Chapter 5

1856 Words
Bakit ba kasi antagal mo?" tanong ni Cecil kay Lenna nang makaalis si Dash sa komedor. "Kanina ka pa hinahanap niyan alam mo ba?" "Ha? Bakit naman ako hahanapin?" Inaayos pa niya ang buhok at ang damit na hindi niya maayos naisuot dahil sa pagmamadali. "Oo nga, nagpunta pa yan kanina sa servant's quarter na parang ikaw talaga ang sadya. Nabighani mo yata 'yang anak ni Madam," bulong naman ni Tonet na sumabat sa usapan nila. "Kung ano-ano pinagsasabi niyo diyan baka marinig kayo ni Manang," saway naman niya sa dalawa na ang tinutukoy ay ang mayordoma. "Hindi ba't alas singko dapat nandito ka na? Bakit naatrasado ka ng isang oras mahigit?" tanong muli ni Cecil. "Nag-research pa 'ko sa library at gumawa pa kami ng group project," sagot niya habang nagsisimula nang magluto. "Mukhang istrikto din 'yang anak ni Madam lalo sa oras ng trabaho," wika pa ni Cecil. "Isang buwan na lang naman sembreak na ulit. Maluwag na ulit ang schedule ko." "Kunsabagay... hayaan mo na lang ang galit ng mag-inang 'yan, ang importante ay matapos mo ang pag-aaral mo." Pagkatapos niyang magluto ay nagtungo siyang muli sa sarili niyang silid sa likod ng mansyon para kuhanin ang schedule niya sa school araw-araw. May isang buong semester pa siyang bubunuin para maka-graduate. Kumatok siya sa silid ni Dash pero matagal na siyang nakatayo roon ay wala pang sumasagot. Bahagyang nakaawang ang pinto nito pero dahil patay ang ilaw sa silid ay wala siyang maaninag. Dahan-dahan niyang niluwagan ang bukas ng pinto para pumasok. "What took you so long?" Napapitlag siya nang magsalita ang baritonong boses sa likuran niya. Nakapatay pa rin ang ilaw pero may natatanaw siyang kaunting liwanag na tumatama sa tokador galing sa balkonahe. Dash was standing by the mirror, shaving his beard with only his boxer shorts on. Bakit ba hindi ito sumasagot eh kanina pa siya kumakatok at tumatawag? Dahil madilim sa parte ng kinatatayuan niya ay malaya niyang pinagmasdan ang kabuuan ng lalaki. He has flexed muscles and broad shoulders. Sumagi sa isip niya kung paano siya nito nayakap sa may hardin at kanina sa kusina para hindi siya tumumba. May kurba din ang baywang nito patungong puwetan at mahahaba ang biyas na tila isang basketball player. Kung pisikal lang ang pag-uusapan ay maihahalintulad ito sa mga modelong nakikita niya sa front cover ng mga magazines sa living room. "Tapos ka na bang suriin ako?" Hindi niya namalayan na nasa harap niya na si Dash na halos sakupin ang espasyong nakapagitan sa kanila. Napalunok siya nang maamoy ang balat nitong katatapos lang maligo dahil halos nasa mukha niya ang dibdib nito. Bahagya siyang umatras pero lumakad din palapit si Dash sa kanya hanggang sa masukol siya sa dingding. "Dead end," wika nito na tila pinagtatawanan siya. "D-dala ko na ho 'yung s-schedule ko sa school..." utal niyang wika. "What's my name again?" "S-sir Dash..." she almost whispered. Nag-uunahan ang kaba sa dibdib niya dahil halos nakayakap na ang binata sa kanya dahil sa pagkakasandal ng kamay nito sa dingding. "Always say my name when you talk to me," utos nito na hindi niya alam kung para saan dahil dalawa lang naman silang nag-uusap. Kinuha nito ang papel na hawak niya at sinindihan ang night lamp. Nakahinga siya nang maluwag nang makalayo ito sa kanya. "Monday, Wednesday, and Friday, ang schedule mo eleven o'clock to four thirty. Meaning, dalawang oras kang atrasado kahapon," panimula nito saka humarap sa kaniya. "May mga projects kasi akong tinapos..." paliwanag niya. Hindi niya magawang tumitig sa kaharap dahil nanunuot ang tingin nito sa kanya. Bukod pa sa ayaw niyang madapo ang mata niya sa dibdib nito dahil baka ano pa ang isipin. "Projects o boyfriend? Tell me honestly, do you have a boyfriend?" "Wala ho akong boyfriend," matatag naman niyang sagot saka sinalubong ang tingin ni Dash. Kahit kailan ay hindi siya nagkainteres makipagrelasyon dahil karamihan sa nakakatagpo niya ay may sekswal na intensyon lang sa kanya. Ang mga kaibigan naman niya sa bukid ay hindi niya gusto dahil bukod sa kaibigan lang ang turing niya sa mga ito, hindi niya gusto ang mga lalaking kuntento na bilang tagasaka na lang. Mga lalaking walang ibang gustong marating. Ni hindi na tinapos ang pag-aaral dahil sa bukid lang daw naman magtatrabaho. "Manliligaw?" Napakunot ang noo niya dahil tila gusto nitong tumbukin na nagsisinungaling siya. "Nag-aaral ho ako, hindi nakikipaglandian lang sa school." "I told you to always say my name," seryoso nitong wika at hinintay pa siya ulit magsalita. Gusto niya na itong kainisan kung hindi lang sumisigaw ang kagwapuhan nito. "S-sir Dash..." "Tuesday and Thursday naman ay alas sais ang labas mo sa klase. Sino ang magluluto kapag naatrasado ka pa sa uwi?" "Nagpapahatid ho ako sa trisekel hanggang sa gate para makauwi nang mas maaga. Alas otso pa naman ho nakaabalik si Ma'am Matilda galing sa dance lesson niya." Nakatitig pa rin si Dash sa kanya na tila may hinihintay pa na sasabihin niya. "Sir Dash..." "Isang hindi mo pa pagbanggit sa pangalan ko'y makakatikim ka ng parusa sa 'kin," seryoso nitong wika. Isa sa hinahangaan niya sa binata ay kahit matagal na ito sa Amerika ay deretso pa rin itong managalog. "Dalawa lang naman ho tayo dito, bakit kailangan pang paulit-ulit pang banggitin ang pangalan niyo?" "Because I said so. It was just a simple instruction. O gusto mong malaman kung ano'ng parusa ang ipapataw ko?" Mabilis siyang umiling. Nagbaba ng tingin si Dash at tiningnan muli ang papel na nasa ibabaw ng marble black side table. "Paano ang gagawin natin sa alas sais mong uwi? Kapag maraming trabaho sa bukid ay pagod ako at gutom pag-uwi." "Palagi naman hong may sandwich na nakahanda sila Tonet... S-sir Dash..." "I want a heavy meal. Hindi ako makakapaghintay kung anong oras ka magluluto." "Marunong din naman hong magluto sila Cecil," katwiran niya. Si Matilda lang naman ang nag-utos sa kanya na sa kusina siya mamalagi para sa pagluluto at paglilinis doon. Hindi nito gusto na palakad-lakad siya sa buong bahay dahil alam nitong may pakay siyang maghalungkat sa gamit ng namatay na Don -- lalo na sa opisina nito. "No. I will make an arrangement. Kung kailangang sunduin kita sa school para makauwi ka ng maaga ay gagawin ko." "Hindi naman ho kailangan ---" "Don't tell me what to do, Lenna. Tinutulungan na nga kitang mapadali ang pag-uwi mo, ikaw pa ang tatanggi." Marahan siyang tumango at naghintay na lang ng sasabihin nito. "Aside from cooking, what do you usually do in the house?" "Laundry," tipid niyang sagot. Napakunot ang noo nito saka lumapit sa kanya. "Do you want me to punish you right now, Lenna?" Lumapat ang kamay nito sa batok niya na nagpalunok sa kanya. Nang magsalita ito'y humaplos ang hininga nito sa pisngi niya. For the first time in her life, she felt strong attraction from the opposite s*x. Na hindi siya naiinis kapag hinahawakan siya, at hindi siya nandidiri kapag halos maglapit na ang mukha nila. Pero hindi niya hahayaan na matalo siya ng atraksyon nito para hindi niya magawa ang pakay niya. "Sir Dash..." "I'm giving you a warning," banta nito bagama't hindi naman galit. "Hindi ako nagbibiro." Mas pinili niyang huwag magsalita. Sa tinagal-tagal nilang magkausap ni hindi man lang nag-abala ang lalaking ito nag magsuot ng damit pang-itaas. Kapag hindi niya gustong salubungin ang mga titig nito'y sa dibdib nito siya napapatingin na hindi niya maiwasan. Palihim din siyang tinitingnan ni Dash na sa palagay niya'y nag-eenjoy kapag napapalunok siya. "I want you to clean my room instead of other maids. Hindi ko gustong kung sino-sino ang pumapasok sa silid ko. Maliwanag ba?" "Opo... S-sir Dash..." "Okay, you may leave now. Ipaghanda mo ako ng hapunan, bababa na 'ko." Nagmadali siyang tumalikod at lumabas sa silid ni Dash. Bumalik siya sa komedor at ipinaghanda ito ng makakain. Paalis na siya sa loob ng mansyon nang marinig ang boses ni Matilda. Nagmadali siyang lumabas para hindi siya nito abutan. Sa halip na siya ang magsilbi ay si Cecil ang pinapunta niya sa komedor para pagsilbihan ang mag-ina. Pinili niyang iwasan muna si Dash para maiwasan ding matangay siya sa tukso. Baka sa halip na mabawi niya ang manang dapat ay sa kanya, lalo lang mauwi sa mag-ina ang lahat ng ari-arian ng Don. "Ano ba ang pakay ni Sir Dash, bakit ka pinaakyat sa silid?" tanong ni Tonet sa kanya. "As usual, tinanong kung ano ang trabaho ko dito sa mansyon. Hindi daw puwedeng lagi din akong ginagabi sa pagluluto dahil gusto niyang kumain nang maaga." "Ayaw ko namang magluto, noh. Napakaselan pa naman ni Madam sa pagkain, baka itapon na naman 'yung eskabetseng niluto ko tulad noon." Napabuntunghininga siya. Masarap siyang magluto kaya pinagsisilbihan niya ang ama noong nabubuhay pa ito. Gusto niyang iparamdam ang pag-aalaga niya. Pero hindi niya pinangarap na magsilbi at magluto sa ibang tao lalo na kay Matilda. Ginagawa lang niya ito ngayon para maipagpatuloy niya ang pag-aaral at para hindi siya mapaalis sa mansyon. Nang matapos nang kumain ang mag-ina ay tinawag na siya ni Cecil para kumain. Ipinagpasalamat niyang nagpaalam daw kaninang umaga ang mayordoma na uuwi sa probinsya sa Laguna dahil maysakit ang asawa nito. Mas malaya silang nakakakilos sa kusina at nakakakain ng masarap na pagkain. "Maaga nga pala tayong maglalaba bukas, napakaraming bedsheet na ipinapalitan ni Madam noong isang araw," kwento ni Tonet. "Maglinis ka muna ng mga silid ako na ang tutulong kay Lenna bukas sa paglalaba," sabat naman ni Cecil. "Okay, sige. Pero hindi ko lilinisin ang silid ni Sir Dash sabi niya eh. Sayang, gusto ko pa mandin makita ang katawan nun, ang hot siguro ano?" Napangiti siyang bigla sa sinabi ni Tonet. Kanina lang ay malaya niyang napagmasdan ang katawan ni Dash na hindi niya alam kung sinasadya nito ang nakahubad dahil alam nitong dadating siya, o nagkataon lang dahil bagong paligo ito. "Huwag mong pagnasaan ang anak ni Madam dahil wala kang pag-asa dun, si Lenna baka puwede pa," wika ni Cecil. "Oo nga, Lenna, akitin mo na lang kaya si Sir Dash para sa 'yo pa rin mauwi 'tong mansyon. Para ikaw na lang din ang amo namin hindi 'yang si Matilda," mahinang wika ni Tonet. "Ano ba kayong dalawa. Tigilan niyo nga ako. Hindi nga natin alam kung may asawa na 'yang si Sir Dash eh." "Binata pa daw 'yan, pero may girlfriend na iniwan sa Amerika," sagot ni Tonet na ikinalingon niya. May lungkot na gumuhit sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag. "E di huwag niyo nang pangarapin. Mabibigo lang kayo dahil unang-una hindi 'yan papatol sa atin na katulong lang dito sa mansyon," saway pa ni Cecil kay Tonet. "Naku, pag umuwi pa 'yung girlfriend niya dito dadagdag pa sa pagsisilbihan natin." Hanggang sa matapos ang pagkain nila at paglilinis sa kusina ay hindi siya mapakali dahil sa pagtuklas na may girlfriend nga si Dash na iniwan sa Amerika. Kung dadami ang miyembro ng pamilya ni Matilda na ititira sa mansyon ay malabo na may makuha siya kahit singko. Kailangan niyang kumilos habang si Matilda at Dash pa lang ang naririto. At habang nakakalapit pa siya kay Dash.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD