kakampi sa pang-aaway ni Matilda. Halos katutuntong pa lang niya noon sa edad na diseotso. Wala na rin ang ina niya dahil nauna nang pumanaw ito sa sakit na pneumonia dalawang taon na ang nakararaan, kaya sa mansyon na siya nakatira. Kahit ang buong Hacienda Luna ay nagluksa sa pagpanaw ng Don, at lahat ay nangamba sa magiging estado ng hacienda. Pagkatapos ng libing ay inaasahan ng mga tauhan na siya ang mamamahala ng lupaing naiwan ng ama bilang siyang dati nitong assistant at siyang may alam sa pasikot-sikot nito. Pero si Matilda ang umako ng responsibilidad habang siya ay tinanggal para magtrabaho sa opisina at sa halip ay ginawang katulong lang sa mansyon na ikinagulat ng lahat. Tumutol siya sa kagustuhan ni Matilda at tinanggihan ang alok nito na pag-aaralin pa rin siya para makatapos ng pag-aaral. Alam niyang hindi siya pababayaan ng ama at mag-iiwan ito ng testamento na may parte siya sa anumang ari-arian ng Don. Nangako ito noon na magiging pag-aari niya ang lupain. Hindi man niya inaasahan ngayon na buo iyong ibibigay sa kanya dahil si Matilda na ang legal na magmamana n'yon, alam niyang kahit paano ay magbibigay ang Don ng parte niya sa lahat ng pera, alahas o ari-ariang pag-aari nito. Pero walang nangyari sa mga paghihintay niya. Walang abogadong lumitaw para basahin ang huling testamento ng ama, o kung mayr'on man lang ba itong iniwang testamento. Lahat ay nagtatanong kung ano na ang magiging kalagayan ng hacienda. Lumipas ang mahigit isang buwang paghihintay, kailangan niyang lumapit muli sa matapobreng pangalawang asawa ng ama dahil kailangan niya nang makapag-enroll sa kolehiyo. Pinagtawanan pa siya ni Matilda at sinabing kailangan niyang pagtrabahuhan ang bawat sentemo na ibibigay nito sa kanya. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nito na kuhanin siya bilang isa sa mga katulong sa mansyon. Nilapitan siya ni Lucio at nag-alok ng tulong sa kanya na dalhin sa korte ang apila niya sa mga ari-arian ng Don. Bilang isang anak sa labas, pwede niyang habulin sa korte ang parte niya sa lupaing iyon na ipinangako ng ama sa kanya noong una. Si Lucio ay isang abogado at kaibigan din ng ama niya noong nabubuhay pa ito. Pag-aari nito ang kabilang lupain na kadugtong ng Hacienda Luna. Pero matapos ang ilang pagkikita sa bayan para pag-usapan ang pagpapanalo nila sa kaso, nagpakita na ito ng sekswal na interes sa kanya na hindi niya masikmura. Sa huli ay pinutol niya na ang anumang pag-uusap nila dahil hindi niya gustong umabot sa asawa nito na pinag-iinteresan siya ni Lucio. Mababang uri ng babae ang tingin nito sa kanya dahil anak siya sa labas ng Don at kung kaya daw ng ina niya ang ipagamit ang sarili sa Don, dapat ay ganoon din daw siya. Alam niya ang taglay niyang alindog sa mga kalalakihan. Nakuha din niya ang pagiging mestiso ng ama na may dugong kastila. Hindi iilang beses siyang nakaranas ng panghihipo sa mga lalaking kaklase niya noon kapag may outing sila o inuman sa bahay ng kaklase kapag may birthday o mga kasalan. Iniiwasan na lang niyang ilapit ang sarili sa mga ito. Pero hindi siya masamang babae at hindi rin siya mababang uri. Kaya siya nagsisikap na makatapos ng pag-aaral ay dahil gusto niyang tumaas ang estado ng kanyang buhay at hindi maging tatak na anak siya sa labas at ang ina niya ay nagpagamit lang. "Huwag kang pasisindak sa mga lalaki, Lenna.  Maging tuso ka at gamitin mo ang ganda mo para talunin sila.  Ang mga lalaki ay mahina sa tukso, madali silang matalo sa tawag ng laman.  Samantalang ang mga babae ay mahina pagdating sa usaping pampuso.  Huwag mong hayaang diktahan ka ng damdamin mo.  Utak ang kailangan mong pairalin." ''Yun naman ang madalas na pangaral sa kanya ng ina noong nabubuhay pa ito.  Kung bakit ito pumatol kay Don Faustino ay hindi na siya nagtanong pa.  Pero noong bata siya ay nakikita  niya ang larawan ng ama sa damitan ng ina, at hindi rin naman ito nag-asawa ng iba matapos siyang mapalaki ng maayos.  Ayon sa ilang kapitbahay nila, matagal nang may pagtingin ang ina kay Don Faustino.  Pero dahil isang tauhan lang ito sa hacienda, hindi ito binalak ligawan ng Don.  Naging malapit ang dalawa nang maging tagahatid ng pagkain sa mga trabahador ang ina at doon ito napansin ng Don na marahil ay hindi nakaligtas sa pang-aakit ng ina.  Pero ang relasyon ng dalawa ay hanggang sekswal lamang samantalang ang ina ay tuluyang nahulog ang loob kay Don Faustino. Napabuntunghininga siya habang tinatanaw ang nakaraan. Tama ang ina niya; mahina sa tukso ang mga lalaki. Ilang beses nang may lalaking nagtangkang manligaw ng lihim sa kanya kahit may girlfriend na ito. May mga lalaki namang pasimple lang kung makipaglapit sa kanya, pero kung hindi siya pumalag ay siguradong mauuwi sa harassment. At itong huli naman ay si Lucio na ang gustong kabayaran sa pagtulong nito sa pagbawi niya ng karapatan sa ari-arian ng ama ay ang katawan niya mismo. Hindi siya tutulad sa ina. Kailangan niyang mabago ang persepsyon ng mga lalaki sa kanya na hindi siya pang-kama lang. Ni hindi siya nakikipag nobyo para mailayo niya ang sarili sa pananamantala ng mga lalaki. She's Don Faustino's only heir. Ang purpose niya ngayon sa mansyon ay makahanap ng katunayan na nag-iwan ang ama ng para sa kanya. Matilda never allowed her to enter her father's office. Isang taon matapos ang pagkamatay ng ama, si Matilda na ang namamahala sa mansyon na ikinangingitngit niya. Mabuti sana kung mabait ang naiwang asawa ng ama. Pero maraming benepisyo ang nawala sa mga tauhan at marami rin ang tinanggal kapag hindi nito nagugustuhan ang trabaho. Nawawalan na ng gana ang ibang matapat na tauhan dahil sa pagiging matapobre at masungit ni Matilda. Kung sana'y noon pa iniwan sa kanya ng Don ang lahat ng ari-arian nito. At kung sana hindi na lang nito pinakasalan si Matilda...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.8K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.0K
bc

Faithfully

read
266.0K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.5K
bc

Unwanted

read
509.9K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook