Chapter 3

1164 Words
Curiosity strikes Dash. Alam n'yang sa kusina ang tuloy ng katulong na may dalang mga kubyertos kanina. He remained stony-faced as he went downstairs. Nasalubong naman n'ya ang ina sa living room na inaya s'ya sa opisina ni Don Faustino na ngayon ay opisina na nito. Tulad ng iba pang silid ay malaki ang opisina ng Don. Maraming steel cabinet at vault para sa mahahalagang papeles. Umupo ang ina sa swivel chair at may binasang kung anong dokumento doon. "Mga bata pa pala ang katulong niyo sa bahay na 'to?" tanong n'ya sa ina. Agad naman itong napatingin sa kanya at napatitig. "You came here to manage the farm, not to engage yourself with any of the maids," seryosong wika nito. "Why would you think that I would engage myself in any of them? May girlfriend ako na balak ko nang pakasalan pagbalik ko sa Amerika." "I have this particular maid that was Faustino's former secretary. I fired her because I found out that she steals money in his office. Gold-digger ang babaeng 'yun at balak paikutin ang ulo ng Tito Faustino mo. Buti na lang ay nahuli kaagad. Pero dahil nakiusap sya'y ginawa ko na lang kasambahay." "Kung magtatrabaho ako dito'y kailangan ko silang makilalang lahat," suhestyon n'ya dahil gusto n'yang makilala ang babae at kung ito ba ang tinutukoy ng ina. With her body and looks, hindi malayo na may matandang mayaman itong masisilo. "Ang mayordoma ang kakausapin mo, Dash! Ayokong mauto ka ng sinuman sa kanila. Binata ka at t'yak kong may magtatangkang akitin ka para perahan. Ilayo mo ang sarili mo sa mga opurtunistang babae. I don't want you to become friends in any of them." "You're overreacting, 'Ma." "Kung gusto mong igalang at sumunod sa 'yo ang mga tauhan sa hacienda ay magbibigay ka ng distansya sa pagitan mo at mga tauhan. These people would take advantage of your kindness. Believe me, Dash, marami na akong tinanggal dahil nahuhuli kong nagnanakaw ng palay sa bukid." "Gaano ba kalaki ang haciendang ito?" "Mahigit sa limampung ektarya ang bukid bukod pa sa lupain dito sa mansyon." "At wala mang lang kahit isang kamag-anak ang naghahabol ng mana? That's impossible, 'Ma." "Faustino is the only son of Luna Andrade. Wala naman silang anak ng una nitong asawa." "With his looks and money, imposibleng walang nagtangkang akitin at magpaanak sa kanya. What if someone showed up and tells you that he or she is Faustino's child?" "Then we will see each other in court. Wala namang iniwang testamento si Faustino na maaari nilang habulin." Naiiling na lng s'ya sa pagkatuso ng ina. Sa isang iglap ay pag-aari na nito ang buong hacienda nang walang kahirap-hirap. "I will go with you when you visit the farm tomorrow," wika niya sa ina habang nasa isip pa rin ang mukha ng babae. "Alas sais ay umaalis na ako dito. Ipapakilala kita sa mga tauhan sa bukid bukas at ipapasama kita sa kanila para malibot ang buong farm. Inaatake na ako ng rayuma sa kakalakad sa buong maghapon." "Sure. Titingnan ko rin kung paano ba ang pagpapatakbo ng isang hacienda. I know it's not easy." "Marami nman tayong tauhan, Dash. Ang kailangan lang ay malaman mo kung paano mapalakad ang mga tao para hindi manakawan ang hacienda. You have to be tough and determined." "See you tomorrow, 'Ma," pagtatapos niya sa mga sinasabi nito na halos paulit-ulit lang. Iniwan niya ang ina saka lumakad patungo sa komedor. Nadismaya s'ya nang makitang wala doon ang magandang babae. "May kailangan po kayo, Sir Dash?" tanong ng mayordoma na ibinilin ng ina na siya lang ang kakausapin. Umiling s'ya saka tinungo ang pinto palabas. Naglakad-lakad siya sa hardin hanggang sa abutin n'ya ang parteng hindi na halos abot ng liwanag ng mga ilaw mula sa mansyon. Puro puno ang paligid kaya malamig ang simoy ng hangin. Pinuno n'ya ng hangin ang dibdib saka tinanaw ang kadiliman ng gabi. "Sabi ko naman sa 'yo na hindi ako pumapayag. Hindi na baleng wala akong makuha dito sa mansyon, huwag mo na lang akong gagambalain." Napalingon s'ya sa kinaroroonan ng boses at lumakad pa sa parteng mas madilim kung saan nanggaling ang tinig. Umahong muli ang kuyusidad. May fountain sa parteng iyon ng hardin na hindi n'ya na halos maaninag kung anong disenyo 'yun. Habang sinisipat n'ya ang fountain ay isang katawam naman ang bumangga sa kanya na dagli n'yang ikinagulat. Mabilis n'yang naiyapos ang mga braso para hindi ito tumumba. "What the!" putol n'yang sabi. Mabilis n'yang nasamyo ang mabangong amoy nito at naramdaman ang basang buhok na marahil ay katatapos lang maligo. Nakilala n'ya kaagad ang babae na siyang hinanap n'ya sa kusina kanina. Nasa damuhan ang telepono nitong nahulog dahil sa pagkagulat sa presenya n'ya. Nang mabasa n'ya ang pangalan ng kausap nito ay Lucio ang nasa screen dahil hindi pa marahil tapos ang pag-uusap ng dalawa. Agad umahon ang selos sa kanya na kung bakit ay hindi n'ya alam. "I'm sorry..." paghingi naman nito ng paumanhin. "What are you doing in the dark? Talking to your boyfriend? What do you mean 'di baleng wala ka nang makuha kahit ano dito sa mansyon?' Do you plan to steal something?" marahas n'yang tanong sa kabila ng pag-iinit ng katawan dahil sa pagkakalapit nilang dalawa. He was still holding her back, while the woman was trying to push his body. "H-hindi ko boyfriend si... L-lucio. P-please let me go..." Edukada ang babae at halatang may pinag-aralan dahil na rin sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya. Hindi ito katulad ng ibang katulong sa mansyon. He released her right away but still stares at her beautiful face. "Do you know who I am?" seryoso n'yang tanong. Ang totoo'y hindi pakikipag-usap ang gusto n'ya ngayon dahil ramdam pa rin n'ya ang pag-iinit ng katawan. Kung s'ya ang masusunod ay ihihiga n'ya ito sa damuhan at pagsasawain ang sarili sa alindog nito. Malaman ang dibdib nito kaysa sa karaniwang kadalagahan. Taglay yata ng babaeng ito ang lahat ng asset ng isang babae na kababaliwan ng mga kalalakihan. "Y-you are Matilda's son," sagot nito na pumutol sa paglalakbay ng diwa n'ya. "Right. I will be your boss and you will follow my order from now on." "Y-yes, sir." "Dash," dagdag n'ya dahil gusto n'yang marinig na sambitin nito ang pangalan n'ya. "S-sir D-dash..." halos pabulong nitong wika na tila naman awit sa pandinig n'ya. He could imagine her in his bed moaning and whispering his name while he gives pleasure to her. Lalo lang nag-init ang pakiramdam n'ya sa mga naiisip. What the hell? "Pumasok ka na sa loob," utos n'ya dito na agad namang sumunod sa kanya at mabilis na umalis sa harap n'ya. Napahugot s'ya ng hininga habang pinupuksa ang init sa sistema n'ya dulot ng babaeng katulong. Muli ring rumehistro sa isip n'ya ang narinig niyang pakikipag-usap nito sa telepono. His mother was right. That young woman wants to steal money or whatever from the house. Kailangan n'yang bantayan ang mga kilos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD