CASSANDRA’S POV: Napadako ang aking mga mata sa journal na iniwan ko sa gilid ng kama ni Yaya kanina bago ako pumasok para maligo. Hindi ko alam kung gaano ko katagal tinitigan lang iyon. Kinuha ko ‘yon na nanginginig ang aking kamay. Am I ready for this? All I could find here was pain and the truth! Tanong ko sa aking sarili. Unang buklat ko pa lang, akin na agad nabasa ang mga pangungusap na dumurog sa aking puso: I am sinner, I committed a grave sin! I, Romulo Soesanto was a RAPIST! A MURDERER! Agad kong sinara ang journal ni dad, tinakpan ko ang aking bibig, para walang umalpas na ingay, taas baba ang aking balikat. Pigil na pigil ko ang aking pag-iyak. Winasak ng mga salitang iyon ang gahiblang pag-asa ko na sana nagsisinungaling lang si Elizabeth. Pero hindi, sumambulat sa harapan

