CASSANDRA'S POV:
"Whatever your life problems are now, Cassandra, I don't care! You've got to focus on the training!" Coach Aldrix's voice expressed disappointment. I know what he wants, but I can't focus. I was bothered.
“I am sorry coach! Again!” Napailing ako, I know myself wasn't in the right track. “No, this training is not beneficial for both of us. I hate seeing you like this Cassandra! I want the old arrogant, sarcastic and smart Cassandra with determination!” Puno ng panghihinayang boses niya. Napaupo ako sa gitna ng court. Napayuko ako. Nahihiya ako sa performance na pinapakita ko ngayon. Ilang araw na lang tournament na.
"I'll see you tomorrow, Coach!" Tumayo ako at pumasok ng bahay. Naligo ako at nag-ayos ng aking sarili. I want to see my dad. I wish he was here. Simpleng skinny jeans, rubber shoes and plain body fit t-shirt ang aking suot.
“Anak, madilim na saan ka pupunta?” Nakasalubong ko si Yaya. “Dadalawin ko si Dad Ya,” simpleng sagot ko. Tinalikuran ko na siya. “Mang Damian?” Mula sa quarter niya lumabas siya at nakakunot ang kanyang noo na tumingin sa akin. “Pupunta ho tayo sa ospital.” Agad siyang tumango, kinuha niya ang susi. Palabas na kami ng gate ng matanawan ko si Drake sa kabilang kalsada na naka sandal sa hood ng sasakyan niya. “Mang Damian sandali,” saad ko. Ibinaba ko ang windshield ng sasakyan. “Drake!” Tawag ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin. Napakunot ang noo ko. “Cassie, I am about to text you,” sagot niya. Lumapit siya sa gawi ko. “It’s a kind a late, where are you going?” kalmadong tanong niya. Tumaas ang kanang kilay ko. “To see my dad? Where else?” Mataray kong sagot. “I’ll see you there then.” Iyon lang at tinalikuran na niya ako. Nagkibit balikat lang ako at sinarado ang aking bintana. Umusad na rin ang sasakyan.
Nang makarating ako sa Buenavista hospital agad akong bumaba. Tanaw ko rin agad si Drake na nakasandal sa sasakyan niya. Does he drive that fast? Lumapit siya sa akin. That doesn't make sense to me. I don't understand why he's doing this. He's making a move to be with me.
“Why?” Agad kong tanong sa kanya ng makalapit siya sa akin. “Why what Cassie?” Pabalik niyang sagot. “Don’t answer a question with another question. Hindi tayo magkakaintindihan!” maagap kong bwelta sa kanya. “Then ask the question properly, so you could get a concrete answer,” nakangiting saad niya. Na lalong ikinayamot ko. It was a mistake letting him be with me. “Why are doing this?” Sinalubong ko ang mga mata niya. I want him to stay away from me. “I am not doing anything Cassie, I am just here to be your friend, that’s all.” Simpleng sagot niya at hinila ang kamay ko. Hindi na niya ako binigyan ng pagkataon na sumagot. Habang hila-hila niya ako nakatingin ako sa kanyang mainit na kamay sa aking pulsuhan.
"Drake stopped!" Tumigil siya pero hindi lumingon sa akin. "This would be the last time I'm going to see you; I don't want you to try to talk me out of it. Do not attempt to get closer. Stay away from me!” hinila ko ang aking pulsuhan sa kanya at naunang maglakad. Parang pinipiga ang puso ko sa binitawan kong salita. I hate myself for being like this. His reaction to me when I pushed my mother was something I could not explain to him. How was it possible for me to inflict such pain to my own mother?
Hindi ako lumingon man lang. Nang makarating ako sa ICU kinausap ko ang nurse na gusto kong lapitan ang daddy ko. Tumango siya. Pinagsuot niya ako ng sterile gown at cap. Tumingin ako sa dalawang guard na nakaupo sa magkabilang pinto. Agad silang tumayo at binati ako. I just nodded and entered. As I looked at my dad lying on the hospital bed unconscious, I felt like my heart had been stabbed a thousand times.
Umupo ako sa gilid niya, at sinapo ang kanyang kamay. Agad namuo ang luha sa mga mata ko. “Dad, wake up please. I need you to wake up. I'm losing it daddy. Paano ako mabubuhay kong wala ka sa tabi ko? You spoiled me, now you're sleeping. You should get up!” Nagtatampong saad ko. Bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata. “Dad, I need you back. Please wake up. I am not ready for this. Hindi mo ako pwedeng iwan dad, hindi ko kakayanin, ikaw lang ang aking kakampi. Please tell me who did this to you. I’ll make sure they pay for what they did to you dad.” Puno ng galit ang boses ko. I kissed his hand and hold it tightly. I want him to feel like I am here. Yumupyop ako habang nakahawak sa kamay niya.
Hindi ko na namalayan nakatulog ako sa gano’ng posisyon. Naramdaman ko na lang pagyugyog sa aking balikat. Napalingon ako, it was Drake. I rubbed my eyes to clear my vision. It was indeed him. “It is late, I should bring you home.” He led me out. No words came out from my mouth. Hinayaan ko lang siya.
Nang nag-tanggal na kami ng ginamit naming gowns for ICU he holds my hand. I looked at him with confusion. Mukhang nabasa naman niya 'yon. "I sent Mang Damian home. He was sleepy and tired. I volunteered to bring you home safely," he explained calmly. Ayoko pang umuwi. Ayokong maabutan si Mommy na gising pa.
“I don't want to go home just yet,” saad ko. Dinig ko ang buntong hininga niya at itinaas ang baba ko. Nagtama ang aming mga mata. Sari-saring emosyon ang babasa ko sa kanyang kulay abong mga mata. Kumislap ‘yon. “Fine, I know a place,”wika nito at hinila na ang ako palabas.
Nang makarating kami sa parking, pinag buksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Inalalayan niya rin ang ulo ko baka mauntog. Gentleman! Sigaw ng utak ko. Mabilis siyang pumihit sa driver seat at pinaandar niya ang sasakyan. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng magara at customized designed ng kanyang sasakyan. Not bad at all.
Ilang sandali pa tumigil ang sasakyan niya. Lumabas ako ng hindi siya hinintay na pagbuksan ako ng pintuan. There's something he's trying to awaken inside of me that I hate. When I get used to it, I'm scared he'll leave, then it's like losing something very precious. It will break me for sure. I built that wall for everyone except my dad, Yaya, and mang Damian. They are three of the most important people in my life. My cousins and other relatives we are not even close. I barely see them.
"Come, I'll show you something," Drake told me. I didn't say a word. I followed him. Medyo madilim ang lugar, at sinag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag. Wala akong makapang kaba o takot man lang. Ang lugar na pinuntahan namin ay dulo ng subdivision kung saan kami nakatira. Tinakpan ni Drake ang aking mga mata. “What was that for?” naiinis kong tanong. “It will be a surprise.” Bulong niya sa punong tenga ko. Na nagbigay ng kakaibang kilabot. Nanindig ang aking balahibo. Bumilis ang t***k ng aking puso. “Drake!” Bulyaw ko sa kanya. Gusto kong itago ang aking kakaibang nararamdaman. “Almost there Cassie, you'll gonna love it,” masayang saad niya. Tila bata na nagmamalaki. “Do you really need to cover my eyes?” puno ng iritasyon sa boses ko. “Yes Cassie, I know you’ve never been to this place. Tada!” He then slowly removed his warmed hands from my eyes. “Wow!” ‘yon lang ang lumabas sa bibig ko. This place was breathtaking. The reflection of the moon in the lake was astonishing. Malamig ang simoy ng hangin. Napaka payapa ng buong paligid. This is what I need. A peaceful place with Drake. I admit he found his way into my heart. Hindi ko alam paano ng nangyari maybe, dahil kailangan ko ng taong nagpapaalala sa akin na kailangan kong maging matagtag. Sa pinagdadaanan ni Daddy ngayon, sa gustong pumatay kanya, sa lumalalim na hidwaan naming mag-ina. Hindi ko alam paano ko ito haharapin. Drake helped me divert my attention and I appreciated his effort.
“Thank you for bringing me here,” saad ko makalipas ang ilang sandali. "You're always welcome, Cassie," Malambing na sagot niya. Ilang minuto pa kaming nanatili roon, naging kalmado pati t***k ng puso ko.
Magkahawak kami ng kamay na bumalik sa sasakyan. Tiningnan ko ang aking pambisig na relo, mag-alas onse na. Hindi ba hinahanap si Drake sa bahay nila. Tila hudyat iyon ng sinagot niya ang tanong sa utak ko. “No one is looking for me at home. I told my mom where I headed,” lumabas ang mapuputi niyang ngipin at ang saya sa kulay abo niyang mga mata. His Armenian look says it all. He was handsome, tall for his age, and he was already a young adult. Kung pagtabihin kami hanggang balikat lang niya ako.
Huminto ang kanyang sasakyan sa tapat ng aming gate. Agad akong bumaba at nag pressed ng intercom. Hindi na bumaba si Drake pero hindi pa rin siya umalis. Nang bukas ang maliit na gate, lumingon ako sa kanya.
"Thank you for making me smile and forget, even just for a short while," I smile at him and wave my hand. "Anything Cassie, just call me. I’ll be there, pasok kana.” Udyok niya. I felt special the way Drake treated me. Kahit paano nakalimutan ko ang mga gumugulo at alalahanin ko sa buhay.
Binuksan ko ang pintuan ng isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha. Tumama ang aking noo sa kabilang gilid ng pintuan. Kung hindi ako nakakapit doon baka sumadsad na ako sa semento. “Uwi pa ba ito ng matinong babae!?” Dumadagundong ang boses ng aking ina. Nanlilisik ang aking mga mata sa galit at sinugod ko siya. “Hindi na ako bata para saktan mo at papaluin kung kelan mo gusto!” Napopoot kong sigaw. I am strong than her. I know my skills. Nang makalapit ako sa kanya, hinila ko ang braso at ang buhok niya.
“Wala kang karapatang saktan ako! Hindi ka respeto-respeto! Kaya huwag mo akong diktahan o sabihan ng akala mo naging mabuti kang ina sa akin!” Walang habas pananakit ko sa kanya, hindi ko mapigilan ang sobrang ngitngit na aking nararamdaman. “Get off me b***h!” pagkakawala ng aking ina. Hindi pa ako nakuntento mag-asawang sampal ang binigay ko sa kanya ng mayroon bumuhat sa akin mula sa likuran. “Ma’am Cassie tama na po,” puno ng pakiusap sa boses ni Mang Damian. Pero hindi ako tumigil ng pagpupumiglas. Dinaluhan ni Yaya si Mommy. “Anak tama na, hindi ikaw ito, hindi ito ang Cassieng inalagaan at pinalaki ko,” hilam ang luha sa mga mata ni Yaya. Nababanaag ko ang sakit mukha niya.Saka pa lang ako natauhan. Inignora ko ang pakiusap ni Yaya. Iniwaksi ni Mommy ang kamay ni Yaya Ceding ng makatayo siya. Puno ng kalmot ang mukha niya. Bakas ang mga palad ko sa magkabilang pisngi niya.
“Manang-mana ka sa ama mo! Mga wala kayong silbi!” galaiting sigaw ni mommy at kapuna-puna ang puot sa mga mata niya. “Talaga ba? Then, tell me who the hell is my father is!? Para malaman ko kung sa kanya talaga ako nagmana at hindi sa kahayupan mo!” Iwinaksi ko ang pagpipigil ni Mang Damian akin. Binitawan niya ako. Nag martsa papuntang kwarto ko sa ikalawang palapag. Pero bago ako umapak sa unang baitang ng hagdanan nilingon siya. “My monster mother was the most horrible mother I could have ever wished for. If I had a choice, I'd pick Yaya to be my mom instead of you!” Walang lingon akong umakyat sa aking silid…
***