Chapter 4

1851 Words
Hindi mawala ang mabilis na kaba ng dibdib ni Lenna hanggang makabalik siya sa sariling silid. Kung bakit kasi ayaw pa rin siyang tigilan ni Lucio sa kakukulit ng gusto nitong mangyari, napilitan tuloy siyang sagutin ang tawag nito sa dulo ng patio para walang makarinig. Baka may magsumbong pa kay Matilda na gusto niyang maghabol sa ari-arian ng ama at dispatsahin siya ng madrasta sa mansyon. Kailangan niyang manatili dito dahil malakas ang paniniwala niya na nag-iwan ang Papa niya kahit paano ng mana sa kanya. Kung ilalaban niya sa korte ang kaso ay bubuno siya ng taon dahil bukod sa hindi naman niya dala ang apelyido ng ama, tiyak niyang matinding kalaban si Matilda kahit pa marami ang titestigo na anak siya ng Don. Muli niyang naalala ang pagkakabangga niya sa anak ni Matilda kanina sa dulo ng hardin. Halos makapusan siya ng hininga nang yakapin siya nito at makulong sa mga bisig ng binata. His masculine scent lingers in her nostrils which brings sensation she can't explain. Malakas ang atraksyong dulot nito lalo nang magsalita. At halos matunaw siya sa hiya nang titigan siya nito. His personality was powerful. Tila ba lahat ng kadalagahan sa mansyon ay mahuhumaling dito. 'Yun nga lang, parang mahirap itong pakibagayan tulad ng ina nito. Mahihirapan siya sa plano niya kung dalawa na ang pangingilagan niya sa mansyon. Puwera na lang kung maakit niya ito. Kanina ay napansin niyang hindi lang dalawang beses itong napalunok habang nakatitig sa dibdib niya. Kahit gaano ka-istrikto ang anak ni Matilda ay lalaki pa rin ito na maaari niyang maakit. Hindi niya alam kung may asawa ba ito o girlfriend, pero sa ngayon ay ito ang nakikita niyang pag-asa sa mga plano niya. Pinilit niyang mag-review pa pero wala nang pumapasok sa isip niya kung hindi ang mukha ni Dash at kung paano siya nito tingnan. Sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakadama ng kilig sa ganoon kabilis na pagtatagpo - na tila hinahalukay ang sikmura niya. Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil kailangan niyang magtrabaho sa kusina bago siya pumasok sa eskwela ng alas onse. Alas singko naman ang uwi niya pagkatapos ay sasabak na naman siya sa gawain sa kusina sa gabi. Suot ang uniporme ng katulong ay maaga siyang nagtungo sa loob ng mansyon. Kalimitan ay siya lang ang nasa kusina sa ganitong oras dahil siya ang tagaluto sa umaga. Si Tonet sa hardin habang si Cecil ay sa paglilinis sa buong bahay. Isa sa namana niya sa ina ay ang galing sa pagluluto. "I want to visit the whole farm, 'Ma," narinig niyang wika ng baritonong boses na nagpabilis sa t***k ng puso niya. Kilalang-kilala niya ang tinig na 'yun na hindi na nawala mula nang marinig kagabi sa hardin. Tila siya idinuduyan sa alapaap at nagbibigay ng kiliti sa kalamnan niya. "Hindi ko na kayang maglakad nang malayo. Ipapasama na lang kita sa ibang tauhan," narinig din niyang wika ni Matilda. Hindi siya lumingon dahil kabisado na niya ang mga titig sa kanya ng madrasta. Patuloy lang siya sa pagluluto. "Can you make coffee for me?" wika ni Dash na nagpalingon sa kanya. Gusto niyang matunaw sa titig nito kung hindi lang naroon si Matilda na nagmamatyag sa kanilang dalawa. "B-black ho ba or... w-with cream?" "What's the best coffee you can make?" kaswal nitong tanong na ipinagkrus ang mga braso habang nakatitig pa rin sa kanya. "Just give him black coffee, Lenna. Bilisan mo dahil marami kaming gawain sa bukid," sabat ni Matilda na pumutol sa pagtitinginan nila ni Dash. Sumunod siya kay Matilda at gumawa ng matapang na kape. Sa palagay niya ay nakatitig pa rin si Dash sa mga kilos niya kaya't bigla siyang na-conscious. Basa pa ang buhok niya st hindi nagsuklay dahil sa pagmamadali na makapagluto. Nang iabot niya ang kape kay Dash ay dumampi ang balat ng braso nito sa braso niya na sa tingin niya ay sinadya ng binata. Naghain naman siya ng pagkain sa mesa pagkaluto. Hindi siya tinitingnan ni Dash pero sa palagay niya ay hinihintay lang siya nitong tumalikod bago suriin. "Can you make coffee with cream?" malumanay na utos ni Dash sa kanya nang tangka siyang aalis na sa kusina. Tapos na ang pagluluto niya at balak pa niyang mag-review para sa exam mamaya. "Hindi mo ba gusto ang unang tinimpla ni Lenna?" tanong ni Matilda sa anak. Patapos na itong kumain habang si Dash ay hindi pa nagagalaw ang pagkain sa pinggan at ang kape ay bahagya lang na nabawasan. "It's too strong. Hindi bale ako na lang ang magtitimpla." Tapos nang kumain si Matilda at kalimitan ay saka pa lang silang kumakain na mga katulong. Nagtimpla siya ng kape habang si Matilda ay nagpaalam na sa anak. "Maliligo lang ako, bilisan mo dahil masakit na sa balat ang araw." Hindi niya alam ang ikikilos nang maiwan sila ni Dash sa kusina. Nakita niya sa sulok ng mata na tumayo ito at kumuha ng panibangong tasa sa cupboard. At dahil nasa tabi niya ang kape, creamer at asukal ay halos magkadikit na sila ni Dash nang abutin nito ang mga iyon. He was purposely pressing his body against hers which made her hold her breath for seconds. Halos lamunin ng taas ni Dash na halos nasa six feet ang taas niyang nasa five feet four inches. Iniabot niya ang asukal dahil pabalik-balik ang kamay nito na halos dumikit na sa dibdib niya. Hindi niya mahigop ang kapeng tinimpla dahil nanginginig ang kamay niya sa kaba. "Ikaw rin ba ang tagalinis sa mga kwarto?" "S-si C-cecil ho..." "I will lock my room because I don't want anyone invade my personal things. Sabihin mo sa kanya na huwag nang linisin ang kwarto ko." Marahan siyang tumango habang nakatingin lang sa tasang hawak. Nanatili si Dash sa tabi niya at naasiwa siya dahil hindi naman sila nag-uusap. "M-may kailangan pa ho ba kayo?" "Wala na," sagot nito kaya lumakad na siya palayo kay Dash. "Hindi ka ba mag-aalmusal?" Nakakunot ang noo nito nang lumingon siya. "M-mamaya na ho pagkatapos niyo." Marahan naman itong tumango saka siya tumalikod at bumalik na sa silid niya sa servant's quarter. ---- Tinapos ni Dash ang pagkain nang umalis si Lenna sa kusina. Hindi niya maikakaila sa sarili na malakas ang atraksyong dulot ng katulong na hindi niya magawang iwasan. Sa katunayan ay gusto niyang ilapit ang sarili. Her presence excites him. She was so alluringly beautiful even when her hair disheveled and in her maid uniform. Malayo talaga ang itsura nito para maging housemaid. He wants her to be his mistress. Tinapos niya nang mabilis ang pagkain saka nagtungo sa silid para maligo. Hindi mawala sa isip niya ang magandang mukha ng katulong. Pagkatapos maligo ay nagtungo siya sa balkonahe sa tyansang makikita ito roon pero ibang katulong ang nasa hardin. Limang minuto pa ay kumakatok naman ang ina na naiinip na. "Let's go, Dash," wika ni Matilda. Isinara niya ang pinto ng silid at ini-lock. Nasa driveway na ang golf cart at nakatayo roon ang driver ng ina. "I will drive," wika niya sa driver saka kinuha ang susi ng golf cart dito. Umupo naman ang ina sa tabi niya habang ang driver ay sa likod. "Saan ang unang punta natin, 'Ma?" "Sa manggahan muna dahil inspeksyon ng mga mangga ngayon. Malapit na ang tag-ulan at kailangan nang mag-first harvest. Sinabi ko sa matandang tauhan na ituro sa 'yo ang pasikot-sikot sa 'yo dahil may lakad kami ng amiga ko mamayang hapon." Pagdating sa dulo ng manggahan ay may bahay-pahingahan ng ilang tauhan doon. Doon din naghihintay ang truck na pagkakargahan ng mga kaing para i-deliver ang mga mangga sa Maynila. "Si Maning na ang sasama sa 'yo mamaya pagbalik mo dito sa hapon," wika ni Matilda sa kanya. Nalibang siya sa ilang oras na paglilibot sa hacienda Luna sa umaga. Pagbalik siya sa mansyon ay agad niyang inilibot ang mata sa buong bahay pero wala ni anino ni Lenna doon. Umakyat siya sa silid at nagpahinga dahil napagod din siyang maglibot sa manggahan. Kahit nang bumaba siyang muli ay wala pa rin si Lenna sa loob ng mansyon o kahit sa hardin. Nang magtungo siya sa likod-bahay ay bumungad sa kanya ang apat na kwartong nakahiwalay sa mismong mansyon. Ito marahil ang servant's quarter. Kasalukuyang nagpapahinga ang dalawang katulong na naka-uniporme pa. Lumapit siya sa mga ito at nakita niya ang pag-atubili ng mga ito sa paglapit niya. "M-may kailangan ho kayo, Sir Dash?" tanong ng isa na may katandaan sa dalawa. Sa palagay niya ay si Lenna ang pinakabata sa tatlong katulong sa mansyon. "I didn't catch your names. What's your names again?" pormal niyang tanong. "C-cecil po. Siya naman si Tonet," sagot nito. "Nasaan ang isa pa? Bakit hindi ko nakikita?" "May pasok po si Lenna kapag Lunes hanggang Biyernes. Pero nandito na po 'yun mamayang alas singko." "Is she still in school?" "Tinatapos pa po niya ang four-year course niya." Marahan siyang tumango saka iginala ang silid sa nakabukas na silid. May kama naman at electric fan, komportable naman siguro ang mga katulong, aniya sa sarili. Naglakad pa siya sa patio na patungo sa hardin hanggang sa mapadpad siya sa harap ng fountain kung saan sila nagkabungguan ni Lenna kagabi. Napapangiti siya kapag sumasagi sa isip niya ang katulong. Hindi naman pala siya maiinip sa isang taon niyang pamamalagi sa Pilipinas. Bumalik sila ng ina sa bukid pero nagpahatid din si Matilda pabalik sa mansyon matapos ang isang oras. Naiwan siya para makita ang gawain ng ilang trabahador doon. Pasado alas sais na siya nagpasyang umuwi at halos madilim na ang paligid dahil sa nagbabantang ulan. Pagdating sa mansyon ay agad siyang nagtungo sa kusina para humingi ng kape. Inaasahan niyang makikita doon si Lenna dahil ang sabi ng isang katulong kanina ay nandito na ito ng alas singko. Pero naningkit ang mga mata niya nang ang dalawang katulong pa rin ang nasa komedor at naghahanda ng lulutuin. "Where's Lenna?" pormal niyang tanong. "Wala pa nga po eh. Pero pinapahanda na po niya ang rekado para lulutuin na lang daw pagdating niya." "Wala pa rin siya? I don't mind if she wants to continue her studies. Pero dapat may ibang magluluto kung hindi siya dadating nang maaga." "Baka malapit naman na po 'yun, siguro nagtipid na naman sa pamasahe kaya nilakad na naman papunta dito sa mansyon." Akma siyang aalis sa kusina nang pag-ikot niya'y malambot na katawan ng babae ang bumangga sa kanya na agad niyang nayakap para hindi tumumba. Her scent was familiar as well as the feeling of her skin. Lenna. The woman that would definitely rock his world again. "I'm sorry..." "Y-you're late." Napalunok siya nang matanaw ang cleavage nito mula sa hindi pa naisasaradong butones dahil marahil sa pagmamadali. "M-malayo po kasi ang nilakad ko..." "About that and your schedule, puntahan mo ako sa silid pagkatapos mong magluto." "P-para saan ho?" tanong muli ni Lenna na tila nagulat. "Hindi kami puwedeng maghintay sa 'yo kung anong oras kami kakain. Bring your schedule with you." Marahan lang itong tumango saka hinarap na ang kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD