bc

Ayaw ng Tropa ko sa Girlfriend ko

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
billionaire
brave
drama
campus
highschool
first love
friends
like
intro-logo
Blurb

Magtrotropang hindi tanggap ang jowa nang isa nilang kaibigan kaya naman sinira nila ito para lang mapunta sa taong gusto nila para sa kanya kahit hindi niya ito mahal

chap-preview
Free preview
Ayaw ng Tropa ko sa Girlfriend ko
PROLOGUE Napatayo ako nang tumunog ang nakasalang na takure. Maingat ko itong isinalin sa thermos ngunit sumala ito at napaso ang kamay ko. Nagulat ako at aksidenteng nasagi ang thermos. Nahulog ito at natapon ang tubig. Ramdam ko ang init at sakit sa binti kong natalsikan. "Babe. Anong nangyari?" tanong ng girlfriend ko, bakas sa mukha ang pag-aalala. Lumapit siya sakin at agad na inasikaso ang maliit na paso. Tinanong niya ako kung anong nangyari at ikinwento ko naman. "Hayaan mo na yan. Maliit lang yan" anas ko. Napailing lang siya. "A little mistake can cause a bigger mess. Tingnan mo, nagsala lang ng konti yung tubig na isinasalin mo tas nauwi sa pagkalaglag ng thermos. Nasaktan ka pa tuloy" aniya. Napaisip ako at may point siya. "Im sorry" anas ko. "Wala kang kasalanan." anito. Napangiti ako at nasabi ko sa sarili kong, ang swerte ko sa babaeng ito. Napakaraming bagay ang magulo pero ipinaiintindi niya sakin. Ang bawat pagkakamali ko ay pinalalampas niya na walang paninisi. Maswerte ako hanggang sa... Nagkayayaan ang tropa na mag-inuman. "Babe, sasama ka ba?" tanong ko. "Hindi na babe. Oras nyo yun ng tropa mo. Sige na. Mag-enjoy ka. I love you" Napangiti ako sa kasweetan niya at di ko maintindihan kung bakit ayaw sa kanya ng tropa ko. Akala nila ay sagabal siya sa pagkakaibigan namin. Kung alam lang nila... "Pre, hiwalayan mo na kasi yang jowa mo" sabi ni Ken. "Bakit ba? Mahal ko yung tao pre" malumanay na sabi ko. "Ayaw namin sa kanya" si Jude naman ngayon ang nagsalita. "Wala akong pakialam kung ayaw nyo sa kanya. Ako naman ang nagmamahal at hindi kayo. Magkaibigan tayo mga pre, pero mahal ko siya" medyo pikong sabi ko. "So kung papipiliin ka, iiwan mo kami?" tanong nila. "Wala namang dapat na maiwan. Pero kung magkakaganon man, pasensya na pero mahal ko siya" I said with finality. "Ano ba yan? Ang seryoso na. Laro tayo ng truth pr dare" aya ni Lani, ang nag-iisang babae sa tropa. Nagtagal pa ang laro. May parusang tagay ang pipili sa 'truth' kaya medyo lasing na ako. This time, kay Lani na tumapat ang bote. "Truth or dare?" "Dare" sagot ni Lani. "Halikan mo si Alec" utos nila at napailing ako. "May girlfriend ako pre" protesta ko. "Halik lang naman eh" Halik lang. Isang pagkakamali lang pero ayoko. Umiling ako pero nagulat ako ng halikan niya ako ng walang sabi. Iyon lang at di ko na alam ang nangyari. Kakatapos lang ng kasal ko. Oo kasal na ako. Pero hindi sa babaeng mahal ko. Ang simpleng halik noon sa inuman ay nauwi sa masmalaki pang kasalanan. Nabuntis si Lani at kailangan kong panagutan. Lumapit sakin ang isa sa mga bisita --- si Jilian, ang babaeng totoo kong mahal. "Congratulations" nakangiting sabi niya. Ewan ko pero sa lahat ng bating natanggap ko sa mga bisita, ito ang pinakamasakit. "Im sorry... Im sorry. Alam mong mahal kita di ba?" tanong ko at tumango siya. Nakakainis ang ngiti niya. Alam kong sa likod noon ay ang sakit na nararamdaman niya. Pero tulad ng lagi niyang sinasabi, "Wala kang kasalanan. Lasing ka" Naalala ko ang sinabi niya sakin noon. A little mistake can cause a bigger mess. Kahit sabihin niyang wala akong kasalanan, alam ko sa sarili kong mali ako. Nasaktan ko ang sarili ko lalo na ang babaeng mahal ko. "Atleast ngayon, approve na siya sa tropa mo" aniya. Gusto ng tropa si Lani para sakin pero si Jilian ang mahal ko. Nilagyan nila ng drugs ang inumin ko noon. Sinadya nila iyon. Gusto kong saktan si Lani pero buntis siya. Anak ko ang dinadala niya. Nasaktan ko ang babaeng mahal ko at kung may mali man ako, iyon ay ang pagpili ko sa taong pagtitiwalaan. "Aalis na ako" aniya. "Agad? Di pa tapos ang program" sabi ko. Gago ko rin eh ano? Alam kong nasasaktan siya ngayon pero makasarili parin ako. Ayokong umalis siya, kasi pakiramdam ko ay di na siya babalik pa. "Hindi na. Saka ibang pag-alis ang tinutukoy ko. Papunta na ako sa ibang bansa. Tinanggap ko na ang mana ko" aniya. "Akala ko ay di mo na kukunin" "Di ko yun kinuha kasi ayokong iwan ka rito. Pero ngayon, wala nang rason para manatili ako" sa sinabi niya ay para akong pinapatay. "Im sorry" iyon lang ang nasabi ko. Ngayon ko lang narealize na napakarami nyang sinakripisyo para lang makasama ako. Pero anong ginawa ko? Ang tanga ko! Sinaktan ko siya ng di sinasadya. "Wag ka ngang umiyak. Kasal mo eh" biro pa niya. Sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya. "Mag-iingat ka ha" bilin ko. At bago siya kumalas, may sinabi siyang lalo pang dumurog sa puso ko... "Buntis din ako at ikaw ang ama. Hindi ko ipagdadamot sayo ang bata. Pede mo siyang bisitahin sa Amerika. Pero sa ngayon, maging masaya ka. Mahalin mo sila.... para sakin"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
786.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
19.6K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
556.5K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook