Chapter 18

2115 Words

Gustong habulin ni Dash si Lenna nang makitang namumula ang mata nito sa pag-iyak na ayaw ipakita sa kanya. Sa halip na takbuhin ang silid ng dalaga sa likod ng mansyon ay pinasok niya ang silid ng ina. "What happened? Ano ang sinabi mo kay Lenna?" mahinahon niyang tanong. "Binalaan ko lang siya na huwag lumandi sa 'yo dahil may fianceè ka na, Dash." "What are you talking about?" "C' mon, Dash. Akala mo ba bulag ako sa pang-aakit ng katulong na 'yan sa 'yo? May mga tauhan na nakita kayong naghahalikan sa bukid! My, God! Babae siya, dapat alam niya kung saan siya dapat lulugar! Ano na lang ang sasabihin ni Jassy kapag nalaman niya?" "Jassy will not know, 'Ma." "Tigilan mo na ang babaeng 'yan. Kinausap ko na siya na pagka-graduate niya ay aalis na siya dito sa hacienda.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD