CASSANDRA’S POV:
As I watched my father inside the coffin, he was peaceful, as if he was just sleeping. The excruciating pain and grief I felt were too much. I could kill anyone if I could. This is my dad’s first night. If I had a choice, I wouldn't want to bury him.
“Cassandra,” panabay na tawag sa akin ng aking mga pinsan. It was Chlyde and Clint. Lumingon ako sa kanila. Sinugod ko sila ng yakap. “Shhh, I know you're a fighter Cassandra. You can overcome this. We are here for you,” Chlyde said. Kumalas ako sa yakap. “Thank you!” Malungkot kong saad.
“You’re a Buenavista and Soesanto Cassandra, you're a survivor.” A firm statement from Clint. Tumango ako. Ngumiti ng bahagya sa kanya. They're older than me. Kakayanin ko ang lahat ng ito. Dinala ko sila sa harapan ng kabaong ni Dad. Matagal din nilang pinagmasdan ang aking ama.
Makalipas ang ilang oras na pagsama sa akin, nagpaalam na ang dalawa kong pinsan dahil may pasok si Chlyde. He is studying medicine sumaglit lang siya para makiramay. Clint runs their security agency. Their father Tito Carlisle was on a business trip. Pero nangakong hindi pinapabayaan ang imbestigasyon sa kaso ni Dad.
“Anak kumain ka muna, hindi ka pa kumakain simula kaninang umaga, walang laman ang tiyan mo, baka ikaw naman ang magkakasakit. Alam mong ayaw ng daddy mo ‘yan.” Pangungonsensiya ni Yaya. Ngumiti ako sa kanya ng tipid. “You know how to make me eat, you always choose the right words?” Napailing kong saad. Ngumiti siya ngunit hindi abot sa kanyang mga mata. Pinisil niya ang aking kamay at inakay sa pantry ng chapel. It was not far from the mansion. Gusto kong sa mansion na sana siya ibuburol pero matigas ang pagtanggi ni Elizabeth. Speaking of her, kita kong bumaba ito ng sasakyan kasama ang batang-bata niya na bodyguard o kalaguyo! Hell, I care.
Agad akong tumayo at hinarang siya! “Elizabeth, naligaw ka?” Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa tabi niya. “Oh, darling calm down, h’wag kang gumawa ng eksena hindi bagay sayo,” pang-uyam niyang sagot. “Elizabeth! Elizabeth! Tinubuan ka ba ng hiya bigla? Nakakapanibago naman, mayro’n ka pa pala no’n!? Why!?” insultong bwelta ko sa kanya.
Nilampasan niya lang ako ng hindi sinagot ang mga insultong binato ko sa kanya. “Anak tama na.” Pagpipigil ni Yaya sa akin. Nakahawak siya sa braso ko. Tumango ako tanda ng pagsuko. There is always the right time and place for my mother and I to fight. I-respeto ko ang burol ni Dad. Nakatayo ako malapit sa pintuan habang nakatingin sa kaplastikan ng aking ina na nakatunghay sa kabaong ni Dad.
“Nakikiramay kami hija.” It was Tita Minerva, and Christian beside her. Napalingon ako sa kanila. Puno ng simpatya ang kanilang mga mata. Nang nagtama ang aming mga mata ni Christian, nalulungkot din ito. “My condolences Cassandra,” pakikiramay niyang saad. “Thank you Christian.” Lumakad si Tita Minerva at tumayo sa gilid ni mom. Kita kong nagyakap ang dalawa. Napataas ang kilay ko ng tila nagpupungas ito ng mata, natawa na lang ako sa ka-artehan ni Elizabeth.
“I know this might be difficult for you Cass, I am here you know that,” simpatyang saad ni Christian. “Thank you,” sagot ko sa kanya. Hindi na ako umimik. “Cassie,” tawag ng baritonong boses sa likuran ko. Sabay kaming napalingon ni Christian. Drake is holding a crown flower. Dumiretso si Drake at inilagay niya ang dalang bulaklak sa tabi ng kabaong ni Dad. Habang papalapit siya sa pwesto ko parang kinakalampag ang t***k ng aking puso. Nagtama ang aming mga mata pero agad din akong umiwas. Tumabi siya sa kaliwang bahagi ko. “My deepest sympathy Cassie,” mahinang bulong nito. Hindi ko magawang lumingon dahil sa pagwawala ng aking puso. Tumango na lang ako tanda ng pagpapasalamat sa kanya.
Tahimik kaming tatlo, nakatutok ang aking mga mata kina Tita Minerva at Elizabeth, na unti-unting lumalakas ang iyak. I chuckled and raised my right eyebrow. “Ang arte, bagay maging artista,” kumawalang komento sa bibig ko.
“She was hurt, nawalan siya ng asawa,” saad ni Christian. “Whatever! Mahilig magpapansin!” Mahinang sagot ko pero puno iyon ng pagkasuklam. Ilang sandali pa nagpaalam na sina Tita Minerva, pulang-pula ang mata ng aking ina. I smirked at her and clapped my hands. “Bravo! The best actress award goes to—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pinigilan ako ni Drake. “Cassie please not here, not in your dad’s wake.” Nakikiusap niyang saad…
Makalipas ng tatlong araw, gustuhin ko man at sa hindi kailangan kong ihatid sa huling hantungan si dad. Parang pinipiga ang puso ko. I don't know how to move forward without him. He showers me with everything. Now one day I woke up without him by my side.
No tears came out from my eyes, I was silent, looking on his coffin slowly rolling down. I looked at my mom, crying loudly. Gusto ko siyang bulyawan at sabihan na itigil ang kaipokritahan niya pero nagpigil lang ako. Pinisil ni Yaya ang aking kamay, tila nababasa ang nasa isip ko.
I threw a white roses on my dad’s grave. My dad, I know you're still around. Please guide me, especially on how to get justice for you! Unti-unting nagpaalam ang nakiramay at naghatid kay dad sa kanyang huling hantungan. My mom left without even looking at me.
Nang tuluyang umalis ang aming mga kakilala. Napaluhod ako sa puntod ni dad. Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Kasabay ng pagpatak ng ulan, ang pag-agos ng luha sa akin mga mata. “I, Cassandra Soesanto will get my justice in any way I can!” Malakas kong sigaw. Niyakap ako ng mainit na bisig. His scent was very familiar to me. “Cassie let’s go, baka magkasakit ka.” Puno ng pag-alala sa boses ni Drake. Niyakap niya ako mula sa likuran. “You can count on me to be here for you, Cassie. I won't leave you.” Umiling-iling ako, hindi sa hindi ako naniniwala sa pangako niya pero ayokong umasa. That's what my dad told me. His promise to me is that he will never leave me and that he will never let me down. Look what has happened now. I am all alone.
Basang-basa kami ni Drake kahit may payong kaming dalawa. Inakay niya ako patayo, papunta sa kotse. Kung saan naghihintay si Mang Damian. I urge Yaya to go home even if it is against her will. Nang makasakay na ako, I met Drake’s eyes. Pity was visible in them. I hated it. I don’t need anyone’s pity.
Pagdating ko ng mansyon, agad akong umakyat sa aking kwarto. I saw my mom sitting pretty on the sofa reading a magazine, like she had never lost her husband. Gusto ko siyang sugurin. Ngunit wala akong lakas para gawin ‘yon. Pumasok ako sa banyo para maligo. Nang matapos ako pinatuyo ko ang aking buhok. Sumampa ako sa kama. Dahil sa puyat at pagod agad akong nakatulog.
Nagising ako mag-aalas-otso na ng gabi. Nakaramdam ako ng gutom. Bumaba ako sa kusina, ngunit naulinigan ko na tila nagtatalo si Yaya at Mommy. “What are you still doing here Elizabeth? Ganyan na ba kakapal ang mukha mo?” Malakas ang boses kong pang-iinsulto sa kanya.
Akma niya akong susugurin ng pinigilan siya ni Yaya. “No Yaya let her hurt me, total ‘yan lang din naman ang kaya niyang gawin, manakit ng anak at maging dakilang kabit!” Iwinaksi ni mommy ang kamay ni Yaya. But I took the bread knife. Inumang ko ‘yon sa kanya. “Go ahead, hurt me again, this will bleed deeply!” Nanlilisik ang kanyang mga mata. “Magsama-sama kayong dalawa mga wala kayong kwenta!” Nagmartsa ito palabas ng komedor. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga ng tuluyang umalis si mommy.
Sinugod ako ng yakap ni Yaya. “Anak, h’wag mo nang gagawin ulit ‘yan,” nakikiusap ang boses niya. Hindi ako tumango o sumagot man lang. Hinila ako ni Yaya paupo. Hinainan ako ng makakain. Kahit wala akong gana pinilit kong kumain. I stared at dad's chair several times. Parang nakaupo pa rin siya doon at nakangiti sa akin. Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng aking mga luha…
Kinabukasan, hindi ako pumasok. I know that my dad will be upset, but I am grieving. Hindi rin ako lumabas ng aking silid. I sat down on my terrace. Observing the pine tree, ornamental plants, roses, and other plants that bloom. Dinig ko ang mahinang katok sa pintuan pero hindi ako kumilos o nag-abalang tingnan yon.
“Anak, andiyan ang Ninong Lionel mo,” imporma ni Yaya sa akin. Nilingon ko siya, at bahagyang ngumiti. “Susunod na po ako Ya,” magalang kong sagot. Muli kong ibinalik ang aking mga mata sa hardin. Makalipas ang ilang sandali, tumayo ako at pinuno ng sariwang hangin ang aking baga. Lumabas ako ng aking silid. Tumigil muna ako sandali sa tapat ng opisina ni Daddy. It makes me feel depressed every time I glance at this corner of the house.
Pagpasok ko sa opisina ni Dad nasa long table na ang aking ina. Wow hindi masyadong excited? Ngumisi ito sa akin. She’s too confident about her shares in my dad’s will. Umupo ako katabi ng Ninong sa kabisera, katapat ng aking ina. I raised my eyebrow and smirked at her. Her face changed… Are you really that confident mother?
“No! This is not true Lionel! Romulo wouldn't do that! Hindi niya anak si Cassandra tapos kanya ipapamana lahat! This is not gonna happen Lionel. I will bring this to court!” Punong-puno ng galit ang litanya ng aking ina.
“I told you Elizabeth!” nakangisi kong sagot. “You know what I think?” Tanong ko sa kanya. Binugahan lang ako ng matalim na tingin. “I am not interested in what you think Cassandra!” Bwelta niya! “Oh, I am sure you will Elizabeth! First you pack your things and get the hell out of my house or I will burn it in front of you! Your choice!” Sinabayan ko ng malakas na halakhak. Akma niya akong susugurin.
Agad pumasok ang dalawang guard na nagbantay kay dad. I hired them. They're my cousin's Clint agents. “Not so fast, mother!” patuyang saad ko. “Walang hiya ka Cassandra! Magbabayad ka!” ani nito.
“Lionel, tell me you're joking, right? This is not happening! Dadalhin ko ito sa korte Lionel. You manipulated Romulo’s will!” Pagbibintang ng aking ina. “I am sorry, Elizabeth, but the court has sealed Romulo's will." Malungkot na sagot ni Ninong.
“So Elizabeth, you can’t kill me too, you know that, don’t you? Because if you do, all my properties will be donated to charity. So be careful if you want me dead! Sisiguraduhin kong magdildil ka ng asin!” Agad akong tumayo at iniwan sila. Before I could reach the door. I turned around, “She’s not welcome here anymore! Drag her out before sundown, and no one will let her in! Is that understood!” Matigas kong bilin sa guwardiya ko. Tumango sila.
“Cassandra! Cassandra!” tawag sa akin ni mommy pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Every time I look at her, I feel as if I'm about to throw up. Dumiretso ako sa kusina para hanapin si Yaya ng hindi ko siya makita.
“Yaya! Yaya! Yaya!” si mang Damian ang pumasok sa kusina. Malungkot ang mukha niyang sumalubong sa akin. “Mang Damian nasaan si Yaya Ceding?” binundol ako ng takot. She never leaves the house without telling me. Kani-kanina lang ng tinawag niya ako.
“Pinalayas siya ng mommy mo Ma’am Cassie.” Malungkot na tugon ni mang Damian. “What!? When!? How!?” Akmang sasagot si Mang Damian ng pinigilan ko. Agad akong tumalikod.
“Elizabeth!!! Elizabeth...!!!” nagpupuyos ang dibdib ko sa galit. Ngumising lumabas siya sa opisina ni Dad. Agad ko siyang kinaladkad! “Who gave you a f*****g right to dispel Yaya from this house!!?”
Sa taas ng heels niya nagpa-gewang-gewang si Elizabeth sa sahig. “Get off me you b***h!” I am taller than her. Kaya kahit ilang inches pa ang susuutin niya mas matangkad pa rin ako sa kanya. Marahas ko siyang binitawan! Sumadsad ang mukha niya sa sahig!
“Kaladkarin niyo ang babaeng palabas ng pamamahay ko! Ayokong makita ni anino nya sa bahay na’to kahit kailan!!! Get the f**k out...!!!”
***
To Be Continued...