Pagbaba ni Lenna sa kotse nang i-park nito sa garahe ay agad siyang nahabol ni Dash. Ang totoo'y lasing na siya kaya siguro masyado na siyang emosyonal. "Huwag ka nang magalit. Please, Lenna..." pakiusap nito. "Inaantok na 'ko. Dalhin mo na lang si Alejandro sa silid," wika niya na iwinaksi ulit ang kamay ni Dash. Nang magtuloy siya sa silid ay nagtungo naman si Dash sa silid ng Mama nito para kuhanin si Alejandro. Tulog na ang anak nang ilapag ito ni Dash sa kama. Nanatili siya sa balkonahe para iwasan ang binata pero sumunod ito sa kanya pagkatapos. "I said I'm sorry. Party 'yun at hindi ko naman siya isinayaw o sinamahan buong gabi. Nagpaunlak lang ako nang sinabi niyang ipakikilala niya ako sa iba pang empleyado ni Sonia." "Matulog ka na, Dash. Nahihilo na rin ako sa d

