Chapter 2

1544 Words
May tatlong magagarang sasakyan ang dumating at pumarada sa harap ng mansyon.  Kasalukuyang nasa hardin ang mga katulong na nag-aayos ng mesa na siyang pagdarausan ng kaarawan ni Matilda.  Hindi alam ni Lenna kung ilan ang taong dapat nilang asahan.  Kung bakit kailangang paghandaan ng ganito kagarbo ang kaarawan ng matapobreng babae ay hindi niya alam.  Noong mabubuhay ang ama ay magarbo din naman itong sini-celebrate, pero kalahati ng mga bisita nito ay lahat ng tauhan sa hacienda.  Samantalang ngayon ay wala ni isa man lang dadalo doon, kahit man lang mga matagal ng tauhan sa lupaing iyon.  "Dadating daw kasi ang panganay na anak ni Madam," bulong sa kanya ni Tonet na katulad niyang katulong sa mansyon.  Nasa kusina na sila at naghahanda ng mga kubyertos.  Bata pa din ito at isa ring anak ng tauhan sa hacienda.  Apat silang katulong doon dahil malaki ang mansyon na may anim na silid at isang library.  Ang mayordoma naman ay ang pinakamatandang katulong doon na naging kasundo ni Matilda dahil sa pagiging istrikto nito. "Nariyan na nga yata," sabat naman ng isa pang katulong na si Cecil.  "Tatlong sasakyan ang dumating 'di ba.  May nakita akong matangkad na lalaki pero nakatalikod eh.  Pero ang gwapo!" "Pa'no mo nasabing g'wapo kung nakatalikod naman?" pairap niyang tanong bagamat nakangiti. "Naku, tindig pa lang halata nang g'wapo.  At saka sa ganda din ni Madam Matilde, sigurado akong g'wapo 'yun!" sagot ni Cecil. "Kunsabagay.  Kaso ang masama niyan, kasing-ugali din ng nanay niya.  Naku lalo tayong mahihirapan nito kapag puro masusungit ang mga tao dito," pagsang-ayon naman ni Tonet. "Alam mo ba, balita pa nga na mamamalagi na dito 'yang anak ni Madam?  Baka daw siya ang mamamahala ng hacienda ngayon dahil hindi na kaya ni Madam ang stress." Napalingon siya kay Cecil sa narinig.  Kung totoo ang balitang 'yun ay lalo s'yang mawawalan ng pag-asang makakuha ng parte sa ari-arian ng ama.  Tuluyan nang kinamkam ni Matilde ang lahat gayung wala pa itong dalawang taon sa haciendang 'yun.  Hindi pa niya nakikita alinman sa dalawa nitong anak, pero malaki ang posibilidad na kasing-ugali ang mga ito ng ina.  Nagtungo siya sa silid matapos ang trabaho nila sa kusina.  Nakakapagod ang magtrabaho sa mansyon dahil bukod sa may okasyon si Matilda ngayon ay halos wala pa siyang tulog dahil sa pagre-review.   Nasa third-year college na siya sa kursong Business Administration.  Hindi gusto ni Matilda na maki-istima siya sa mga bisita.  Pabor naman sa kanya 'yun para makapagpahinga s'ya ng maaga.  Madaling-araw pa lang ay abala na sila sa pagluluto.  Mayaman ang hacienda pero hindi man lang nag-abala si Matilda na kumuha ng caterer kung marami naman pala itong bisita.  Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama sa isa sa silid ng mga katulong sa likod ng mansyon.  Mula nang mamatay ang ama ay pinalipat na siya dito ni Matilda mula sa guest room na tinutulugan niya dati.  Talagang ipinaramdam sa kanya ng madrasta na hindi siya nito itinuturing na anak ni Don Faustino kung hindi isa lang sa mga katulong ng matanda.  Ipinikit niya ang mga mata saka umidlip.  Mamayang gabi ay tiyak na mapapagod na naman sila sa pagliligpit.  -------- Iginala ni Dash ang mata sa kabuuan ng silid na inilaan ng Mama niya para sa kanya.  Magara ang mansyon at moderno na rin ang kagamitan sa kabila ng matanda ang bahay na ito kung tutuusin.  Kahit ang silid niya ay malaki at may sariling banyo sa loob.  Halos dalawang taon na rin mula nang sumama ang ina sa matandang Don na nakilala nito sa isang party.  Tutol silang magkapatid sa pagsama nito dito pero wala silang nagawa dahil hindi rin naman gustong sumama ng ina sa Amerika para doon manirahan.  Matilde was also a richman's daughter.  Pero nang malugi ang negosyo ng mga magulang at naghirap ang pamilya ay hindi nito natanggap.  She married Walter because she thought that he will give her more money.  Pero isa lang ding simpleng empleyado ang ama niya sa Amerika na hindi matanggap ng Mama niya.  Naintindihan niya ngayon kung bakit ito sumama sa isang matanda na halos kakikilala lang nito.  Don Faustino owned hectares of land.  Sa nakikita niyang lawak ng mansyon ay hindi biro ang kayamanan ng matanda.  He met Don Faustino twice last year, nang magkaroon ng business conference sa Maynila na kailangan n'yang daluhan.  Maayos naman ang pagkikita nila at dahil pareho silang mahilig sa negosyo ay marami silang napag-usapan.  He had no clue that the Don has a heart problem.  Sa edad nitong sitenta y cinco ay matikas pa itong tingnan.  