"Saan ka pupunta?!" galit ni Matilda kay Dash nang balak niyang sundan si Lenna na lumabas ng opisina. Napilitan si Dash na balikan ang ina. "Why do you have to throw her out? I told you it wasn't her fault." "Huwag mo siyang ipagtanggol, Dash! Kilala ko ang babaeng 'yan, gagamitin niya ang ganda niya para makaakit ng mayaman. At ikaw naman ay mabilis na nagpauto!" "Ma!!," pigil niyang sigaw para tumigil ang ina sa kasasalita. "I know what I'm doing, okay?" "You have a girlfriend for Pete's sake!" Alam niya iyon. Alam na alam niya. Pero kagabi ay matagal niyang pinag-isipan kung ano ang dapat niyang gawin. He was calling Jassy to explain everything but she was out of reach -- like she was most of the times. Alam niyang marami itong trabaho dahil bukod sa trabaho nito sa op