Sa ngayon ay ang Mama niya ang namamahala sa buong hacienda.  Kaya s'ya umuwi ay dahil nakakaramdam na raw ito ng stress sa pagpapatakbo ng ekta-ektaryang lupain.  He had no choice but to come to his mother's rescue.  Isa siyang real estate agent sa Amerika at maayos ang kita nilang magkapatid.  Kung hindi lang nangunsensya ang ina na pareho nilang iniwan ni Darren ay hindi siya uuwi.  Ang usapan nila ay isang taon lang siya rito at babalik din siya sa Amerika.  Isa sa dahilan ng pag-uwi niya ay ang paghingi ng girlfriend niya ng space dahil nasasakal na daw ito sa pagiging possessive niya.  So here he is, giving Jassy her space to find what she wants.  Umaasa pa rin naman siyang maaayos nilang dalawa ang hindi pagkakaunawaan at babalik sa dati ang lahat. "I hope you find your room comfortable.  Madaliang linis ang ginawa ng katulong.  Sabihin mo na lang kung may gusto kang ipaayos para maibilin ko bukas bago lumibot sa hacienda." Napalingon siya sa ina nang tuloy-tuloy itong pumasok sa silid n'ya at tumuloy sa balkonahe.  "I can't believe Don Faustino has no relative that can manage this whole property.  Wala ba s'yang anak o kahit kapatid na sasalo nito?" tanong n'ya sa ina. "Sa akin ipinamana ni Faustino ang lahat ng ito.  Wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang responsibilidad.  Kapag tumanggi ako ay marami ang mawawalan ng trabaho, Dash.  That's why I am asking your help.  I cannot manage this on my own." "But I can only give you one year, 'Ma.  I need to go back to Los Angeles before my girlfriend ditch me out of her life." "Papuntahin mo s'ya rito nang makita n'ya kung anong buhay ang naghihintay sa inyong dalawa.  Sa inyo rin naman mauuwi ang lahat ng ito dahil matanda na 'ko.  I am sure she will find this place interesting," suhestyon ng ina.  Mabilis naman siyang napailing. "Jassy will not like a country life.  Nag-aaply siyang maging commercial model and brand endorser." "How about owning an island?" mataktika pa ring wika ng ina.  "May magandang isla na malapit sa lupaing ito.  Hindi iyon napapansin dahil maliit lang at malayo sa iba pang isla dito sa Zambales." "She won't buy it, 'Ma," natatawa niyang wika. "Anyway, maiiwan na kita dito para makapagpahinga.  Kung gusto mong mamasyal sa farm bukas ay sabihan mo ako.  Maaga akong naglilibot dahil masakit sa balat ang init ng araw." Tumango s'ya sa ina bago lumabas ng balkonahe at tinanaw ang paligid.  Halos padilim na at nagliligpit na ang mga tauhan sa hardin na ginawang venue kanina ng ina sa kaarawan nito.  Bago sa kanya ang klima sa Pilipinas dahil bihira na silang umuwi ni Darren.  Dahil sa init ng panahon ay naka-sando lang s'ya at khaki short.  Napapalingon ang mga katulong sa kanya pero hindi niya nginingitian alinman sa mga ito.  Karamihan sa mga katulong sa mansyon ay mga bata pa at anak rin ng tauhan sa hacienda.  "Kagigising mo lang ba?  Naku, kanina ka pa hinahanap ni Madam!"  Napakunot ang noo niya sa isang katulong na tila kinagagalitan ang isa pang katulong.  Kung kagigising lang ng isang ito'y malamang na batugan at mabigat ang katawan.  Kanina pa hindi magkamayaw ang mga tao roon dahil kaarawan ng ina at marami itong bisita, pero ang isang ito ay tulog? Naningkit pa ang mga mata n'ya nang makita ang suot ng babae na kinakausap ng katulong.  Like some of the maids, this one is still young.  Nakatalikod ito sa kanya kaya't kita n'ya ang magandang hubog ng katawan nito.  A perpect ten!  Maputi rin ang balat nito dahil nangibabaw ang kulay nito sa karamihan ng mga katulong.  Lagpas balikat ang buhok at balingkinitan ang katawan.  Hindi ito mukhang katulong kung hindi anak ng isang mayaman.  Bagama't hindi pa n'ya ito nakikita ng nakaharap para malaman kung maganda rin ang mukha nito, hindi n'ya magawang iiwas ang tingin dahil sa kuryusidad. "Alam mo namang wala akong halos tulog kagabi," narinig niyang sagot nito. "O s'ya, dalhin mo na lang lahat ng 'to sa kusina para di ka kagalitan.  Matulog ka na lang ng maaga mamaya tapos naman na ang party." Isinandal ni Dash ang mga braso sa balustre ng balkonahe habang nakatitig pa sa babaeng nakatalikod.  Marahil ay napansin s'ya ng isang katulong kaya't iginiya ito ng tingin sa dako n'ya.  Napalingon ang babae at nagtama ang paningin nila. Dahil sa gulat ay hindi n'ya alam kung dapat ba s'yang ngumiti o magbigay ng pagbati.  Nakanunot pa rin ang noo n'ya na agad lumakad ang babae papasok sa mansyon dala ang mga gamit sa kusina.  Pumasok s'ya sa silid habang nakarehistro pa rin sa isip ang maamong mukha ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD